-One month before- Althea's POV Ang hirap naman maghanap ng trabaho sa panahon ngayon. Kanina pa ako naglalakad at naghahanap ng mapapasukan pero wala akong makitang hiring. Graduate naman ako ng college pero bakit nahihirapan ako maghanap ng trabaho. "Hi Miss," Bati sa akin ng lalaki na nagbibigay ng flyers sa footbridge. Papunta ako ng SM North galing Fishermall "Hello po," Balik na bati ko sa lalaki "Magandang hapon po.," Nakangiti nitong sabi "Magandang hapon din sa'yo," "Baka po gusto niyo ng trabaho? Naghahanap po ba kayo?," Tanong ng lalaki sa akin. Sino ba naman ayaw ng trabaho? Syempre gusto ko "Oo eh.. Ang hirap nga maghanap ngayon.. Ilang linggo na rin akong naghahanap pero wala talaga akong mahanap," Sagot ko May inabot sa akin ang lalaki na flyers. "Baka interesado po

