BLACK 08

2291 Words
        HALOS hindi na maramdaman ni Angel ang kaniyang sarili. Tila namanhid na ang lahat ng parte ng katawan niya sa tagal ng pagkakabitin niya. Tumigil na ang pagdurugo ng sugat na dulot ng paghiwa ng pulubi sa kaniya. Puno na ng pawis ang buong katawan niyang nanginginig pa rin. Isang oras at isang minuto na lang. Ganoon na lang katagal ang kailangan niyang tiisin at matatapos na ang ikalawang pagsubok ni Black sa kaniya. Ang pulubi na kanina ay parang walang kapaguran ay naubos na yata ang energy at nakahiga na ito sa isang sulok. Nakatalikod ito sa gawi niya kaya hindi niya alam kung tulog ba ito o basta lang nakahiga. Gusto na niyang matapos ang lahat ng ito. Hindi na rin siya sigurado kung makakaya pa niyang bumitin pa ng mas matagal dahil sobrang sakit na ng mga braso at kamay niya ng sandaling iyon. “Diyos ko… Parang hindi ko na kaya. Tulungan Niyo po ako…” At sa pagkakataon na iyon ay tumawag na siya sa Diyos. Tinanong tuloy ni Angel ang sarili niya kung kailan nga ba siya huling nagdasal at kinausap ang Diyos? Hindi na niya matandaan. Kahit noong buhay pa ang nanay niya ay hindi siya nito iminulat na dapat ay palagi siyang nagdadasal o nagsisimba. Kaya hanggang ngayon ay hindi niya alam kung dapat ba siyang magtiwala sa Diyos. Wala lang talaga siyang mahingan ng tulong sa sitwasyon niya ngayon kaya siya biglang humingi ng tulong sa Diyos. Limampu’t siyam na minuto na lang ang nalalabi sa timer. Nanghihinang ngumiti si Angel. Malapit nang matapos. Kaunting tiis na lang. Ngunit agad na naglaho ang ngiti niya nang biglang bumangon ang pulubi at nagtatalon ito na parang isang bata. “Oras na! Oras na! Oras na para sa huling pasabog!” Pumapalakpak pa ito. “A-anong sinasabi mo?” Nagtataka niyang tanong dito. “Oras na! Aalis na ako dito! Bye!” Kumaway ito sa kaniya at tumakbo na ito papunta sa pinto. “Hoy! Saan ka pupunta?!” Hindi siya pinansin ng pulubi hanggang sa tuluyan na itong lumabas ng kwartong iyon at isinarado nito ang pinto. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga sinabi nito? Oras na daw para sa huling pasabog. Kinabahan tuloy siya. Base sa sinabi ng pulubi ay may isa pang pagsubok na darating. Pero paano iyon mangyayari kung umalis na ito? Sino pa ang magpapahirap sa kaniya? “Baka naman babalik pa ang mabahong iyon…” Mahina niyang turan. Nang apatnapu’t siyam na minuto na lang ang natitira ay may narinig siyang ugong sa sahig. Pagtingin niya sa ibaba ay nakita niyang bumubukas ang sahig sa tapat niya. Napasigaw siya nang malakas. Isang parihabang butas ang ngayon ay nasa paanan niya at kapag bumitaw siya ay siguradong doon siya mahuhulog. At ang mas nakakagimbal pa ay puro dumi ng tao ang laman ng hukay na iyon! Hindi na napigilan ni Angel ang pagbaligtad ng sikmura niya dahil sa nakaksulasok na amoy ng tae lalo na nang makita niya iyon! May mga langaw na naglipana doon at mga uod na nagpipiyesta. Parang nilamukos ang sikmura niya at tuluyan na siyang napasuka. Umagos ang sarili niyang suka sa kaniyang leeg, dibdib at pababa. Kulang na lang ay isuka na rin niya pati lamang-loob niya. Hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak sa bakal sa takot na baka makabitaw siya doon. Kahit nangangalay na siya ay hindi na talaga siya bibitaw dahil ang babagsakan niya ay hukay na puno ng tae. Iniisip pa lang niya iyon ay kinikilabutan na siya nang husto. Natapos na ang pagsusuka ni Angel. Itiningala niya ang