Hapon na at malapit ng dumating ang mga magulang ni Iska. Makikilala ko na sila at makikita na nila ako. Kinakabahan ako na hindi malaman, hindi ko kasi alam kung ano ang mga isasagot ko sa mga tanong nila sa akin, kung may itatanong man sila. "Yaya," banggit ko sabay tingin kay yaya. Pero natutulog ito. Kaya kinuha ko ang kumot sa may gamitan nila at nilagay kay yaya, malamig kasi sa kwarto dahil sa aircon. Maski ako ay giniginaw din pero hindi ko iniinda ang lamig dahil gusto kong bantayan si Iska. Hindi ko man obligasyon ang bantayan siya, nandito ako dahil mahal ko na siya. Napansin kong may sumisilip sa pintuan ng kwarto ni Iska dito sa ospital. Kaya tumayo ako para tignan kung sino ang sumisilip sa Room 333. Habang naglalakad ako papunta sa pintuan ay napansin kong nakasaksak pa an

