"Daddy nagugutom na ba kayo?," Tanong ko sa aking asawa "Opo mommy..," Sagot ng aking anak na babae "Baby, ako ang tinatanong ni mommy.. Dapat ako ang sasagot," Pagpapacute ng aking asawa habang kinakausap ang aming anak "Eh daddy ang tagal mo pong sumagot..," Sagot ng aking anak sabay laro ng kanyang mga daliri "Nagtatampo na ang baby namin," Sambit ko "Eh kasi mommy si daddy.." Binuhat ng aking asawa ang aming anak at inikot ikot ito. Tawang-tawa naman ang anak namin dahil sa ginawang iyon ng daddy niya. "Maglaro na muna kayo at ako ay mag-aasikaso ng hapunan natin," Nakangiting sabi ko sabay yakap sa asawa ko. "Okay mommy," Sagot ng anak namin Pumunta na ako sa kusina para magluto ng aming hapunan. "Mommy yung paborito ko po ah!," Sigaw ng anak namin "Okay baby.." "Mommy aak