ulo upang hindi makita ang nasa paanan niya. Pinipigilan din niya ang paghinga hangga’t kaya niya. Hindi niya talaga kaya ang mabahong amoy ngayon. Mas triple at mas higit pa iyon sa amoy ng pulubing kasama niya dito kanina. Kaya pala umalis ito ay dahil alam nito na ganoon ang mangyayari. “Maaari ka nang sumuko kung hindi mo na kaya, Angel. Ang gagawin mo lang ay bumitaw sa bakal na iyong hinahawakan.” Narinig niya ang boses ni Black sa earphone. Tumiim ang bagang ni Angel. “Salamat sa pag-encourage, ha!” sarcastic niyang tugon na tinawanan lang nito. Kung inaakala nito na susuko na siya ngayong matatapos na ang limang oras ay nagkakamali ito. Mas lalo pa nga siyang naging determinado dahil doon. Nag-concentrate na lang si Angel para hindi siya makabitaw sa bakal. Iyon naman talaga ang dapat niyang gawin. Mahirap mang balewalain ang amoy ng tae sa may paanan niya ay nagpakatatag pa rin siya. Nahihilo na siya sa amoy niyon. Ngayon ay alam na niya kung bakit walang bintana ang kwartong pinagdalhan sa kaniya. Gusto ni Black na ma-suffocate siya sa amoy ng dumi ng tao! Hindi alam ni Angel kung gaano siya katagal na nakatingala at nakapikit. Pero nang pagtingin niya sa timer ay isang minuto na lang ang naroon. Pakiramdam niya ay nakuha na niya ang sampung milyong piso sa nakita. “Malapit na…” Parang nasisiraan ng ulo na sabi niya. Tatlumpung segundo. Patuloy sa pagbaba ang segundo. Sampung segundo na lang! Lima. Apat. Tatlo. Dalawa… Isa! Sa wakas! Natapos na niya ang limang oras na pagsubok ni Black. Nagawa niya! Sa sobrang saya niya ay napaiyak siya. “Black! Ibaba mo na ako dito. Tapos na!” sigaw niya habang humahagulhol. Ang saya-saya talaga niya na nagtagumpay siya sa pangalawang pagsubok. Tatlo na lang at makukuha na niya ang sampung milyong piso na babago sa buhay niya. “Binabati kita, Angel. Nagtagumpay ka sa ikalawang pagsubok! Ang one hundred thousand pesos mo ay one million pesos na ngayon!” ani Black. Napasigaw siya sa sobrang saya. Sa tanang ng buhay niya ay ngayon lang siya nagkaroon ng ganoong kalaking halaga ng pera. “Ibaba mo na ako dito, Black!” utos ni Angel. Ang akala ni Angel ay muling magsasara ang sahig upang matakpan ang hukay na puno ng tae. Nang sa gayon ay magagawa na niyang bumitaw sa bakal nang hindi doon nalalaglag. Ngunit may ibang plano si Black dahil biglang naputol ang sumusuporta sa bakal na hinahawakan niya. Kaya ang nangyari ay tuluyan siyang nahulog sa hukay na puno ng dumi ng tao! Nandidiring nagsisigaw si Angel nang halos lamunin ng mga tao ang buong katawan niya. Hanggang leeg niya ang lalim ng hukay kaya tumingkayad siya upang hindi maabot ng tae ang mukha niya. “Walang hiya ka, Blaaack!!!” “Kasama iyan sa pangalawang pagsubok. Ngayon ay humanda ka na sa susunod!” “Hayop ka talaga!” Parang gusto na lang niyang mamatay. Gusto niyang sumuka pero wala na siyang maisusuka. Naubos na kanina. Ginawa pa naman niya ang lahat para hindi bumitaw tapos ganito rin pala ang mangyayari sa kaniya sa huli! Pagtingala niya sa itaas ay nakita niya ang pulubi na nakatanghod sa kaniya. Hindi na niya nagawang makapagsalita dahil may isang parang bote itong itinutok sa mukha niya. Naglabas ng puting usok ang bote na naging dahilan para mawalan ulit siya ng ulirat…   “MAMA?” Hindi makapaniwalang bulalas ni Angel nang magising siya sa bahay nila noong buhay pa ang kaniyang nanay. Nasa may kwarto siya kanina. Paglabas niya ay nakita niya ang nanay niya sa kusina. Kahit nakatalikod ito sa kaniya dahil nakaharap ito sa lutuan ay kilala niya pa rin ito. Sa pagharap nito ay doon niya nakumpirma na ito nga ang Mama Angelica niya. “Gising ka na pala, Angel! Umupo ka na at maluluto na itong pagkain natin.” Maaliwalas ang mukha ng mama niya. Patakbong nilapitan niya ang kaniyang ina at niyakap ito nang mahigpit. Napaluha siya dahil talagang na-miss niya ang malalambot na taba nito sa katawan. “Na-miss kita, mama!” aniya. “Ano bang na-miss? E, palagi naman tayong magkasama. Sige na. Umupo ka na at luto na ito. Kakain na tayo.” “Sige po…” Sinunod na lang ni Angel ang utos ng mama niya. Umupo na siya habang hinihintay ang pagbibigay nito ng pagkain. Hindi pa rin siya makapaniwala na kasama niya ito ngayon. Kung panaginip man ito o ano ay wala siyang pakialam. Ang importante ay magkasama na ulit sila at sana ay hindi na ito matapos. “Luto na, Angel! Sigurado akong magugustuhan mo ang niluto ko para sa iyo!” Excited na si Angel dahil sobrang tagal na niyang hindi nakakakain ng luto ng mama niya. Ngunit nagulat siya nang imbes na pinggan o mangkok lang ang ilalagay nito sa harapan niya ay isang malaking maldero ang inilagay nito sa harapan niya. “M-mama, ang laki naman yata nito. Hindi ko po yata kayang ubusin ito.” Natatawa niyang sabi. Hindi niya inaalis ang tingin sa kaldero. “Ano ka ba? Bakit hindi mo muna tingnan kung ano ang iniluto ko para sa iyo? Sigurado ako na kapag nakita mo iyan ay baka maubos mo lahat ng iyan. Sige, buksan mo na…” Inabutan siya nito ng sandok. Tumayo si Angel at inalis ang takip ng kaldero. Kumawala ang usok mula doon at nalanghap niya ang mabangong aroma ng nasa loob ng kaldero. Pagtingin niya ay puno iyon ng sabaw na kulay dilaw. Curry yata ang niluto ng mama niya. E, isa sa paborito niya ang chicken curry. Kaya lang ay parang sobrang dami naman yata ng sabaw. “Chicken curry?” tanong niya pero sa kaldero pa rin nakatingin. “Hindi. Gamitin mo ang sandok nang malaman mo…” Inilagay niya ang sandok sa loob ng kaldero. Paghalo niya ay napasinghap siya at halos kapusin ng hangin nang biglang umibabaw mula sa kailalilam ng kaldero ang isang pugot na ulo! At ang nakakagimbal pa doon ay ulo iyon ng Mama Angelica niya! Sa sobrang gulat at takot ni Angel ay naitulak niya palayo ang kaldero. Natumba iyon at tumapon sa lamesa ang sabaw pati na ang pugot na ulo ng nanay niya. Pagtingin niya sa Mama Angelica niya sa tabi niya ay mas lalo siyang napasigaw dahil wala na itong ulo. Bumubulwak pa ang masaganang dugo mula sa leeg nito!   ISANG mahabang paghinga ang kumawala sa bibig ni Angel nang magising siya. Panaginip. Mabuti na lang ay panaginip lang ang lahat ng iyon. Isang nakakahindik na panaginip! Pinakiramdaman niya ang sarili. Naaamoy niya pa rin ang dumi ng tao sa katawan niya. Marahan siyang bumangon at napapikit siya ng saglit nang sumalubong sa kaniya ang matinding sikat ng araw. Nang tumingin siya sa kaniyang harapan ay doon niya nalaman na nasa rooftop siya ng isang building. Marahan siyang tumayo. Nanginginig pa rin ang mga braso at kamay niya. Dama pa rin niya ang pangangalay ng mga iyon dahil sa limang oras na pagbitin niya. Nang tingnan niya ang sarili ay puno pa rin ng dumi ng tao ang katawan niya. Natuyo na iyon. Sumaka ulit siya. Nakasuot pa rin siya ng bra at panty. Kinapa niya ang kaniyang tenga at nalaman niyang naroon pa rin ang earphone. “Black!” aniya. “Mabuti naman at gising ka na, Angel! Handa ka na ba para sa pangatlong pagsubok?” “Niloloko mo ba ako?!” Naiinis niyang turan. “Hinayaan mo akong ganito kadumi at kabaho tapos sisimulan mo na agad ang kasunod na pagsubok? Hindi! Hindi ko gagawin ang iuutos mo hanggang hindi ako nakakaligo at nakakapagpalit ng damit!” “Hello!” “Puta!” gulat na sigaw ni Angel nang may biglang nagsalita sa likuran niya. Mabilis siyang lumingon at kumulo ang dugo niya nang malaman na naroon ang pulubi. Napakadumi pa rin nito. “Ikaw na naman?! Anong ginagawa mo dito?” Napansin niya ang tatlong shoe box na dala nito. Magkakapatong ang mga kahon. “Inutusan ako ni Black—” “Black! Wala ka bang ibang tauhan at itong pulubi na naman na ito ang makakasama ko?” Bahagyang natawa si Black sa kabilang linya. “Maging mabait ka sa kaniya dahil siya ang magbibigay sa iyo ng instruction para sa ikatlong pagsubok. Letter A ang third letter sa BLACK at ang ibig sabihin ng letter A ay ACT. Ibig sabihin, gusto kong umakto ka bilang ibang tao. Malayo sa kung ano ikaw.” Mataman lang siyang nakikinig. “Alam ko na hindi ka nagsusuot ng mga high-heeled shoes at iyon ang gusto kong gawin mo. Maglalakad ka sa gilid ng rooftop building kung saan ka naroroon ngayon. One complete rotation gamit ang isang pares ng sapatos! Gagawin mo ba?” “M-magkano?” Mabilis niyang tanong. Naglakad siya papunta sa gilid upang makita kung gaano kataas ang kinaroroonan niya. Isang mahabang paghinga na lang ang nagawa niya nang makitang sobrang liliit na ng tao sa ibaba. Sigurado siya na kapag nahulog siya mula sa rooftop ay hindi siya mabubuhay. Isang dangkal lang ng kamay niya ang espasyo na lalakaran niya sa gilid. “Ang one million pesos mo ay magiging three million pesos kapag nagawa mo!” “Paano kung umatras na ako? Makukuha ko pa rin ba ang isang milyon?” “Angel, siyempre… hindi. Oras na umatras ka ay babawiin ko ang lahat ng pera.” “Okay. Gagawin ko.” Hindi siya takot sa height pero ang ikinakatakot niya ay ang pagsusuot ng sapatos na may mataas na takong. Hindi siya nagsusuot ng ganoon. Nangangamba siya na baka madapa siya at iyon ang maging dahilan ng pagkahulog niya. Ngunit wala siyang pagpipilian. Ayaw naman niyang mawala ng ganoon lang ang perang pinaghirapan niya. Ayaw na rin niyang umapela sa mga rules ni Black dahil ito ang nagbibigay ng pera sa kaniya. Kailangan niyang sundin ang bawat salita nito. “Kung ganoon ay ang pulubi na ang bahala sa iyo. Galingan mo!” Napipilitan man dahil duda siya sa katinuan ng pulubi ay hinarap na lang iyon ni Angel. “Ano na ang gagawin ko?” tanong niya. Ibinaba muna nito ang tatlong shoe box at inihanay iyon sa gitna nilang dalawa. “Mamimili ka ng isang kahon tapos kung ano ang laman niyon ay susuotin mo!” Ang isa ay kulay pula, ang isa ay puti at ang isa naman ay itim. “Isa lang ang susuotin ko sa tatlong iyan? Tama ba?” “Hindi, `no. Ang sabi ni Black ay susuotin mo ang lahat ng ito. Pero ikaw ang pipili kung ano ang mauuna,” paliwanag nito. “Susuotin ko naman pala lahat. Bakit kailangang papiliin mo pa ako?” “Aba, malay ko. Inutusan lang ako dito. Bakit kaya hindi ka na lang mamili para matapos na tayo dito. Gusto ko nang makuha ang Jollibee ko!” Nakakairita talaga ang matinis nitong boses. Hindi na niya ito matarayan dahil sa mabaho nitong amoy dahil parang mas mabaho na siya ngayon kesa dito. “I-iyong puti ang uunahin ko!” Sa wakas ay nakapili na si Angel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD