SA ikalawang operasyon na ginawa nina Erik ay hindi na niya kasama ang kaibigan niyang si Mando. Naroon pa rin ang kaba niya ngunit palagi niyang iniisip na para sa pamilya niya ang ginagawa niyang trabaho. Palagi din niyang inaalala ang lahat ng sinabi ni Mando sa kaniya. Sa ngayon ay wala na si Mando at ang pamilya nito sa squatter’s area. Noong isang araw ay nagpaalam ito sa kaniya na lilipat na ito sa bago nitong bahay. Masaya siya para sa kaibigan at ito balang araw ay gusto din niyang makatulad dito. Uumpisahan na niya ang pag-iipon para magkaroon na rin sila ng sarili nilang bahay. Sumama lang siya sa pagkidnap sa isang batang babae sa kabilang bayan at hindi na siya ang nagbantay sa operating room dahil sa Berto ang nakatoka para sa araw na iyon. Matapos niyang makuha ang

