EAT 06

2451 Words
        TAKOT na takot na napasiksik ang pitong taong gulang na si Antonia nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng kanilang bahay. Naroon siya sa maliit na kwarto kung saan magkasama silang natutulog ng kaniyang tatay. Silang dalawa na lang ang nakatira dito simula nang mamatay sa sakit na colon cancer ang kaniyang mahal na ina. Halos isang buwan na siya sa kwartong iyon at nakatali ang mga paa. May busal siya sa bibig kaya wala siyang kakayahan na magsisigaw para humingi ng tulong sa ibang tao sa labas. Isa pa, medyo malabo na may makarinig sa kaniya dahil wala silang kapitbahay. Nasa may liblib na bahagi na kasi ng lugar nila ang tirahan nilang mag-ama. Bago marating ang kanilang bahay ay kailangang maglakad ng halos isang kilometro mula sa kalsada. Lupa at mga d**o ang dadaanan at may mangilan-ngilang puno sa paligid. Sa pagbukas ng silid na iyon ay mas lalong lumala ang takot ni Antonia nang masilayan ang kaniyang ama. Walang emosyon ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya. Nilapitan siya nito nang walang imik. Nanginginig na siya sa takot dahil alam na niya ang mangyayari sa tuwing pumapasok ito doon. Inilagay nito ang isang hintuturo sa tapat ng bibig nito habang inaalis ang busal sa kaniyang bibig. “Huwag kang maingay. Kapag nag-ingay ka, hindi kita papakainin. Naiintindihan mo ba, Antonia?” Mahinahon ang pagkakasabi nito pero may kahalong pananakot at pagbabanta. “O-opo…” Napipilitan niyang sagot. Inalis na rin ng ama niya ang tali sa kaniyang paa at dinala siya sa matigas na papag. Nagmamadali siya nitong hinubaran at nang wala na siyang kahit na anong saplot sa katawan ay ito naman ang naghubad. Oo. Binababoy siya ng sarili niyang ama. Matagal na nitong ginagawa ang bagay na iyon kahit buhay pa ang ina niya. Mas naging malaya lang ito na babuyin siya nang mamatay na ito. Kung noon ay hinihipuan lang siya nito sa maseselang parte ng katawan niya ngayon ay ginagamit na nito ang kaniyang katawan. Sinimulan siya nitong itali nang magtangka siyang tumakas. Halos tatlong araw siya nitong ikinulong sa kwartong iyon at hindi pinakain. Ang akala niya ay iyon na ang katapusan niya pero kinausap siya nito. Anito, bibigyan siya nito ng pagkain at inumin kapalit ng pagpayag niya sa pambabababoy nito sa kaniya. Bata siya at mahina kaya kahit labag sa kalooban ay pumayag siya. Pero ganoon pa man ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na makakaalis siya sa impyernong kinasasadlakan niya ngayon. Nag-iisip pa rin siya ng paraan. Ayaw niyang habangbuhay siya na winawasak ng sarili niyang ama!   NAPAPITLAG si Antonia nang bumalik sa kasalukuyan ang kaniyang diwa dahil sa malakas na pagsipol ng takure. Nagpapainit kasi siya ng tubig para sa kape niya sa umagang iyon. Nag-uumpisa kasi ang araw niya sa isang tasa ng mainit na kape. Pinatay na niya ang apoy sa gas stove at nilagyan ng mainit na tubig ang kaniyang tasa na mero nang nakalagay na kape at kaunting asukal. Tinikman niya ang kaniyang kape matapos iyong haluin gamit ang kutsarita. Mapait pero ganoon ang kape na gusto niya. Gaya ng buhay niya noong bata siya—mapait. Ubod ng pait. Ngunit hindi siya nagagalit sa kahit na sino dahil sa karanasan niya na iyon. Nagpapasalamat pa nga siya sa nangyari sa kaniya noon dahil iyon ang dahilan kung bakit kumakalap siya ng limpak-limpak na salapi ngayon. Sa muling paghigop ni Antonia ng kape ay nagpatuloy ang pagdaloy ng nakaraan sa kaniyang isipan…   SINIPA-SIPA ng batang si Antonia ang duguang katawan ng kaniyang ama sa sahig. Nakanganga ito at dilat ang mga mata. May malaking hiwa ito sa leeg at tanging puting brief lang ang suot. Hindi na ito gumalaw pa nang sipain niya nang ilang ulit kaya nahinuha niyang wala na itong buhay. Patay na ang ama niya. Pinatay niya ito dahil punung-puno na siya. Binitawan niya ang malaking piraso ng basag na salamin at lumikha iyon ng nakakangilong ingay nang tumama sa sementadong sahig. Nabasag pa iyon sa ilang piraso. Ang naturang basag na salamin ang ginamit niyang panglaslas sa leeg ng kaniyang ama. Kahapon ay binasag niya ang salamin sa kwartong iyon. Bago pa makapasok ang ama niya ay itinago na niya ang isang piraso ng basag na salamin sa may ilalim ng unan. Pagkalinis ng ama niya ng mga bubog ay plinano na niya ang lahat. Kaya kanina, nang ihiga siya nito sa kama ay kinuha niya sa ilalim ng unan ang basag na salamin at walang pagdadalawang-isip na itinarak iyon sa leeg ng kaniyang ama. Paghugot niya ay pumulandit ang masagang dugo at ang iba ang napunta sa kaniyang mukha. Sinubukan pang lumabas nito ng kwarto pero nang bumaba na ito ng papag ay nadulas ito sa sarili nitong dugo at malakas na humampas sa sahig ang likod ng ulo nito. At ngayon, patay na nga yata ito dahil hindi na gumagalaw at hindi na rin humihinga. Tila wala lang na ipinunas ni Antonia sa kaniyang mukha ang mga kamay upang maalis doon ang dugo. Nagbihis na siya ng kaniyang damit. Sabik na siyang makaalis ng bahay na iyon o mas tamang sabihin na impyerno. Paglabas niya ng kwarto ay nakaramdam siya ng gutom. Nagpunta muna siya sa maliit na kusina upang maghanap ng makakain. Kaya lang ay wala pala doong kahit na anong pagkain. Wala din siyang perang pambili. Ang tanging naiisip na lang niya ay ang manghingi sa ibang tao sa labas. Malalaki ang mga hakbang na naglakad siya papunta sa pinto pero hindi niya mabuksan dahil bukod sa nakakandado ay may kadena din na nakaikot sa bukasan. May malaking padlock pa iyon. Binalikan ni Antonia ang kaniyang ama at ang gamit nito pero wala siyang nakitang susi. Hinalughog na niya ang buong kabahayan pero wala talaga siyang nakita. Naiiyak na napaupo na lang siya sa isang sulok ng kwarto habang nakatitig sa bangkay ng kaniyang ama. Paano siya nito kakain kung hindi siya makakalabas ng bahay? Gutom na gutom na talaga siya. Kahapon pa kasi siya hindi kumakain. Gusto niyang umiyak na lang dahil sa kawalang ng pag-asa ngunit naisip niya na baka mas lalo siyang manghina kapag ginawa niya iyon. Kaya nag-isip na lang siya ng iba pang paraan para makakain. Hanggang sa muli siyang mapatingin sa katawan ng kaniyang ama… “Masarap kaya ang karne ng tao?” Wala sa sarili na tanong ni Antonia.   HINDI maiwasang mapangiti ni Antonia kapag naaalala niya ang unang beses na nakatikim siya ng karne ng tao at karne pa talaga ng kaniyang sariling tatay. Sa sobrang desperada niya na huwag mamatay sa gutom ay kinain niya ang karne ng kaniyang ama. Sa umpisa ay humihiwa lang siya ng laman nito sa braso at binti. Niluluto niya iyon sa kusina. Pini-prito o hindi kaya ay pinapakuluan. Marunong na kasi siyang magluto noon sa murang edad dahil naaaliw siya sa panonood sa ina niya kapag nagluluto ito. Palagi nga niya itong kinukulit na gusto niya itong tulungan kaya lang ay hindi ito pumapayag dahil bata pa daw siya. Kaya nakuntento na lang siya sa panonood dito. Mahusay at masarap magluto ang ina ni Antonia at ito ang naging inspirasyon niya para makuha ang galing nito. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon na makapagluto sa unang pagkakataon ay ginawa niya ang lahat para maging mahusay. Lalo na at karne ng tao ang meron siya. Kung noong una ay paunti-unti lang karneng kinuhuha niya sa katawan ng kaniyang ama ay mas dumami na sa paglipas ng mga araw. Natutunan niya itong chop-chop-in upang mas maging madali ang pagluto niya dito. Para kay Antonia ay masarap ang karne ng tao. Lasang karne ng baka pero manamis-namis at mas malambot. Mas lalo pa iyong sumasarap kapag hindi masyadong niluluto at kaunting pampalasa lang ang inilalagay. Lumalabas kasi ang natural nitong lasa kapag ganoon. Simula ng pangyayaring iyon ay hinanap-hanap na ni Antonia ang lasa ng karne ng tao. Lalo na nang maubos na niya ang buong katawan ng kaniyang ama. Pati ang buto nito ay pinakuluan niya upang makuha ang laman niyon sa loob. Pinapalambot niya iyon kahit papaano at dinudurog. Ifina-flush niya ang mga dinurog na buto sa toilet bowl. Kaya naman nang may nagtaka kung bakit hindi na lumalabas ang tatay niya at buksan nang sapilitan ang bahay nila ay wala nang nakitang bakas ng tatay niya ang mga tao. Sinabi na lang niya na umalis ito at hindi na bumalik pa. May umampon sa kaniya na merong karinderya kaya tuwang-tuwa siya. Mas lalong nahasa ang husay niya sa pagluluto. Ngunit simula din sa araw na iyon ay hindi na siya nakakain ulit ng karne ng tao. Pero naroon pa rin sa pagkatao niya ang kagustuhan na makakain ng ganoong klase ng karne. Hanggang sa dumating na siya sa edad na labing walo. Napadaan siya sa sementeryo at saktong may inililibing na sanggol. Nahulaan niyang sanggol ang inililibing dahil maliit lang ang kabaong. Isang ideya ang agad na pumasok sa utak ni Antonia. Naghintay siya sa labas ng sementeryo hanggang sa umalis na ang lahat ng nakipaglibing sa sanggol. Doon na siya kumilos. Sinira niya ang bagong semento na takip ng nitso at hinila palabas ang maliit na kabaong. Kinuha niya ang bangkay ng sanggol at ibinalot niya iyon sa malaking lampin na kasama sa loob ng kabaong nito. Patakbo siyang umuwi at agad na hiniwa sa maliliit na piraso ang katawan ng sanggol. Iniluto niya iyon. Mag-isa lang kasi siya sa bahay dahil namamasyal ang umampon sa kaniya kasama ang dalawa pa nitong mga anak. Giniling niya ang buong braso at binti nito gamit ang meat grinder. Ginawa niya iyong siomai. Ang katawan nito ay inadobo niya habang ang ulo na may kasamang utak ay pinakuluan niya hanggang sa lumambot. Ang mga lamang-loob naman ay inihaw niya. Marami siyang naluto at lahat ay masarap. Walang kasing-sarap. Mas masarap pa sa karne ng kaniyang tatay. Doon niya napagtanto na mas masarap pala ang karne ng sanggol kesa sa karne ng taong may edad na. Mas malasa at mas kakaiba ang lasa! Binuhay nitong muli ang pagkasabik niya sa karne ng tao. At hindi lang ang panlasa nito ang binuhay niya kundi ang kagustuhan niyang maibahagi sa ibang tao kung gaano kasarap ang karne ng kapwa nito. Kaya nagtira siya ng siomai na ang karne ay mula sa bangkay ng sanggol. Pinakain niya iyon sa pamilyang umampon sa kaniya at hindi siya nabigo. Sarap na sarap ang mga ito! Lumipas pa ang ilang taon at palagi pa ring nakabantay si Antonia sa sementeryo upang mag-abang ng mga ililibing. Kinukuha niya kasi ang katawan ng mga ito at iniluluto. Kung masyadong malaki ang tao ay kumukuha na lang siya ng kaunting laman sa katawan niyon. Nagsimula na ring kumalat sa lugar nila ang mga nawawalang bangkay sa sementeryo kaya mas hinuhusayan ni Antonia ang ginagawa niya upang hindi malaman na siya ang may responsibilidad sa pangyayari na iyon sa lugar nila. Dumating din ang pagkakataon na kailangang umalis ng pamilyang umampon sa kaniya. Pupunta na kasi ang mga ito sa ibang bansa at doon na permanenteng maninirahan. Hindi siya pwedeng isama ng mga ito kaya iniwan na lang sa kaniya ang pamamahala sa karinderya. Imbes na ipagpatuloy ang karinderya ay ibinenta iyon ni Antonia at lumipat sa ibang lugar kung saan walang makakakilala sa kaniya. Nagtayo siya ng isang maliit na kainan na nagse-serve ng mga pagkain pero ang karne na ginagamit ay sa tao. Sa pag-usbong ng teknolohiya at internet ay isang grupo ang nakita niya sa online na kumakain ng karne ng tao. Doon na nag-umpisa ang pagyabong ng kaniyang negosyo. Dumami na ang mga taong lihim na nagpupunta sa kaniyang restaurant para kumain ng mga niluluto niya. Noong una ay sa sementeryo siya kumukuha ng bangkay pero naisip niya na hindi pwedeng palagi na lang na doon siya kukuha. Baka malaman ng mga taga-roon ang ginagawa niya. Isa pa, hindi ganoon kasarap kapag patay na o hindi na sariwa ang karne na nakukuha niya sa sementeryo. Mabuti na lang at isa sa mga customer niya ang nagpakilala sa kaniya sa isang sindikato na nagbebenta ng mga sariwang bangkay ng mga tao. Mahal ang ibinabayad niya para sa mga sariwang katawan o bangkay kaya nagkaroon na rin siya ng karapatan na mahalan ang presyo ng kaniyang mga iniluluto. Hindi naman umangal ang mga customer niya dahil mas sumarap ang mga pagkain na niluluto niya. Sulit na sulit daw ang binabayad ng mga ito. Hindi naman kasi problema sa mga ito ang pera dahil puro mayayamang tao na may kakaibang trip ang panlasa ang kumakain sa kaniyang restaurant. Sa paglipas pa ng mga taon ay mas lalong nakilala ng mga pribando at mayayamang tao ang kaniyang restaurant. Naging mabilis din ang pagpasok ng pera niya. Hindi niya namalayan na marami na pala siyang perang nakaimbak sa basement ng kaniyang kainan. Hindi lang naman dahil sa pera niya ginagawa ang bagay na ito. May kakaiba din siyang nakukuhang satisfaction kapag nakikita niya na nasasarapan ang mga kumakain ng mga niluluto niya. Kakaibang kasiyahan ang nararamdaman niya kapag pinupuri ng mga ito ang kaniyang nilutong pagkain. Iyon ang bagay na hindi mababayaran ng kahit na anong halaga ng salapi. Sa pagluluto ni Antonia ay hindi siya tumitigil sa pag-iisip kung paano niya mas mae-engganyo ang mga customer niya na magpabalik-balik sa kaniya. At doon niya naisip ang “Big Event”. Isang gabi kada isang taon kung saan magluluto siya ng isang ubod ng sarap at kakaibang putahe na pag-aagawan ng lahat. Isang walang kasing-sarap na putahe na isang beses lang niya lulutuin sa tanang ng buhay niya kaya isang beses din iyong matitikman ng masuwerteng tao na makakakuha niyon sa tamang presyo. Naging matagumpay ang unang Big Event sa kaniyang restaurant kaya ipinagpapatuloy niya iyon hanggang sa kasalukuyan. At mamayang gabi na nga gaganapin ang Big Event para sa taon na ito. Inaasahan niya na mas marami ang pupunta dahil marami na siyang regular customer. Alam niyang inaabangan ng mga ito kung anong klaseng putahe ba ang lulutuin at gagawin niya. Ilang araw na rin siyang nag-iisip ng putaheng lulutuin niya para sa taunang Big Event at noong isang linggo pa siya nakaisip ng putahe na gagawin niya. Nasasabik na siyang gawin iyon dahil kakaiba iyon at talaga namang ubod ng sarap. Baka pati buhay ay ibuwis pa ng iba para lang matikman ang pagkain na gagawin niya para sa Big Event! Ini-imagine pa lang niya ang magiging reaksiyon ng makakakuha ng putaheng iyon ay napapangiti na siya. Alam niya kasi at sigurado na siya na masasarapan ang maswereteng tao na iyon. Tinapos na ni Antonia ang pag-inom sa kaniyang kape. Kinuha niya ang kaniyang telepono upang tawagan ang sindikatong nagsu-supply sa kaniya ng karne ng tao upang sabihin sa mga ito na kailangan na niya ngayon ang ni-request niya. “Ide-deliver na namin ngayon ang request mo, Antonia,” sabi ng lalaking kausap niya sa telepono. “Mabuti kung ganoon. Kailangan ko na iyon ngayon, e. Siguraduhin niyo lang na sariwa iyan gaya ng napag-usapan natin noong una!” Paniniguro pa ni Antonia sa kausap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD