POV ng lalaki Dalawang linggo na ang nakakaraan simula ng mailigtas ko si Iska sa kapamahakan. Kamusta na kaya siya? Sana magkaroon na siya ng malay. Papunta na ako ngayon sa hospital para bisitahin si Iska. Sumakay na agad ako ng taxi para makarating sa general hospital kung saan naka-confine si Iska. At habang nasa taxi ako ay nag-iisip ako kung ano ang sasabihin ko kung sakaling may malay na nga si Iska. "Sir, saan po ulit kayo?" tanong ng taxi driver sa akin. "Sa general hospital po," sagot ko. "Ipapagamot mo po ba sir ang kasama mong babae?" tanong nito. Babae? Eh ako lang mag-isa ang sumakay sa taxi niya. "Wala po akong kasamang babae manong," sagot ko. Tumingin ito sa salamin at napatingin din ako sa kanya. Yung mata ko na parang nagtatanong "Anong ibig mong sabihin?" ganun a

