KINILABUTAN si Erik sa sinabi ni Mando. Kapag involve na talaga ang pamilya niya ay natatakot na siya. Mabuti sana kung siya lang ang mapapahamak. Kaya pinili na lamang niyang manahimik at panoorin kung ano ba ang mangyayari sa operating room. Malaki naman ang glass wall. Parang iyong nakikita niya sa ospital kung saan sumisilip ang mga magulang para makita ang bagong panganak nilang anak na nasa nursery room. Maliwanag ang ilaw sa may operating room kaya kitang-kita nila ang lahat ng naroon. Makalipas ang ilang minuto at napansin niyang kumikislot ang mga daliri ng binatilyo. Nakahiga na ito sa operating table na masyadong malaki. Nakatali ang kamay nito pataas habang ang mga paa ay ganoon din. Sa apat na sulok ng operating table natalali ang mga kamay at paa nito kaya nagmukha n

