HUWAG NIYO PO MUNA ITONG BILHIN, THIS IS NOT AN UPDATE. SALAMAT PO.
AGAD akong lumingon kay Carlos na nakatitig na pala nang masama sa akin ngayon. Ang sama ng tingin niya sa akin at mukhang kakainin na niya ako nang buhay.
"C-Carlos?"
Tahimik...
Hindi siya sumagot habang nakatitig pa rin ito nang masama sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naalala ko kung ano ang mga maling ginawa ko kagabi.
Totoo bang inaway ko siya kagabi? Bakit ko ginawa 'yun?! Hinayaan ko ang sarili kong malasing at umuwi nang hatinggabi tapos gano'n pa ang ginawa ko sa kaniya?!
"Argghh!" ang sigaw ko sa sarili ko.
Napatingin ako sa sarili ko at biglang nanlaki ang aking mata dahil sa aking nadatnan at napahawak pa ako sa bunganga ko. Wala pala akong suot na damit at pang-ibaba. Tanging bra lang at panty ang suot ko.
Nagtabon ako ng sarili at mabilis akong tumayo palabas ng kuwarto para dumiretso sa banyo habang kitang-kita mismo ni Carlos ang suot kong panty at bra.
Halos hindi na ako makahinga dahil sa bilis ng mga pangyayari. Wala na akong mukha na maihaharap pa sa kaniya. Nahihiya na akong magpakita pa ulit dahil sa kagagawan ko.
Akma ko na sanang alisin ang suot kong underwear nang mapaisip ako. Bakit ganito na ang suot ko ngayon? Sino ang gumawa nito? Wala na akong suot na damit at tanging ito na lang ang naiwan sa akin.
Pilit kong inisip ang totoong nangyari kagabi at napahawak na naman ako sa bunganga ko. Totoo bang siya mismo ang nag-alis nito?! Bakit ko siya hinayaan?! Wala na talaga akong mukha na ihaharap sa kaniya ngayon! Kitang-kita na niya ang buong katawan ko! Tumalon ako nang tumalon hanggang sa napagod ako.
Ang nararamdaman ko lang ngayon ay ang takot at ang hiya sa kaniya. Kitang-kita niya mismo ang hubad kong katawan kagabi! At hindi man lang ako umangal!
Halos mabaliw na ako sa kakaisip sa mga nangyayari buong gabi. Nang makabalik na ako sa ulirat ay binuksan ko naman ang shower para maligo. Kahit masakit pa rin ang buong ang aking katawan at ulo ko ay pinilit ko pa ring maligo.
Ano ba ang ginawa ko kagabi? Sigurado ba akong ginawa ko talaga 'yon? Hayst, hindi ko na talaga uulitin 'yon kahit kailan. Hindi ko alam ang ginagawa ko at saka nang-aaway pa pala ako.
Pagkatapos kong maligo ay nagtapis na ako ng tuwalya at saka lumabas na rin ng banyo. Napaisip ako kung papasok ba ako sa loob ng kuwarto o hindi dahil nandoon si Carlos. Nahihiya pa rin talaga akong makita siya.
Kahit na nahihilo ako ay unti-unti akong lumakad papalapit sa pintuan ng kuwarto. Nagtago muna ako sa labas at ilang saglit pa ay unti-unti kong inilabas ang ulo ko para tingnan siya.
Nagulat ako nang makita ko itong nakatitig pa rin sa akin nang masama at gano'n pa rin ang posisyon niya kaya mabilis ulit kong sinarado ang pintuan at nagtago. Babalik pa ba ako?
Napabuntong hininga na lang ako bago tuluyang dumiretso muna sa kusina. Hindi na muna ako magbibihis at magluluto na lang muna ako ng kakainin namin ni Carlos. Tanghali na at mukhang gutom na rin ang aming tiyan.
Holiday naman ngayon kaya hindi na ako nagmamadali pa para makapasok sa university. Buong maghapon ay mukha lang ni Carlos ang makikita ko at halos hindi ako mapakali.
