My Future Bully Husband - 11

3812 Words
Sabado nga pala ngayon kaya walang pasok ano na naman kaya ang pide kung gawin dito? nabobored na ako maya maya pa naisipan ko na lang na bumaba para mag halaman gusto kung mag tanim ng mga halaman sa mga gilid ng mansyon pag baba ko na abutan ko si Manang Celia na lang ang mag didilig ng halaman pero hindi ito pumayag wala naman akong magawa nag tungo na lang ako sa kusina kakain na lang ako pag dating ko sa kusina na abutan ko si Manang Isabel na nag luluto sinabi kung ako na tumanggi pa ito pero hindi ako nag patalo wala rin naman kasi akong gagawin dito ayaw ko lang na tumunganga maiisip ko lang yung mga sinabi ni King habang nag luluto kami nakarinig kami ng ingay sa labas kaya agad kaming napatingin ni Manang Isabel doon pag tingin namin si Tita marga pala lumapit ito sa akin at sakanakipag beso "Wow ang bango naman nyan mukha masarap mukha dito na naman kami mananang halian ng asawa ko!" ika ni tita at saka kinuha sa akin yung sandok at saka siya na ang nag sandok Sa halip na sumagot ay nginitian ko na lang ito "Musta dito?" tanong nito "Balita ko may exam kayo good luck!" ika pa nito "Thank you po tita!" pasasalamat ko "Kain na tayo wait tawagin ko lang si Franz na sa may garden kausap si manong bert!" Ika nito sa akin at saka umalis Pag balik nila sakto naman ang pag baba ni King mula sa taas agad akong nag iwas ng tingin sa kanya diko kasi alam kung biro lang yung sinabi nya o talagang totoo Himala nga at sumabay ito sa amin "Ahm tita thank you po sa pag punta!" Pasasalamat ni King ahh sya pala ang nag papunta dito "Wala yun hijo para saan ba?" tanong ni tita "Pwede po bang maka usap kayong dalawa lang?" tanong ni king at saka tumingin sa akin tumango naman sila tito at tita Ngumuso naman si tita na parang pinapa alis ako ano bang pag uusapan nila at kailangan ko pang umalis wala akong nagawa at tumayo na lang ako at saka nag lakad pa akyat gutom pa naman ako hindi pa ako nakakalayo sa pwesto nila king nag maisipan kung bumalik gusto ko lang marinig yung pag uusapan nila alam kung mali yung ginagawa ko pero bahala na "I have something to say" panimula ni King "I Have no amnesia sorry I lied" ika ni king napansin ko naman na napatakip sa kanyang bibig si Tita marga pinag sasabi nila wala naman talagang amnesia si King "Talaga hijo? jusq! bat ngayon mo lang sinabi to sinabi mo na ba to sa mom mo?" halatang gulat na gulat si tita "Hindi pa po tita pero nasabi ko na po kay Kint!" Sagot naman ni King na halatang lumungkot yung boses "Anong sabi hijo? nakaka alala na ba ulit yung anak ko? naalala na ba nya kami? yung kuya nya na ala ala nya?" sunod sunod na tanong ni tita "Hindi pa po tita! hanggang ngayon wala pa ring naalala si Kint!" sagot naman ni King Agad akong umalis sa pwesto ko sumasakit na naman yung ulo ko ano ba yung mga sinasabi nila may mga hindi ba ako alam? anong hindi ko alam sa nakaraan Totoo kayang nag ka amnesia ako? kailangan kung malaman ang totoo pag akyat ko sa kwarto agad akong humiga pag katapos nun tumayo agad ako pupunta ako kung saan para makapag isip isip Pag baba ko wala na dun sila tito at tita maging si King wala na sila asan ba sila? Lumabas na lang ako medjo magulo pa yung buhok ko may dala rin akong aklat para pag nainip ako mamaya may mabasa ako sout ko rin yung salamin ko di ko naman ito tinatanggal kahit na hindi naman talaga malabo yung mata ko, Tas yung sout ko pants yung pang P.E sa school wala kasi akong makitang pantalon kaya yun na lang ang sinout ko at saka isang long sleeves Pag labas ko nag tricycle lang ako tas nag pababa ako sa isang coffee shop pumasok ako doon at saka umupo umorder ng isang Cappuccino nakatingin lang ako sa mga taong dumadaan pag katapos ko dun lumabas na rin ako sa coffee shop napatingin ako sa keypad ko ns cellphone 12:37 na pala hindi pa ako kumakain ng tanghalian dumaan muna ako sa jollibee omorder lang ako ng jolly Spaghetti okay na ito wala rin naman akong buget Trip ko lang gumala ngayon ng mawala yung mga narinig ko at yung mga sinabi ni king kagabi Sa pag lakad ko di ko sinasadyang may nabunggo "Sorry Sorry!" Pag hinge ko ng pasinsya hanggang ngayon ba naman tatanga tanga ako Hindi naman ito nag salita at nanatiling nakatingin sa akin na animo'y sinusuri ako "Ahm! Sorry talaga!" pag hinge ko ulit ng paumanhin dahilan para mawala sya sa kanyang pag iisip "Ahh wala wala okay lang yun kasalanan ko rin naman, dahil marami akong iniisip ngayon kaya hindi kita na pansin" Pag hinge nya rin ng pasinsya parehas pala kaming maraming iniisip ngayon at saka parehas kaming alam nyo na yun halata rin naman kasi sa boses nya haha! "Ahh! Basta sorry din" Sagot ko sabay ngiti sa kanya alam ko kasing may kasalanan din ako "Okay lang ano pala ang pangalan mo!" Tanong nito sa akin medjo nagulat pa ako pero ngumiti rin naman ako sa kanya "Kint!, Kint peter Isaac Arnaiz" Sagot ko sabay ngiti alam kung mali na ibigay ko ang boung pangalan ko sa taong hindi ko kilala pero mukhang mapag kakatiwalaan ko naman siya "Ahh ang haba naman ng pangalan mo!" Reklamo niya sa pangalan ko Nagkamot lang ako ng ulo bagi mag salita upang tanongin ang kanyang pangalan "Ikaw?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang pangalan niya Ngumiti muna ito sa akin bago sumagot "Rain, Rain Dwayne Montecero Rothmoor!" sagot niya na ikinatawa ko kasi mahaba rin pala yung name niya "Kung makapag reklamo ka mas mahaba pa pala ang pangalan mo sa akin" ika ko na natatawa kaya napatawa na rin sya diba parang close na close na agad kami parang matagal na kaming mag kaibigan siguro dahil parihas kaming mahiyain pero sa bagay kaya mahaba yung pangalan nya kasi kasama ata yung pang gitna nya sa kanyang pag papakilala Haha Maya maya pa ay napatigil ito na ikinatigil ko na rin "Teka...! Sa R.U ka rin nag aaral!?" Tanong nito sa akin na nakatingin sa pants ko na may logo ng R.U Tumango ako sabay sabing "Ahh Oo dun ka rin ba!?" Tanong ko rin sa kanya na ikinatango niya Nag taka naman ako kasi hindi ko naman sya nakikita "Ahh pero hindi kita nakikita grade ano ka na ba?" tanong ko sa kanya "Grade 10" sagot nito sa akin "Ahh same Grade 10 A1 ako" parehas lang pala kaming Grade 10 "Ahh kaya pala B2 kasi ako" Ika nito na ikanatango ko kaya pala nasa likod kasi ang mga Section B mas na una pa sa mga section C at saka malawak ang R.U maya maya pa napag isipan ko ng mag pa alam masyado na kaming matagal na nag uusap baka hinahanap na ako ni King "Ahh sige.. Una na ako" paalam ko at saka kumaway sa kanya pero maya maya pa ay nag salita rin ito "Wait nahulog yung isa mong aklat" Habul nito sa akin May nahulog pala akong aklat siguro dahil doon sa pag kakabungo namin pero hindi ko napansin kasi napa daldalan na ako Bumalik naman ako at saka kinuha yung aklat tiningnan ko lang ito at saka ako nag salita "Iyo na lang yan nabasa ko na yan" pag sisinungaling ko kahit hindi ko pa yun nababasa kunti lang binasa ko lang yun noong may nag yari sa amin ni King Curious lang ako kung ganun ba talaga yun Tinanggap naman niya yung libro na binigay ko at saka siya nag pasalamat sa akin ngumiti na lang ako at saka ako umalis nagugutom na ako hindi sapat yung Spaghetti na kinain ko kanina Di pa ako nakakalayo ng may tumawag sa akin si Rain pala "Ahm sorry gusto ko lang ibigay to!" ika nito noong nasa tabi ko na sya tas binigay nya sa akin yung isang papel "PakiContact na lang ako pag nakita mo salamat!" pag papatuloy nito na Curious tuloy ako kung ano yun kaya tiningnan ko nagulat pa ako na isa pala itong picture kung saan may mukha na parang nawawala "Kapatid ko yan sige una na rin ako!" ika pa nito at saka umalis nawawala pala yung kapatid nya kawawa naman akala ko masayahin yun pala napaka lungkot nya ang ngiti nga naman andaming naluluko tinago ko muna yung papel at saka ako nag hanap ng sasakyan pa uwi ko sa mansyon nila King, Pag karating ko doon agad akong dumiretso sa kusina gutom na talaga ako kasi naman Buti na lang wala doon si king Haist bat ko ba nabangit si King na aalala ko na naman tuloy yung mga sinabi nya pag katapos kung kumain hinugasan ko lang yung pinag kainan ko bago ako dumiretso sa kwarto ko mag kukulong na muna ako ayaw kung makita si King kasi na aasar ako kung may past kami dati bat ganun sya sa akin madalas nya akong ibully at ipahiya ang totoo may galit ba sya sa akin? makatulog na nga lang bahala na kung totoo man yung mga sinabi ni king at yung mga narinig ko pero kung totoo nga yun matatanggap ko kaya? tanong ko sa aking sarili hindi ko alam kung matatangap ko Oo aaminin ko kahit na ganun yung ugali ni King nagustuhan ko sya dati pero sapat ba yun at saka may nararamdaman din akong kaka iba kay Xyrill Because he is a sweet and charming guy! Crush ko na din ata sya? joke Sabi ko nga baka kulang lang to sa tulog makatulong na nga... Ambilis ng araw, Monday nga at papunta na akong school sinadya kung maagang gumising para maiwasan si King at saka may Exam kami ngayon Pag labas ko ng gate may kotseng naka parada di ko na lang pinansin kasi kilala ko kung kanino yun, akala ko pa naman maiiwasan ko sya ang aga ko pa namang nagising patuloy lang akong nag lakad pero ang luko sinusundan ata ako kaasar binilisan ko nga yung pag lalakad pero binilisan nya rin ng kunti yung kotse nya Ugh! inaasar ata ako ni King maya maya pa na isipan ko na lang na tumakbo katulad ng kanina mag kasabay pa rin kami Huminto ako kaya huminto rin sya "Problema mo ah?" Tanong ko "Wala bakit ba?" He answered "Sinusundan mo ba ako? Tanong ko "Hindi papunta rin akong school bat may iba pa bang daan papunta doon?" He asked Medyo na pahiya naman ako ng kunti kaya di na lang ako umimik at nag lakad na lang ulit, narinig ko na lang itong tumawa tsk! baliw talaga "Sumakay ka na nga lang diti bakla ang arte mo eh!" Ika nito amp ako pa ang maarte inaano ko ba sya? di ako nag salita at patuloy lang akong nag lakad "Sakay na bilis!" utos nito na medyo galit na kaya sumakay na lang ako sa passenger set nakakapagod din naman mag lakad at saka may pag kamarupok din ako "Sasakay lang din naman pala ang dami pang arte!" Bulong nito pero sapat para marinig ko hindi na lang ako ulit nag salita baka kasi humaba pa kasi nga Bipolar si King Di ko namalayan na nasa parking lot na pala kami ng school ng hindi ko napapansin medyo lutang kasi ako kahit anong gawin ko diko mawala sa isip yung mga sinabi ni King kailangan kung mag relax exam pa naman namin "Baka gusto mong buhatin pa kita pababa?" ika ni king dahilan para mawala ako ulit sa pag iisip kaya tumayo na lang ako at saka tinangal yung seatbelt pero kamalasan di ko matangal ang yare nakita ko naman tumawa si King minsan ko lang syang makitang tumtawa lagi kasing seryoso at laging malalim ang iniisip maya maya pa si King na yung nag tanggal ng seatbelt ko kaya namannagulat ako sadya kung pinigilan ang aking pag hininga kasi kunting hininga ko lang ay mag tatama na ang aming mga balat nagulat ako ng tumingin ito sa mga mata ko nakatingin lang sya hanggang sa bumaba ang tingin niya sa mga labi ko nag taka pa ako ng medyo yumuko siya hahalikan ba ako ni King? Di ko magawang umiwas kasi may nag sasabi saking wag malapit na yung labi nya sa labi ko ng biglang may kumatok sa bintana ng kotse ni King tunawa naman si King at saka binaba yung salamin ng kotse nya sana di kami na kita ng tao sa labas sana nga  Sumilit ako para tingnan kung sino iyun si Nico pala nag usap lang sila kaya bumaba na ako sa kotse para makapunta na sa room ko Malapit na ako sa room ng may tumawag sa akin pag harap ko si Ma'am Villano pala teacher namin sa math at adviser na rin "Bakit po ma'am?" Tanong ko kay Ma'am Villano na nasa harap ko na nga  "Sunod ka sa akin sa Faculty!" Sagot nito Faculty? anong gagawin ko dun? nakaramdam tuloy ako ng kaba wala naman akonh ginagawa ah?  "Totoy pakitawag mo si Avila sa section A1 sabihin mo ay sumunod din sa Faculty " Ika ni Ma'am doon sa lalaking nag lalakad Avila? sya yung kaklase naming bakla bakit ba kami ni ma'am papapuntahin doon? siguro ay uuutusan kami may exam pa naman pero okay lang kanyang subject naman yung unang exam Pag karating namin ni Ma'am sa Faculty maraming mga lalaking stuyade doon na halatang hindi straight nakita ko pa nga si Rain pero mukha hindi ata ako nakita maya maya pa dumating na si Kian sya yung sinasabi nyang Avila kanina Pag karating ni kian ngumiti ito sa akin at saka umupo ito sa tabi ko tas nag tanong sya kay Ma'am bakit daw kami pinapunta at saka na patingin sya sa mga bakla sa Faculty "Kaya yung Represintative ng Section A1" sagot naman ni ma'am para sa tanong ni Kian Represintative para saan? tanong ko sa aking isip "Para po saan?" Sabay na tanong namin ni kian "Para sa Binibining Ikatlong lahi" Sagot ni Ma'am at saka ngumiti sa amin Tumango naman si Kian na halatang gusto nya iyun alam ko naman iyun kung para saan pero wala akong alam doon I mean wala akong experience "Ma'am hindi po ako sasali!" Sagot ko na nakayuko narinig ko pang nag react si Kian "Naku bakla pumayag kana! ano ba!" ika ni Kian medyo ladlad kasi si kian kesa sa akin "Oo nga naman Mr. Arnaiz pumayag ka na at saka Exempted na kayong dalawa sa exam!" Si Ma'am na nakangiti pa habang sinasabi iyun "But ---!" Di pa ako tapos ng mag salita ulit si Ma'am "No buts why's and Etc... Mr. Arnaiz kasi naka lista na yung pangalan nyo bawal ng tumangi gusto nyo bang mapahiya ang section A1?" Tanong naman nito sa amin na iki na iling namin pareho ni Kian "Okay bumalik na kayo sa mga classroom nyo mamaya ay ipapatawag ko ulit kayong dalawa!" Utos nito kaya tumayo naman kami ni kian kukunti na rin yung tao sa Faculty  "Excited na ako bakla!" Ika ni kian na halata ngang Exited base palang sa tuno ng pananalita niya ngumiti na lang ako sa kanya  Ayaw kung mapahiya ang Section A1 pero baka mapahiya sila ng dahil sa akin "Kinakabahan ka ba? wag kang mag alala tuturuan kita sanay na ako sa ganyan ako rin ang Represintative last year ng grade 9 kaso second runner up lang ako!" Ika ni Kian may pag kamadaldal pala ito sabagay nangunguna nga yung Boses nya sa Classroom bukod sa mga boys may pag kamaharot din kasi sya di joke lang pag karating namin sa Room na abutan naming nag eexam na yung mga kaklase namin kaya umupo na lang kami sa mga upuan namin gusto ko sanang kumuha ng exam kaso Exempted nga pala kami mas gusto ko pang mag exam ng napakarami O mag basa ng kasing kapal ng bundok na libro kesa Rumampa sa stage iniisip ko pa lang alam kung hindi ko na kaya gusto ko sanang kausapin si Tanya kaso malayo siya pati na rin si Xyrill mag kakahiwalay kasi yung upuan para daw maiwasan yung kopyahan pero nakita ko naman na nakatingin sa akin si Xyrill ngumiti ito at saka muling nag sagot ng kanyang sinasagutang papel Lumipas ang mga minuto at ngayon nga ay tapos na sila agad na dinaldal ni Kian yung sinabi ni Ma'am sa Faculty kuminding pa ito sa unahan at saka rumampa nag tawanan tuloy yung iba kung mga kaklae  "Oh diba ang galing ko kaso baka matawa ako ni Kint!" ika nito saka tumawa ng mahina hindi ko alam kung ng iinsulto ba sya tumingin naman yung iba naming kaklase sa akin na halata mong nandidiri "Ay tiyak na talo na ang section A1 kay Kian pa may pag asa pero dyan wala!" ika ng isa sa mga kaklase kung babae dahilan para tumawa ng malakas yung mga kaklase ko napayuko na lang ako sabi na eh nakakhiya na talaga hindi ko alam kung sinsadya ito ni Ma'am Villano waah kasi naman eh Maya maya pa may dumating ng teacher at saka pina exam sila tas kami ni Kian pinapunta na ulit sa Faculty Ayaw ko man ay wala na akong nagawa Pag katapos namin sa Faculty kinausap lang kami ni Ma'am Villano marami tong sinabi pero ang naintindihan ko lang ay may plus daw ito direct to the card na ikinatuwa ni Kiam luh madaya ata yung ganun pero sabagay pinag hirapan din naman namin pina punta na kami sa Court kung saan nandun yung Stage medjo malaki rin yung stage okay na  Pag karating namin sa stage Andun na ang lahat ng contestant maging si Rain ay andun na rin ng makita ako ay ngumiti ito pero alam kung malungkot wish ko talaga mahanap na nya yung kapatid niya  Tinuruan kami ng tatlong bakla pa ano yung mga gagawin yung mga step yung mga pag kakasunod sunod namin "Ikaw! nakikinig ka ba?" Turo nya kay Rian tulala kasi siguro iniisip na naman niya yung kapatid niya tumango naman si Rian at saka umayos lumagpas na kasi ito "Okay back to top may tatanga tanga!" ika naman nung isang bakla at saka pumalakpak ang sakit naman nilang mag salita, natatakot tuloy akong mag kamali kasi naman ipapahiya ka talaga nila Maya maya pa pinatigil na muna nila kami pahinge daw muna tas after 10 mins praktis ulit madali lang naman may pina sayaw sila sa amin after nun sabay sabay kami ewan basta di naman mahirap yung sayaw puro palakpak lang tas kunting kimbot palit ng pwesto ganun lang naka ilang ulit din kami ng sinabing okay na daw sa next friday pa naman daw gaganapin yung Bibining Ikatlong Lahi hindi naman puro bakla yung nandito may tatlong straight na kasali nakakatawa nga sila eh ang kyut nilang tingnan mula sila sa section D1,C2 at sa B1 yung isa ganun kasi yung mga section namin A1,A2, Tas B1 kasunod nun B2 tas C1, ganun! ewan ko rin kung bakit pero hanggang D2 yung section ibig sabihin 8 section ang grade 10 andaming mga room tas kukunti yung mga stuyante sa amin kasi 26 lang kami sa iba 19 lang haist diko namalayan na tapos na yung praktis lalapitan ko sana si Rian pero umalis na din pala agad Tas itong katabi kung si Kian kinukulit ako punta daw kaming Mall mag ma-make over daw kuno tas bibili daw ng damit pero tumanggi ako wala kasi akong pera nag alok pa to ng libre pero tumangi pa rin ako mabait din naman pala si Kian madaldal nga lang ***** Andito na ako sa labas ng school nag lalakad pa uwi ng may tumigil na sasakyan sa gilid ko si King pala pina pasakay ako sumakay na lang ako kahit na maraming nakatingin na stuyante sa amin yung iba galit yung iba nandidiri nan didiri ewan galit pa rin sila sa akin pero di ko na pinansin medyo sanay na rin naman ako ng kunti at saka masakit yung paa ko nanga ngalay na rin kanina pa naman kaming nakatayo "Kamusta ang praktis?" tanong nito na medyo tumawa sira ulo din tong lalaking to eh dapat si Andrea yung sinusundo hindi ako "Okay lang!" Sarkastiko kung ika sabay ngiti na ikinatawa niya "Papuntahin ko sila mom and dad pati na rin sila tito at tita para sila na ang bahala sa damit at make over mo!" ika nito na ikinalingon ko sa kanya "Wag na nakakahiya rin naman!" tanggi ko "Sasali ka sa contest mukha kang basahan ipapahiya mo ba ang Section A1 first section pa naman iyun tsk!" ika nito  "Oo na!" Sagot ko "Walang thank you?" Tanong nito  "Thank you!" I said sarcastically  pag katapos nung pag uusapan namin wala ng nag salita hanggang sa maka rating na kami sa mansyon nila Andito ako ngayon sa aking kwarto di ako makapaniwala na isasali ako ni ma'am paano kaya ako mananalo eh panget ako ano yun katulad ng mga nababasa ko sa w*****d na pag may contest maisasali si nerd tas mag ma-make over tapos magugulat sila kasi cute pa lang yung nerd Hahha nakakatawa nasa reality ako kung pide nga sana ganun nga kaso nasa realidad ako at saka hindi yun mag yayari sa w*****d lang  Napa upo na lang ako nababaliw na ata ako ang dami ko na ngang iniisip dumagdag pa tong Binibining ikatlong lahi Whooo as in punong puno na yung utak ko sa dami kung iniisip sa tingin ko nga nasa isa akong libro tas isa ako sa mga bida Hahaha Kung ganun sana kung nasa isang libro lang ako at isang karakter sana hiniling ko na lang sa Author na taposin na yung mga problema ko na tapusin nya na rin yung kwento ko pero katulad nga ng sinabi ko nasa Reality ako wala ako sa Libro hindi ko mababago yung mga nag yari at mag yayari Nahagip ng tingin ko yung Cellphone na binigay sa akin ni King iPhone ito di ko naman alam paano ito gamitin saan ba to bubuhayin may remote ba to? agad kung tiningnan sa box na pinag lagyan kung may kasama ba tong box pero wala naman saan ba to pipindutin? e screen yung nandito may secret password ba dito? pinindut pindot ko yung screen nag baba kasaling mabuhay pero hindi, ah alam ko na ika ko sa aking sarili at saka nilapag yung cellphone sa aking kama
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD