Buzz! Buzz! Buzz! Nagmulat ako ng mga mata nang magising sa malakas na tunog ng doorbell. Inilabas ko ang aking kamay mula sa makapal na kumot para abutin 'yung iphone ko sa night table, nakatalukbong pa ako at lamig na lamig na tiningnan ang oras. Nanlaki ang mga mata ko at napabalikwas ng bangon nang makitang past 10AM na! Oh, s**t! God! I overslept. Usapan namin maaga siyang pupunta. Namumuti na siguro ang mata nun kahihintay. Nagmamadali na akong bumaba ng kama at naglakad patungong banyo, hawak ang aking cellphone. Isa-isang chinecheck ang messages ni Rocket. 8:00 AM Rocket: dito na ako. 8:20 AM Rocket: nag-dodoorbell ako bakit hindi ka lumalabas? 9: 01 AM Rocket: tao po, tao po, mamamasko po! 9:00 AM Rocket: uy hinahagisan na ako ng barya ng mga taong dumadaan rito. Ma