Dalawa lang kami rito hanggang sa pagtulog at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag tumama ang mata namin sa isa't isa.
Masyado kong dinamihan ang pagluluto upang makabawi ako sa kaniya. Lahat ng paborito nitong kainin ay niluto ko na para baka sakaling mapatawad niya ako sa ginawa ko sa kaniya.
Nagsaing lang ako at saka nagluto ng napakaraming pagkain. Habang patuloy ako sa aking ginagawa ay sinabayan ko naman ito ng paglilinis sa buong apartment.
Nakita ko ang mga kalat sa pinagkainan ni Carlos kagabi mula sa isang fast food chain at mukhang naawa ako dahil dito. Mukhang nag-alala talaga siya para sa akin kahapon at hinintay pa niya ako hanggang sa hatinggabi samantalang ako ay sobrang saya pa habang nag-iinuman sa loob ng bar.
Makalat ang buong sala at pakiramdam ko ay nagalit talaga ito sa akin kahapon. Pagkatapos ko sa lahat ng aking ginagawa ay hindi pa rin nawawala ang konsensiya at hiya ko sa kaniya.
Naluto na rin ang lahat ng niluluto ko kaya agad ko na rin itong inihanda sa may lamesa. Nakangiti ako habang naglalagay ng mga plato dahil sigurado akong magugustuhan niya ang lahat ng niluto ko para sa kaniya.
Pagkatapos ng aking ginagawa ay lumapit na rin ako patungo sa loob ng kuwarto. Buong lakas at marahan kong binuksan ang pintuan nito at naabutan ko siyang nakapikit at mahimbing ng natutulog.
Mahina kong binuksan ang pintuan para hindi ito magising at maistorbo. Sobrang himbing na ng tulog niya at halatang pagod na pagod pa ito. Nagbihis lang ako habang walang ingay na naririnig sa buong silid.
Lumapit ako sa kaniya at saka humiga rin kasama siya. Tiningnan ko ito habang mahimbing pa rin itong natutulog. Naiinis ako sa sarili ko dahil mukhang ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon.
Kahit na medyo masakit pa rin ang ulo ko ay hinayaan ko na muna ang sarili kong humiga sa kaniyang tabi. Tumihaya ako at mayamaya pa ay umusog ako palapit sa kaniya para yakapin ito.
Hindi naman siya umangal at mukhang hindi rin niya ako naramdaman. Napabuntong hininga na lang ako bago tuluyang ipinikit ang aking mga mata. Ngumiti lang ako sa kaniya hanggang hindi na namalayang nakatulog na rin pala ako.
Nagising na lang ako nang marahan siyang kumilos at napaungol. Dumilat ako at mukhang hindi maganda ang pakiramdam niya. Agad kong hinawakan ang noo niya at ang sobrang init ng katawan niya!
Mabilis akong napabangon at hinagkan ko ulit ang kaniya leeg pero gano'n pa rin ang nangyari. Mainit pa rin ang katawan nito at mukhang nilalagnat nga siya.
Mabilis akong lumabas ng apartment at saka dumiretso sa pinakamalapit na botika para bumili ng gamot para sa sakit sa ulo. Sobrang kaba ko at halos magkandautal pa ako habang naglalakad palabas para maghanap ng taxi na masasakyan jon
Wala pang 30 minutos ay nakabalik na ako sa apartment. Kumuha ako ng baso na may lamang tubig at saka dumiretso sa kuwarto kay Carlos. Naabutan ko siyang nakasimangot habang nakapikit kaya agad akong lumapit sa kaniya.
Umupo ako sa kaniyang tabi at saka mabilis siyang ginising. Pagdilat ng mata niya ay kaagad ko na siyang pinaupo para ipainom sa kaniya ang gamot na binili ko. Sobrang kaba ko habang ibinigay sa kaniya ang isang tableta ng gamot at parang hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gagawin.
Ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon. Halos sisihin ko na rin ang sarili ko dahil sa ginawa ko sa kaniya. Mabuti na lang dahil kaagad din nitong ininom ang gamot na ibinigay ko at pagkatapos niya itong inumin ay kinuha ko naman ang basong hawak niya.
"Magpahinga ka muna. Sorry dahil sa ginawa ko kagabi. Hindi ko na uulitin 'yon," ang sabi habang nangungusap ang aking mga mata.
Hindi naman siya sumagot at ipinikit lang nito ang kaniyang mga mata. Nilagyan ko siya ng kumot dahil mukhang nilalamig pa rin ito hanggang ngayon.
Bumalik ako sa kusina para kumuha ng bimpo para punasan siya. Hinubad ko ang lahat ng suot at tanging boxer shot lang niya ang iniwan ko. Habang patuloy ako sa aking ginagawa ay hindi tuloy mapigil ang sarili ko na tingnan ang buong katawan niya.
Wala pa rin talagang pagbabago. Maputi pa rin at siya at malaki pa rin ang kaniyang katawan. Napapalunok ako habang nagtatama ang mata ko patungo sa kaniyang abs at pati na rin sa umbok nito sa loob ng kaniyang boxer shorts.
Pakiramdam ko ba ay para akong inaakit nito para hawakan pero agad ko rin naman itong binabalewala at nag-iisip na lang ng mga ibang bagay. Hindi yata mag-sink in sa utak ko na pinagnasaan ko na pala siya at alam kong mali 'yun.
Buong magdamag ay ako ang nag-alaga Carlos. Pati sa pagkain niya ay ako na mismo ang nadala sa kuwarto para pakainin siya. Hanggang maghapon ay gano'n lang ang ginawa ko.
Wala akong ginawa kundi ang magbabad muna sa social media habang tulog pa rin ito sa kuwarto. Sobrang dami kong nakitang post tungkol sa akin. Nakita ko ang isang post ni Queenery na galit na galit ito sa akin at puro paninira na naman ang kaniyang ginawa.
Nakita sa video na pinost nila habang sumasayaw ako sa gitna. Nanliit din ang tingin ko sa sarili ko dahil pakiramdam ko pinagpipyestahan na ako ng mga tao ngayon.
Loading comments…
"Hala! Basagulera pala iyang si Kelcy?!"
"Owemjiii?! Lasinggera siya!"
"Lumabas din ang tunay na kulay niya."
"Tama ako ng hinala sa kaniya!"
"Hindi totoo ang sinasabi niyo! Mabait kaya si Kelcy! Ano namang kung nalasing siya?!" ang pagtatangol ng isa kong kaklase.
More comments…
Ilan lang 'yan sa mga nababasa kong comments ng mga tao tungkol sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko basta ang nararamdaman ko lang ngayon ay ang pagkahiya at takot.
Sumapit na rin ang gabi at habang palalim na ito nang palalim ay unti-unti na rin akong tinatamaan ng antok. Hinayaan ko na lang ang mga ito dahil alam kong may mali naman talaga sa akin.
Humiga ako sa tabi ni Carlos. Tumihaya ako hanggang sa namalayan ko na lang na nakatulog na pala ako.
Pagkagising ko ng umaga ay naabutan ko ang sarili ko na nakahiga sa braso ni Carlos habang ang ang aking kamay naman ay nakayakap sa kaniyang dibdib.
Unti-unti akong kumilos at naabutan kong gising na pala siya habang nilalaro niya ang kaniyang kamay. Bumangon ako sa aking hinihigaan habang patuloy lang siya sa kaniyang ginagawa. Ayaw ako nitong tingnan.
"Okay ka na ba? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" ang tanong ko.
Tumingin siya nang diretso sa akin at hindi ako pinansin. Ilang sandali pa ay bigla na lang ulit sumeryoso ang mukha niya. Alam ko na ang gagawin niya at kahapon ko pa hinanda ang sarili ko sa kaniya.
Unti-unti kong nilapit ang kamay ko sa kaniya para sana tingnan kung mainit pa rin ba ang kalagayan niya nang bigla niya akong hinablot at saka pumaibabaw siya sa akin. Nagulat ako sa kaniyang ginawa dahil napahiga ulit ako at siya naman ang nasa ibabaw ko ngayon.
Nagtinginan kami sa isa't isa at para na naman akong mahipnotismo. Ang sama ng tingin niya sa akin at sigurado akong naalala na niya ulit ang ginawa ko.
"Malaman ko lang na may kalandian ka ng ibang lalaki ay sigurado akong makakatikim ka sa akin!" ang pagbabanta niya habang amoy na amoy ang kaniyang mabangong hininga.
Umikot siya nang mabilis at ako naman ang nakapatong sa kaniya sa taas ngayon. Kita ko ang galit sa kaniyang mukha pero alam ko g pinipigilan lang niya ito.
"Maliwanag ba?! Hindi na kita hahayan ngayon na sumama pa sa kahit na kaninong lalaki! Tandaan mo 'yan. Ang akala mo ba ay nakalimutan ko na ang ginawa mo?!" ang patuloy pa niya na may halo na namang pagbabanta.
Natahimik ako at mukhang ayaw bumukas ng bunganga ko. Magkapantay ang aming mukha at ayaw niya akong bitawan. Nakita ko na naman ang galit sa kaniyang mukha.
Dahil siguro sa pagkataranta ay bigla na lang akong napatango at napa-oo. Ayaw kasi niya akong bitawan at medyo naiilang na rin ako sa ginagawa niya. Pero bakit ko ginawa 'yon?
Wala naman kami ni Carlos. Wala naman kaming relasyong dalawa. Eh, anong gusto niyang mangyayari? Na siya lang ang taong didikitan ko at wala ng iba?
Medyo naguguluhan na rin ako at hindi ko na rin maintindihan kung ano ang nangyayari. Inaangkin ba ako ni Carlos? Gusto ba niya na sa kaniya lang ako lalapit at hindi pwede sa iba.
Paano naman ako dahil gusto ko pang magka-boyfriend!
Pagkatapos kong sinabi iyon sa kaniya ay unti-unti na rin niya akong binitawan at saka hinayaang makaalis sa pagkakadagan sa kaniya.
Mabilis akong tumakbo palabas ng kuwarto at napahawak sa aking ulo. Dahil sa sinabi ko ay para na rin akong pumayag. Hindi ko na alam ang ginagawa ko.
Ilang sandali pa ay lumabas na rin ito ng kuwarto habang may tuwalyang nakatapis sa kaniyang bewang. Nagtama ang mga mata namin sa isa't isa pero agad din akong umiwas sa kaniya.
Dumiretso siya sa may banyo at namalayan ko na lang na patuloy na sa paglagaklak ang tubig sa loob. Ako naman ay tumungo sa kusina para magsipilyo at magluto ng almusal naming dalawa.
Pagdating sa aming university ay rinig na rinig ko naman ang usapan ng mga estudyante sa paligid. Kahit na alam kong hindi lang nila ito pinapahalata pero ang hindi nila alam ay kanina ko pa naririnig ang usapan nila tungkol sa akin.
"Hay, naku! Nakakaasar na talaga siya. Masyado na siyang pa-especial! Hindi ko na alam ang gagawin ko kasi lasinggera daw ang babaeng 'yan, eh!" ang narinig kong bulong ng isa sa kaniya kasama.
"Oo nga! Gusto ko na siyang saktan pero baka magalit pa sa akin ang S4. Hayst, hindi ko rin alam kung ano talaga ang meron sa babaeng 'yan!" ang sagot naman ng kasama niya.
"Ano ang meron sa kaniya na wala sa atin, ha? Bakit siya nlang palagi ang pinapansin ni Carlos?"
"At magkasabay pa silang pumasok ngayon? Sigurado akong magagalit na naman 'yan si Queenery! Mabuti pa 'yun kasi mabait siya pero ito? Ewan ko lang!"
"Mabait naman talaga si Queenery. Mayaman na, mabait pa! Pero palagi na lang nila inaaway ng mga kaibigan niya!"
"Lumayo na nga lang tayo sa kaniya! Nandiyan na 'yung mga kaibigan niya. Baka pati tayo ay awayin pa nila! Ayaw kong magkapasa-pasa 'no!" ang ani ng isa sabay bilis ng takbo.
At dito nga ay nakita ko sina Sophia, Kendra, at Kiara na palalapit sa aking kinalalagyan. Ngumiti ako sa kanila at sabay na kaming apat na pumasok sa unang klase namin.
Alas-siete ng umaga nag-umpisa ang aming klase at natapos naman ito ng alas-nuwebe. Bumili lang kami ng meryenda sa cafeteria at saka dumiretso na rin ako sa sunod ko pang klase kung saan ay kaklase ko si Carlos.
Pagpasok pa lang niya sa classroom at ako kaagad ang hinanap ng mga mata niya. Nang makita niya ako ay pinaalis niya ang lalaking katabi ko sa upuan at siya naman ang umupo rito.
Wala namang nagawa ang lalaki kundi ang umalis at lumipat na lang ito sa ibang upuan. Sinamaan ko naman ng tingin si Carlos pero sinamaan lang din niya ako ng tingin na may halo pang pagbabanta.
Gusto ko na talaga siyang pagsabihan pero alam kong hindi naman siya maniniwala o susunod sa akin. Padabog akong sumandal sa upuan ko at dito ay pumasok na rin ang aming professor.
Nagsimula na siyang magturo at may bago na naman itong ipinagawa sa amin. Binigyan naman niya kami para mag-isip tungkol sa gagawin namin.
Habang nag-iisip ako ng gagawin ko ay panay naman ng ngiti sa akin ni Carlos. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa utak niya at kung bakit panay siya ng ngiti sa akin.
"Bakit?" ang tanong ko sa kaniya.
Hindi niya ako sinagot at may kinuha lang siya sa kaniyang likuran. Pagtingin ko rito ay may hawak na siyang gift bag. Ibinigay niya ito sa akin habang sobrang lawak pa ng ngiti niya.
Nagtaka naman ako at saka tinanggap ang binigay niya. "Ano 'to?" ang tanong ko na may halong pagtataka.
"Huwag ka na magtanong. Buksan mo na lang, bilis na!" ang nakangising sambit niya.
Wala na rin akong nagawa kundi ang buksan ang binigay niya sa akin. Pag-open ko ng binigay niya ay tumambad sa akin ang napakaraming klase ng chocolates.
At lahat 'yon ay paborito ko pa! Hindi ko mapigilang mapangiti at kiligin dahil sa ginawa niya. Ang pakiramdam ko ngayon lang ay para lang siyang nanliligaw sa akin.
"Woww! Ang sarap nito! Salamat, Carlos!" ang usad ko at mabilis ko siyang niyakap.
Ngumiti lang siya sa akin at niyakap lang din ako. "Nagustuhan mo ba? Sige, buksan mo pa!" ang excited na sambit pa niya.
Ginawa ko naman ang sinabi niya at mayamaya pa ay may nasagi akong isang maliit na box. Nagtaka naman ako kung ano ang laman nito kaya kinuha ko ito at saka binuksa.
Tumambad sa akin ang isang necklace at pakiramdam ko ay mamahalin ito. Napatingin ako kay Carlos habang siya naman ay nakamasid lang sa ginagawa ko at nakangiti.
"Maganda ba? Sinigurado ko talaga na babagay at kakasya iyan sa 'yo," ang sambit niya at kinuha ang necklace sa akin para ito na mismo ang magsuot nito sa akin.
Isa itong klase ng necklace na may maliit na pendant na heart. Kulay gold ito at sobrang nipis pa kaya halatang mamahalin talaga.
"Ingatan mo 'to dahil mas mahal pa 'to sa buhay mo. Pag nawala mo 'yan ay para mo na ring sinabing magiging akin ka," ang nakangising sambit niya dahilan para mapangiwi ako at mawala ang ngiti sa.
"Kunin mo na lang 'to. Ayaw ko ng isuot 'yan!" ang pagsusungit ko dahilan para matawa siya pero naisuot na niya sa akin ang necklace.
Medyo umusog pa siya nang kaunti palayo sa akin upang tingnan kung bagay ba pinasuot niya sa akin. Mayamaya pa sumeryoso ito ng tindig at mukhang napalunok pa habang nakatingin lang sa akin. Umiwas siya ng tingin sa akin at hindi na muli akong tinignan.
Simula no'ng araw na iyon ay pinanindigan na nga ni Carlos ang sinabi niya sa akin na hindi na niya ako hahayaang didikit pa sa ibang lalaki.
Panay kasi ito ng sunod nang sunod sa akin kung saan ako magpunta. Para siyang anino ko at ayaw talaga niyang tumigil kahit na nagagalit na ako sa kaniya.
Pero, nitong mga nagdaang araw ay napapansin kong hindi na sumusunod si Carlos sa akin kahit na saan ako magpunta. Napapansin ko rin na palagi itong umuuwi ng lasing at pagod.
Dahil sa pagtataka ay sinubukan ko itong hanapin sa buong campus pero hindi ko naman siya makita. Napagod na lang ang mga paa ko sa paglalakad pero wala pa rin akong nakitang Carlos.
Parang hindi kasi maganda ang nararamdaman ko sa kaniya at pakiramdam ko ay may iba na itong ginagawa na hindi ko alam. Sigurado ako na meron na siyang ginagawang iba ngayon.
Mayamaya pa ay napaisip ako at sinubukan kong puntahan ito sa building ng S4. At hindi nga ako nagkamali. Naabutan ko siya doon na may kasamang ibang babae at nakalingkis pa ito sa kaniyang bewang. Sobrang saya nila at nagtatawanan pa ang mga ito.
Bigla na lang nag-init ang pakiramdam ko at tumakbo ako nang mabilis palayo sa kanilang kinalalagyan. Hindi ko alam nguni't parang may isang matalim na bagay ang tumusok sa akin habang mag-isa akong naglalakad pauwi sa apartment ko.
Ginagawa ba niya ito para paghigantihan ako? Dahil sa ginagawa ko ay umaakto ako na larang niloko niya ako.
Pag-uwi ko ng apartment ay agad akong dumiretso sa kuwarto para mahiga. Napaharap ako sa kisame habang nakikita pa rin ng mga mata ko ang panlolokong ginawa sa akin ni Carlos kanina. Hindi ko mapigilang mapaluha pero agad ko rin naman itong pinunasan.
Pagsapit ng gabi, habang abala ako sa pagluluto ng ulam ay dumating naman si Carlos papasok sa loob ng apartment. Nakangiti pa ito na parang wala siyang naalala sa nakita ko kanina.
Nang makita niya ako ay patago ko siyang inismiran habang siya naman ay naglalakad patungo sa loob ng kuwarto. Paglabas sa kuwarto ay dumiretso na ito ng kusina at sobrang lawak pa rin ng ngiti niya na mas lalo namang nagpainis lalo sa akin.
Umupo pa ito sa isang upuan sa harap ng lamesa na parang naghihintay na matapos ako sa pagluluto. Pakiramdam ko ulit ay parang ginawa lang niya akong maid para pagsilbihan ulit siya.
Nang matapos akong magluto ay inihanda ko na ang mga ito sa lamesa sa harap niya at padabog kong iniabot sa kaniya ang platong hawak ko.
"Oh, kumain ka mag-isa mo!" ang sambit ko na may halong sigaw dahilan para magulat siya at napakurap. Pati ako ay nagulat din dahil sa inasal ko sa kaniya.