Iska's POV Dalawang linggo rin akong walang malay dahil na-suffocate ako sa nangyaring sunog sa STYD Store. Akala ko talaga ay mamamatay na ako sa loob ng FITTING ROOM. Pero salamat sa isang lalaki na nagngangalang Jacinto. Hindi ko man siya nakita at nakilala ay nagpapasalamat ako sa kanya dahil iniligtas niya ako. Ngayon ay nagpapagaling ako sa general hospital at malakas na. Sabi ng doktor sa akin ay pwede na akong makalabas bukas, araw ng biyernes. "Iska, uuwi muna ako para kumuha ng pagkain," pagpapaalam ni yaya sa akin. "Sige po yaya. Saka pakisabi po pala kanila mommy at daddy na sumama po sila sa inyo bukas pagsundo po sa akin," nakangiting sabi ko kay yaya. "Sige Iska," sabi ni yaya. Lumabas na si yaya ng kwarto at ako ay bored na bored. Kaya tumayo muna ako sa kama para magl

