Bumalik na lang ako sa production kahit hindi pa oras para magtrabaho. Doon ko ibinuhos ang aking luha. Buti na lang at wala pa namang gasinong tao ang napasok sa loob lalo na at wala pa ring napunta sa puwesto ko. "Miss, okay ka lang?" tanong ng isang tinig mula sa aking tagiliran. Nang lumingon ako, isang panyo ang nakita ko na inaabot sa akin ng kung sino. Kinuha ko iyon bago tumunghay upang alamin kung sino iyon pero estranghero talaga siya. Hindi ko siya kilala. Ngayon ko lang siya nakita dito. Hindi naman siya mukhang contractual dahil hindi naman siya naka-white t-shirt. Mas iisipin ko pa nga na isa siya sa mga staff sa HR o mas mataas pang posisyon sa company base sa pormal na kasuotan niya. "Thank you, Sir," sabi ko saka pinunasan ang aking mga luha. Humikbi-hikbi pa ako. Pilit

