"Ano bang mali sa sinabi ko? Tinanong ko lang naman siya." It's Saturday 12MN. Kasama ko si Genesis at Violet ngayon rito sa Samyjupsalamat. Were already in our silk pajama's nang magkayayaan kumain. Sa ibaba lang naman ito ng building ng condo unit ni Genesis kaya 'di hassle sa'min, it was open 'til 3AM. Maganda rin magpunta ng ganitong oras kasi kaunti na lang ang tao. I was distracted and stressed the whole week. So, I needed something to save my sanity! And food is my salvation. While we're eating I told them what happened last Friday. The meet and greet with the family and the fight, if it was really a fight. Dahil ako lang naman itong nagalit at nag-walk out. Nag-uusap pa naman kami ni Rocket through chat pero naroroon na naman ang coldness niya which I already expected. Ilang bes

