CHAPTER 08

2633 Words
HUWAG NIYO PO MUNA ITONG BILHIN, THIS IS NOT AN UPDATE. SALAMAT PO. "GABI na, huwag ka nang lumabas," ang sabi ko sa kaniya habang sinusundan ko siya. Hindi niya ako sinagot at saka inismiran pa ako. Nang makarating siya sa pintuan ay agad na akong lumapit sa kaniya para pigilan ito. Ngumiti ako. "Bumalik ka na doon sa loob. Hindi mo na kaya. Matulog na lang tayo. Tara na dito," ang patuloy ko pa. Lumingon naman siya sa akin habang nakasimangot pa rin. Hindi ito nagsalita at tiningnan lang ako. Ilang saglit pa ay sinundan niya ako para pumasok sa loob ng kuwarto. Nauna akong sumampa sa kama samantalang siya naman ay sumunod sa akin. Tumihaya ako at saka pumikit. Hindi ko na ako umimik at hindi ko na rin siya pinansin. Tahimik… Ilang minuto ang lumipas ay marahang gumalaw ang kaniyang kamay at saka niyakap ako. Narinig ko ang mahina niyang paghikbi at mukhang umiiyak ito. Napadilat naman ako at saka tumingin sa kaniya. Namumula na ang mga mata nito at saka nagpunas pa ng luha. Namumungay ang mata at nangungusap na parang kawawa tingnan. "Hanggang kailan mo pa ba ako patatawarin? Nagsisisi na nga ako pero hindi mo pa rin ako pinapansin hanggang ngayon. Palagi akong lumalapit sa 'yo pero agad ka namang umiiwas," ang tanong niya habang direktang nakatingin sa mga mata ko. "Hindi naman talaga ako galit sa 'yo. Ang totoo niyan ay naiinis lang ako at nagtatampo. Pero okay na ako ngayon," ang sagot ko habang nakangiti. "Eh, bakit hindi mo pa rin ako kinakausap hanggang ngayon? Hindi ka ba naaawa sa akin? Umiiwas ka pa rin kahit ako na ang lumalapit sa 'yo," ang sagot niya. "Hindi na nga ako nagtatampo. Simula ngayon ay hindi na rin ako iiwas at hindi na rin ako magtatampo," ang nakangiting sagot ko. Hindi siya sumagot at nanatili lang itong nakatingin sa akin. Namumungay pa rin ang mga mata niya at hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip nito at kung bakit gano'n na lang siya makatingin sa akin. "Talaga?" ang tanong niya. Tumango ako. "Hindi na ako galit," ang nakangiting sagot ko. Tahimik… Hindi na siya sumagot at hindi na rin ako umumik pa. Tinginan lang kaming dalawa hanggang sa mayamaya ay bigla ulit itong nagsalita. "Pwede ba kitang maging girlfriend?" ang tanong niya dahilan para matigilan ako. Ano ba ang sinasabi niya? Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nagbibiro ba siya? Anong ibig niyang sabihin? "Ano ba ang sinasabi mo diyan?" ang tanong ko na may halong pagmamaktol. "Ang sabi ko ay kung pwede ba kitang maging girlfriend? Let's stop this pretension, Kelcy. Para naman may karapatan ako na magselos sa 'yo," ang sagot niya dahilan para mas lalo akong maguluhan. "Lasing ka lang, Carlos. Matulog ka na," ang palatak ko sabay talikod sa kaniya. Pero pinigilan niya ako at pinaharap ulit ako sa kaniya. "Hindi ako lasing. Nakainom lang ako Kelcy pero hindi ako lasing. Alam ko ang ginagawa ko," ang sagot niya at saka hinawakan ako sa bewang. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Bigla akong natahimik at kung may anong bagay na pumipigil sa akin para hindi ako makasalita. "Girlfriend na maid? Gano'n ba 'yon?" ang sagot ko dahilan para mapakamot siya ng ulo. Umikot ito para pumaibabaw sa akin. Nahuli niya ang magkabila kong kamay at mabilis itong hinawakan para hindi na ako makagalaw pa. Sobrang higpit nito at halos hindi na rin ako makahinga dahil sa bigat ng katawan niya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. At saka, hindi naman alipin ang tingin ko sa 'yo. Ano, payag ka ba na maging girlfriend kita?" ang tanong niya na mukhang sabik na sabik habang nakahawak sa magkabila kong kamay. Hindi ako makagalaw at halos habol ko rin ang hininga ko habang nakatingin pa rin sa kaniya. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa habang amoy na amoy ko pa ang alak na ininom niya kanina. Mabango ito at wala akong naamoy na kahit ano. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Tatanggi ba ako o papayag? Wala akong maramdaman na kahit ano basta ang alam ko lang ay natatakot ako. Mayamaya pa ay namalayan ko na lang na tumatango na pala ako at saka ngumiti sa kaniya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng ibayong kilig nang sabihin niya sa akin kanina na kung pwede ba niya akong maging girlfriend. Nakita ko kaagad ang sobrang lawak na ngiti niya at ilang saglit pa ay bigla na lang itong tumawa. Umalis siya sa pagkakadagan sa akin at patuloy lang ulit ito sa pagtawa. Ako naman ay napasimangot. Nagbibiro lang ba siya? Bakit niya ako tinatawanan? Bigla akong kinabahan dahil baka nagbibiro lang ito sa akin. Pagtingin niya sa akin ay kaagad niya akong nginitian. "So, tayo na nga?" ang masiglang tanong niya. "Ano? Baliw ka ba? Hindi gano'n kadali 'yon. Kailangan mo munang manligaw 'no," ang sagot ko. "Okay, gagawin ko 'yon and I'll make it sure na magiging akin ka. At wala na ring lalaki ang aaligid sa 'yo. Tandaan mo 'yan," ang sagot niya at saka mabilis akong niyakap at saka pumaibabaw na naman ulit sa akin. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa at halos ilang distansya na lang ang lapit ay didikit na ang mukha ko sa kaniya. Pero habang tumatagal ay bigla pa yatang lumalapit ang mukha niya at parang hahalikan niya pa ako. Pero bago dumikit ang labi niya sa labi ko ay mabilis kong natabunan ang bibig ko gamit ang kamay ko para umiwas sa kaniya. Kaya ang ending ay nahalikan niya ang palad ko. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, ha? Walang ganiyan sa usapan natin at bawal ka ring humalik," ang ani ko sabay layo ng mukha ko sa kaniya. Hindi naman siya sumagot at umikot lang ito at umalis sa pagkakadagan sa akin. Huminga siya nang malalim at saka ngumiti na naman ulit. "Salamat," ang sabi niya at halos hindi mawala-wala ang ngiti. Ngumiti lang ako at saka marahang tumango. Hindi ko na alam kung ano na ba ang nararamdaman ko ngayon dahil ang pakiramdam ko lang ay sobrang saya ko. Pero sa kabila no'n ay may halong kaba naman akong naramdaman dahil baka magising na lang siya bukas na walang naalala sa sinabi niya. Baka paggising ko bukas ay hindi na niya alam ang sinabi niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at saka hinalikan sa noo. Umusog siya palapit sa akin at mabilis akong punaunan sa kaniyang braso. Ang init ng katawan niya habang nasa iisang makapal na kumot lang kami nakatabon. Pumikit ako hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Wala na akong maalala pa dahil inaantok na rin ako at sobrang lalim na ng tulog ko. Nagising na lang ako dahil may nararamdaman akong isang mabigat na bagay na nakapatong sa akin. Pagmulat ng mata ko ay tumambad sa akin ang maamong mukha ni Carlos. Seryoso itong nakatingin sa mukha at hindi ko alam na kanina pa pala niya ito ginagawa habang natutulog ako. Napapunas naman ako ng mata habang siya naman ay bumalik na sa pagkakahiga katabi ko. "Good morning," ang bati niya sa akin habang ngumingiti. Hindi pa rin ako bumabalik sa ulirat kaya hindi ako nakasagot sa kaniya. Bumangon ako sa kama habang namumunas pa rin ng mata. "Tara na sa labas. Let's eat," ang nakangiting sabi niya sabay hila sa kamay ko para lumabas ng kuwarto. Paglabas namin ay tumambad sa akin ang hinanda niyang pagkain. "Ikaw ang naghanda lahat niyan?" ang tanong ko. Tumango siya at saka ngumiti. "Yes, maaga akong gumising and I prepared all of these for you," ang sagot niya. Hinila niya ako at pinaupo sa isang upuan sa harap ng pagkain. "Come on, eat this. This is my specialty, and your favorite also," ang patuloy niya at inilapit sa akin ang isang omelette na niluto niya dati kung saan ay pinapanood siya. Sinunod ko naman ang sinabi niya at saka nagsimula na rin kaming kumain. Walang humpay at katakot-takot na ngisi ang inabot ko habang patuloy kaminsa pagkain na dalawa. Simula noong araw na 'yon ay bigla na lang nagbago ang pakikitungo sa akin ni Carlos. Mas lalo siyang naging sweet at pinangatawan talaga niya na liligawan niya ako. Araw-araw na lang ay may bago itong pasabog. Nandiyan 'yung bibigyan niya ako ng regalo. Pag-uwi niya ay may dala siyang chocolates at kung ano pa. "Kumusta ang tulog mo?" ang tanong niya habang nasa loob kami ng kaniyang sasakyan papunta sa university. Ngumiti ako. "Ayos lang. Nakatulog naman ako nang mabuti kagabi," ang sagot ko. "Bakit? Dahil sa higpit ng yakap sa 'kin kagabi kaya ang sarap ng tulog mo?" ang pilyong sabi niya. "Tado! Hindi gano'n. Nakatulog lang ako ng mabuti kagabi kasi pagod 'yung katawan ko," ang katuwiran ko. "Hindi ako naniniwala. Kung makayakap ka sa akin kagabi ay parang sinasadya mo talaga para mahawakan mo 'tong katawan ko. Tumigas tuloy si manoy," ang sagot niya sabay turo sa umbok sa suot niya. Dahil sa suot niyang itim na jogger pants ay namistula itong parang isang korean actor. Nakita ko ang malaking bukol na nakaumbok sa kaniyang suot at bigla akong namula at umiwas. "Bastos!" ang reklamo ko sabay tulak sa kaniya. Hindi siya sumagot at saka tumawa lang. "Sundin mo pala ang sinabi ko sa 'yo kanina. Bawal ka ng lumandi sa iba at huwag ka na ring dumikit sa ibang lalaki. Sundin mo 'ko dahil ako ang mas–" "Nakakagwapo na naman?" ang tanong ko. "Hindi. Sundin mo 'ko kasi ako ang boyfriend mo at pag-aari na kita. Wala ng pwedeng ibang lumapit sa 'yo," ang sagot niya. "Hindi kita boyfriend 'no! Nanliligaw ka pa lang sa akin," ang sagot ko. "Bakit, hahantong din naman tayo doon 'di ba? Wala ka bang planong sagutin ako?" ang tanong niya. Halos araw-araw na niya itong ginagawa na parang sabik na sabik na itong sagutin ko siya. Ang akala niya siguro ay madala niya ako sa mga paawa niya pero hindi ako tumugon. "Depende," ang sagot ko dahilan para mapasimangot siya. Dahil sa pakikitungo niya sa akin ay hindi tuloy nakaligtas kina Sophia ang tungkol sa amin. Dala ng pagtataka ay nakiusyoso ang mga ito kung ano ang meron sa amin ni Carlos. "Masyado na naming nahahalata na mas lalo yata kayong naging malapit ni Carlos? Kung may kailangan kang sabihin sa amin Kelcy ay sabihin mo na," ang usad ni Sophia na parang hindi kumbinsido habang tumitingin sa akin. "Ha? Ano ang ibig niyong sabihin? Wala akong alam sa sinasabi niyo," ang sagot ko na tila walang alam sa nangyayari. "Kayo na ba ni Carlos? May relasyon ba kayong dalawa? Pansin ko lang kasi palagi na parang ang sweet niyo sa isa't isa. Hindi ko lang alam kung sa iba rin pero, gano'n 'yung pakiramdam ko," ang sagot naman ni Kendra. Bigla naman akong kinabahan na kung gano'n na pala kami kahalata. Hindi ko alam ang isasagot ko. Kung tatanggi pa rin ba ako o sasabihin ko na sa kanila ang totoo. "Oo nga, ang sweet niyo sa isa't isa. Pansin ko rin kasi noong isang araw dahil binigyan ka niya ng isang gift bag habang nagkaklase tayo," ang sagot naman ni Kiara. "Mali ang iniisip mo. Galing 'yon sa mga fans niya, at hindi 'yun para sa akin," ang katuwiran ko. Napingiwi ako dahil baka hindi sila maniwala sa akin. Hindi ko naman kasi alam na gano'n pala kami kahalata sa isa't isa. "Sabihin mo nga sa amin ang totoo, Kelcy. Boyfriend mo na ba si Carlos?" ang tanong ni Sophia dahilan para manlaki ang mata ko. "Ano? Hindi ko siya boyfriend 'no! Wala kaming relasyon!" ang pagtatanggol ko na parang nagulat pa sa sinabi niya. "Sa tono ngayon ng pananalita mo ay parang totoo nga ang sinasabi namin. Napaka-defensive mo at parang nagulat ka pa," ang sagot pa niya. Tiningnan nila akong tatlo na parang hindi kumbinsido samantalang ako naman ay hindi nakakibo. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanila dahil wala na akong maisip na ibang dahilan. Tahimik. . . Wala na akong nagawa kundi ang sabihin sa kanila ang totoo. Ang akala ko noong una ay magugulat pa sila pero parang wala naman akong naramdaman na gano'n habang sinasabi ko sa kanila na nanliligaw sa akin ngayon si Carlos. Matagal na raw nilang alam at ayaw lang nila akong tanungin. Matagal na pala nilang alam pero bakit pa sila nagtanong? Nang masabi ko sa kanila ang lahat na dapat sabihin ko ay hindi naman nila tumutol. Susuportahan daw nila ako basta, mag-ingat lang daw ako sa kaniya kasi babaero daw 'yung lalaking 'yun. Tumango lang ako at nagpasalamat sa kanila. Nagpaalam na rin ako at saka dumiretso na sa gymnasium kung saan nagpa-practice si Carlos ng basketball kasama ang iba pang member ng S4. Pagdating ko doon ay laking pagtataka ko nang makitang walang tao na kahit isa ang nasa loob. Tahimik ang buong paligid at mukhang hindi pa ito nagagamit simula kaninang umaga. Pero ang sabi niya sa akin kanina ay dito lang daw sila magpa-practice at saka pinadala pa niya sa akin ang pulang envelope na hindi ko raw muna buksan hanggang hindi niya sinasabi. Dumiretso ako papasok sa loob hanggang sa makarating ako sa pinakagitna ng gymnasium. Umikot ang mata ko sa buong paligid dahil baka nagtatago lang siya pero hindi ko pa rin ito makita. Habang nasa ganoong posisyon ako ay bigla na lang akong nakarinig ng isang ingay at yapak ng mga tao at dito ay bigla na lang lumabas ang napakaraming estudyante habang nakatingin sa akin. Lumapit ang mga ito sa akin at pinalibutan ako. Nagbigay sila ng pagitan sa harapan ko para magbigay ng daan hanggang sa bulwagan ng gymnasium. Nakalinya ang mga ito na parang ako ang highlight sa buong lugar. Lahat sila ay dumukot sa likod nila at tumambad na naman sa akin ang rosas na hawak nila at inilahad nila sa akin. Ang mga estudyanteng nakapila naman sa harapan ko ay naglabas ng kulay pula na balloon at heart shaped. Habang nasa ganoong posisyon din ako ay biglang lumabas ang tatlong miyembro ng S4 na sina Philip, Tristan, at Mark Ian. Nakangiti ang mga ito sa akin at nakaporma pa silang apat. Nantili akong nakatayo at wala pa ring alam sa mga nangyayari. At kung bakit nila ginagawa ito ngayon. Nakaramdam ako ng hiya dahil ang lahat ng mga tao ay nakatingin sa akin. Walang kibo ang mga ito habang nakatingin lang sa akin kaya mas lalo akong nailang. Tahimik. . . Patuloy lang kami sa ganoong posisyon nang may isang lalaking lumabas at pumasok sa loob ng gymnasium. Nakita ko si Carlos na nakaporma at hindi na niya suot ang jersey na sinuot niya kanina. Pakiramdam ko ay bigla yatang tumigil ang ikot ng mundo. May dala itong isang kumpol na bulaklak habang sa kabilang kamay naman niya ay may hawak na isang gift bag. Nagkatinginan kaming dalawa. Sobrang gwapo niya ngayon. Ang akala ko ay wala na siyang ikakaganda pa pero mas lalo yata siyang naging pogi tingnan ngayon sa suot niyang formal wear. Habang patuloy ito sa paglalakad palapit sa akin ay pakiramdam ko ay mas lalo yatang bumabagal ang takbo ng oras. Nakatingin lang siya nang seryoso sa akin. Hindi alam kung ano ang gagawin ko hanggang sa tumigil na ito at nakarating na sa aking harapan. Walang imikan at nananatili lang itong nakatingin sa akin. "Will you be my date for today?" ang tanong niya at saka inilahad sa akin ang bulaklak na hawak niya. Hindi ko alam kung panaginip lang ito pero sana nga ay hindi. Sana, totoo 'tong nangyayari ngayon. At kung panaginip man ay sana hindi na ako magising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD