My Future Bully Husband - 10

3440 Words
KINT.... Pag katapos kung linisin yung ginawa nila andrea na isipan ko na lang lumabas ng classroom uuwi na lang siguro ako sa mansyon nila king tutulong ng kunti sa gawaing bahay Pag labas ko syempre dadaanan ko yung classroom nila reian sinilip ko sya doon pero mukhang wala naman ata hindi ko rin makita si Xyrill okay na rin siguro yun para hindi na ako makaistorbo sa kanila nakakahiya na rin naman kasi Dumaan muna ako sa Cr para makapag hilamos malagkit kasi yung souce nung spaggetti Pag katapos nun diretso na ako palabas ng gate hindi na muna ako papasok minsan lang naman akong umabsent Binilasan ko talaga ang pag lalakad hanggang sa makalabas ako sa gate nag mamadali na ako dahil nga medyo madumi yung damit ko at buti na lang may dala akong aklat buti na rin din hindi nabasa yung mga book ko binili ko pa naman yan collection kung baga Habang nag lalakad ako nakayuko lang ako nakakahiya rin naman kasi Lakad lang ng lakad hanggang sa hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng gate ng mansyon nila king nag doorbell muna ako at saka ako pinag bukasan ng gate ni manang carmen nagulat pa ito at saka nag tanong kung wala ba daw akong pasok sinabi ko na lang na masakit yung ulo ko napansin din ni manang yung damit ko nahata ata na hindi yun akin at saka madumi pero buti na lang at hindi na sya nag tanong pa ayaw ko rin naman kasi ng tinatanong ako Pag katapos nun agad akong dumiretso sa kwarto ko para maligo buti na lang talaga may sariling kwarto ako at take note malinis pa at malaki yung kwarto ayst pero demonyo naman yung amo ko hindi naman ata tamang ipahiya ako diba? at bakit ba ako inutos utusan nila Andrea kanina sya ba ang amo ko? tanong ko sa sarili napasabunot na lang ako sa sarili kung buhok dahil sa aking katangahan bago ako tuluyan pumasok sa loob ng Cr at saka naligo hast! may naalala ako sa cr pero basta pabayain na yun pag katapos kung maligo dumiretso ako sa kama ko at saka ako doon umupo kinuha ko yung bag ko at saka ako nag review para kahit hindi ako pumasok may natutunan parin ako nasa kalagitnaan ako ng aking pag rereview ng biglang tumunog ang keypad kung cellphone na nasa loob ng bag ko agad ko yung kinuha at saka tiningnan kung sino yung Caller Mama.. Basa ko sa nakasulat sa screen ng Cellphone ko si ma pala matagal na rin pala yung huling tawag ko sa kanya nakalimutan ko na ring tumawag kasi alam kung busy sila sa trabaho at ako busy naman ako sa school? sa school nga ba talaga ako busy? ah basta wala na akong ginawa at sinagot na lang yung tawag ni mama "Hello po ma!" panimula ko "okay lang naman po, kayo po? sagot ko tinatanong kasi ako ni mama kung okay lang daw ako dito "Opo!" Tinatanong ako ni mama kung nag aaral daw baga ako ng mabuti "si papa po?" tanong ko kay mama "Ahh sige po paki sabi po miss ko na po kayo!" medyo naiiyak na ako "Ahh sige po ingat po kayo parati" pag kasabi ko nun pinatay na ni mama yung tawag may gagawin pa daw kasi sya tinawagan nya lang ako para kamustahin Haist Miss ko na talaga sila Binalik ko na lang ulit yung Focus ko sa pag rereview maya maya pa nakaramdam ako ng gutom hindi pa pala ako kumakain buhat kanina kaya naisipan kung tumaya at bumaba para kumain pag karating ko sa baba naabutan ko yung ibang katulong na may kanila kanilang ginagawa Kumuha na lang ako ng pag kain kasi pide naman dahil ang pag kakaalam ko hindi talaga ako katulong dito andito ako para mapalapit kay King dahil nga Future Husband ko sya gusto nila tita c rystal na mapalapit kami sa isa't isa ni king para pag naikasal na kami okay na o kilala ba namin ang isa't isa akala ko ba Kint matalino ka? pag uusap ko sa aking sarili Napatango na lang ako sa aking iniisip hindi ako dapat na ganunin? haist bat ba kasi ngayon ko lang binuksan ang aking isipan Pag katapos kung kumain bumalik ulit ako sa aking kwarto para muling mag review review lang ng review para may maisagot ako na alala ko yung mga sinulat kung notes balak ko sanang ibagay yun kay king dahil nakita ko syang hindi nakikinig pero nag bago ulit yung isip ko kay Xyrill ko na lang ulit iyun ibibigay or kopyahin ko na lang kaya ulit para tag isa sila? ay basta bahala na *** Andito ako sa tapat ng hapag kainan nakaharap ang mga masasarap na pag kain sa harapan ko ang dami naman ata "Manang isabel!" pag tawag ko sa isa sa mga katulong lumapit namin ito sa akin "Bakit po sir?" sagot nito na ngayon ay nasa harapan ko na "Bat po ang daming pag kain may bisita po ba?" Hindi ko maiwasang hindi mag tanong "Ahh sir papunta po kasi dito sila mam crystal at sir kenji dito daw po sila uuwi" na patango na lang ako sa sagot niya maya maya pa andito na sila tito at tita agad naman akong tumayo at nag bigay galang sa kanila "Kamusta ka dito hijo? balita ko may sakit ka daw?" Tanong nito luh ang bilis namang makarating sa kanila yun sa totoo lang wala naman akong sakit "Ahm okay na naman po ako tita!" sagot ko at saka ako umupo ng umupo na rin sila tito at tita "Eh kayo kamusta?" tanong ni tita na napakalawak ng ngiti alam ko kung sinong tinutukoy ni tita "Okay naman po kami tita" sagot ko at saka ako ngumuti ng pilit "Good yan!" sagot nito na tatango tango pa "Kumain na nga muna tayo mamaya na kayo mag kwentuhan!" si tito na halatang naiinip na "Napaka Kj mo talaga!" si tita na daig mo pang teenager natawa na lang ako Nasa kalagitnaan kami ng pag kain ng dumating si King Nagulat pa ito na nandito ang mga magulang nya pag katapos nyang maka recover sa pag kagulat pinag lakihan naman niya ako ng mata "Sumabay ka na dito king" si tito na hindi manlang tumingin kay King "Busog pa ako dad!" si king na paakyat na sana ng mag salita ulit si tito "Sumabay kana minsan na nga lang tayo mag sabay sa pag kain!" sagot ni tito kaya walang nagawa si King kundi ang umupo sa tabi ko siniko pa ako pero di ko na lang pinansin bat ganun kasi ang ugali ni king Namayani ang katahimikan sa aming apat wala ng may gusto mag salita tanging tunog na lang ng kutsara at plato ang maririnig mo "Tapos na ako" si kinh na nag punas ng labi na nakatayo na aalis na sana ito ng mag salita ulit si tito kenji "Samahan mo muna kami dito!" wala namang nagawa si king kundi ang umupo pero halata mong hindi sya sang ayun sa kagustuhan ng daddy nya may galit ba sya sa daddy nya? Habang kumakain may biglang sumipa sa paa ko problema ng lalaking to at sa akin pa naibuntong ang galit nya Pag katapos naming kumain pinaayus naman ni Tito yung lamesa sa mga katulong at saka kami nag tungo sa Sala "Kamusta ang School nyo?" tanong ni Tita Crystal "Ahm okay naman po tita" sagot ko yung katabi ko naman ay nanatiling walang imik "Ikaw king?" Tanong ni tito kenji kay king "Okay lang!" walang emosyong sagot nito "Balita ko malapit na ang exam nyo goodluck sa inyo!" si tita na tumayo pa Haha nakakatawa talaga si tita may pag kaisip bata Marami pang naging tanong sila tito at tita na daig mo pang nag iinterview si king naman isang tanong isang sagot haist maya maya pa nagulat ako sa binulong ni Tita Crystal sa akin Namilog pa ang aking mata sa tanong ni Tita "Nag s*x na ba kayo?" Bulong ni tita pero parang hindi naman ata bulong yun dahil malakas ang pag kakasabi nya kaya alam kung narinig ko iyun ng dalawang lalaking kasama namin "Mahal!" Saway ni tito kay tita Tumawa lang naman si tita ako naman hindi makapag salita napatingin ako kay King na nakangiti "Nag tatanong lang naman ako mahal alam mo naman baka mabuntis si Kint!" Sagot naman ni tita Alam kung nag pipigil lang ng tawa si King Pwede naman talag yun diba na mabuntis ako? pag uusap ko sa aking sarili "Ahh basta pag mag sesex kayo mag condom kayo ingat ingat lang!" Ika pa ni tita sabay tawa Hinila na naman ni Tito kenji si tita Crystal papunta sa kwarto pag kaalis nila tumayo na ako at saka hindi na tumingin kay king Ah baka nakakalimutan nyang pinahiya niya ako sa maraming tao kanina pag pasok ko sa kwarto ko agad akong humiga sa kama ko para matulog pipikit na sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan ko kaya naman tumayo ako at saka tiningnan kung sino yung kumatok pag bukas ko ng pintuan nakita ko si King na nasa harapan ko anong ginagawa ng lalaking ito dito sa harap ng kwarto ko "Bakit?" tanong ko na nakataas ang aking kaliwang kilay bakit masama bang mag taray "Ahm! Ano gusto ko lang mag sorry about sa kanina!" Ika ni King na bahagyang ngumiti Wow ah As in wow nag sorry na naman sya "Okay!" sagot ko at saka ngumiti para sabihing okay lang naman talaga "Btw binili ko!" Ika ko nito sabay abot ng isang supot ng papel "Ah wala akong pang bayad sige!" sagot ko naman at saka sasaraduhan na sana yung pintuan ng biglang pinigilan ako nito "No iyo na lang yan pambawi!" sagot naman nito sabay bigay ng supot sa akin at saka umalis "Wait!" tawag ko sa kanya tumigil naman ito kinuha ko yung papel na pang review at saka binigay sa kanya pag kuha nito umalis na ulit ito, parang may nakalimutan ako ah alam ko na... "Thank you!" pasasalamat ko alam kung narinig nya yung pasasalamat pero hindi sya lumingon tsk! famous noong malayo na sya sinaraduhan ko na yung pintuan mg kwarto ko Nilagay ko muna yung binigay nya at saka ako nahiga sa aking kama para matulog na, bukas ko na lang titingnan kung ano yung binigay niya sa akin Himala at nag bigay ng regalo sa akin si king ang pag kaka tanda ko malayo pa yung pasko  Maaga akong nagising ito na ata ang pinaka magandang umaga na nagising ako hindi ko alam kung bakit pero napakagaaan ng pakiramdam ko dalawang araw na pala ang nakalipas simula ng dumalaw dito sila Tita Crystal at Tito Kenji dalawang araw na pala simula ng regaluhan ako ni King ng Bagong Cellphone na di Touchscreen yan yung inabot nya sa aking supot pero hindi ko naman ginagamit nakatago lang dito sa aking kwarto bukod sa hindi ko kailangan at may keypad pa naman akong Cellphone ay hindi ko rin alam kung paano gamitin iyun hindi kasi ako sanay na sanay na ako sa cellphone na ginagamit kung keypad medjo okay na ulit kami ni King bipolar kasi yung lalaking iyun Lumabas ako sa aking kwarto at saka ako bumaba pa punta sa Dining Area medjo gutom kasi ako di kasi ako nakakain masyado kagabi kasi may tupak si King inaway na naman ako Pag karating ko dun naabutan ko si king na naka upo at kumakain na kaya umupo na rin ako at saka kinuha yung bacon  "Morning!" bati nito na ikinagulat ko Di ko talaga maisipang baka may bisyo itong lalaking ito ngumiti na lang ako at saka siya binati pabalik baka kasi tupakin na naman pag katapos nun wala na sa aming nag salita hanggang sa matapos ang pag kain  Hindi na nga rin pala ako sumasabay kay king umiiwas lang ako baka kasi may makakita na kay king ako nakasakay, sabagay katulong nga pala ang tingin nila sa akin  **** Andito na ako sa tapat ng school hinatid ako ni manong bert medjo late na pala ako kasi kukunti na lang yung mga nakikita kung papasok sa gate friday ngayon kaya hindi sila naka uniform okay lang kasi sa aming hindi mag uniform kahit na private ito Habang nag lalakad ako pinag titinginan ako ng nga ilang stuyadeng nadadaan ko naririnig ko rin yung tawa at pang lalait nila "totoo ba yan yung yaya ni King?" sabi nung isang babaeng nakasalamin  "Sya nga daw tsk! ang panget naman kukuha na lang ng yaya yung ganyan pa!" sabi naman nung isa "Oo nga sana ako na lang yung kinuhang yaya ni king!" hirit pa nung isa na medjo ikinatawa ko gusto nilang maging yaya para lang makasama si King ganun na ba sila kapatay na patay kay King? at saka hanggang ngayon pinag uusapan pa rin nila eh nung isang araw pa yun pag karating ko sa tapat ng Classroom agad kung nakita si tanya kaya naman agad akong lumapit sa kanya katabi nya si Charles nag bebe time sila sanaol diba di ki na lang sila pinansin kasi na papasanaol ako "Nakapag review ka na?" Tanong sa akin ni Tanya "Oum!" sagot ko at saka bahagyang tumango summative test kasi namin ngayon "Pagaya ako!" bulong nito na ikinatawa ko "Di ka ba nag review?" Tanong ko Umiling naman ito at saka tinuro si Charles  puro kasi harutan - Bulong ko na parang narinig ni Tanya kaya tinaasan ako ng kilay Binigay ko na lang yung reviewer ko na kinuha nya at binasa nilang dalawa  maya maya pa dunating na yung teacher namin binigyan agad kami ng summative test  Nakita ko namang nakasimangot yung mag jowa di kasi nila halos na basa yung binigay ko pero wala silang ginawa kundi ang itago iyun at saka kumuha na rin ng summative test Alam kung ket papaano ay may maiisagot si tanya nag review na rin naman kami noon at saka napag aralan na namin iyun ako ang unang nakatapos sa Summative test kaya binigay ko na yun kay mam nakita ko pang ngumuso si Tanya na parang nag hihinge ng sagot  napatingin ako lay Xyrill ng tumayo na rin ito tapos na rin pala ito kasunod nun ay si King wow ah baka naman nilambang lang nila yung sagot kasunod na nag pasa yung mga kaibigan ni Andrea kasunod nun ay yung isa namang kaibigan ni King na si nico hanggang sa nag pasa na rin yung iba pa naming kaklase pati si Andrea ang tanging hindi na lang nakakapag pasa e yung mag jowa mayamaya pa halata mo ng nilalambang na ni Charles yung sagot niya kaya naman mabilis itong natapos kisa kay Tanya narinig ko pang bumulong si Tanya bago nya lambangin yung sagot niya Pag katapos nung nag summative test din kami sa iba pang subject at itong Esp na sinasagutan namin ngayon ay last na pag katapos nito ay tapos na pag katapos ng exam niyaya ako ni Tanya na sumama sa kanila ni Charles mag gagala daw sila pero tumangi ako kahiya naman sa kanila date nila yun Nandito na ako sa Kalsada nag lalakad pauwi sa mansyon nila King ng biglang may tumigil na sasakyan sa gilid ko kaya naman agad akong napatingin doon si Xyrill pala ngumiti ito sa akin at saka inalok na sumakay na daw ako nag dalawang isip pa ako kasi nga kila king ako uuwi nag mag salita siya "Sakay na dadaan din naman ako sa Subdivision nila King" Nagulat naman ako alam na nya "Bilis na sakay na mapapagod ka nyan!" ika pa nito "Ah eh wag na Xy!" tangi ko "Sakay na sabi!" utos nito kaya wala na akong nagawa kundi ang sumakay napaka bossy din ng lalaking ito eh no "Daan muna tayo sa park! bili tayo ng street Food" a Ika nito ng marinig ko yung Street Food ay bigla na lang akong napangiti sa palagay ko nga ay kumislap pa ang aking dalawang mata "Talaga!" Tanong ko "Oo medjo nagutom din ako sa summative kanina at saka pa thank you na rin sa binigay mong reviewer!" Sagot nito na bahagyang tumingin sa akin pero agad din naman binalik ang tingin sa harap pag katapos nun wala ng may gustong mag salita sa amin hanggang sa makarating kami sa Park kung saan maraming nag titinda ng street food  "Ano sayo?" tanong sa akin ni Xy na may hawak ng stick "Kwek kwek akin!" sagot ko "yun na rin akin!" ika nito "Ahm manong 250 pesos nga pong Kwek kwek ito na pong tig te-teen para 25 piraso!" ika nito kay manong may tig pipiso kasi at may tig-teten Bumuli na rin kami ng inumin na pag pasyahan naming Buko juice na lang ang drink namin Bumalik kami sa kotse ni Xy wala na kasing mawistuhan sa park buti na lang at may alam si Xy kaya yun pa punta na kami malapit lang naman daw yun dito muling pina andar ni Xy yung kotse hanggang sa makarating kami sa may tabing dagat doon sa may kubo doon namin kinain yung binili namin sa park naka ilang kwek kwek na kasi ako kasi naman paborito ko ito habang kumakain nag kwekwentuhan lang kami  "Alam mo may nami- miss akong tao!" Biglang ika nito na ikinatahimik nag boung paligid "Actually ugali pa lang ng tao yung nami- miss ko kasama ko nga sya pero hindi nya ako maalala!" di ako nag salita "But okay lang yun atleast nakasama ko naman sya diba right?" Tanong nito na ikanatango ko "Picture tayo!" Aya nito sa akin pero tumutol na ako baka kasi maulit na naman yung kiss  "Okay! picturan na lang kita!" ika nito tatangi pa sana ako pero huli na nag flash na yung camera nya sa mukha ko "Haha ang kyut!" Tawa nito habang nakatingin sa kanyang Cellphone kaya agad naman ako doon napatingin pero agad din naman niyang nilayo  "Haha bawal katana uwi na kita baka nagagalit na yung amo mo!" Ika nito sa akin na nakatingin sa orasan nya sa kamay "Anong oras na?" tanong ko "5:47" sagot nito "kata na!" aya ko sabay tayo Agad kaming bumalik sa kotse na at saka niya ako hinatid  "Bye!" nag wave pa ito habang sinasabi iyun  "Bye!" sagot ko naman sa kanya bago ako pumasok sa gate pag pasok ko nakasimangot na mukha na naman ni King ang naabutan ko medjo mapula din ang mata nito problema ng lalaking ito Lalagpasan ko na sana ito ng bigla ako nito hinawakan sa braso sabay yakap sa akin na aamoy ko pa ang hininga nito na amoy alak, teka naka inom ata si King "King!" Bulong ko "I miss you Kint balik ka na!" bulong nito pero hindi ko masyadong maintindihan bulong nga diba syempre mahina yun "Bakit?" Tanong ko "Tayo na lang ulit akin ka na lang ulit please kint" ika nito na ikinagulo ng isipan ko "Ano bang pinag sasabi mo King?"  "Kint makinig ka okay! may amnesia ka kaya hindi mo ako naalala!" ika nito na ikanatawa ko pinag sasabi ni King nakahithit na naman ba to? alam kung lasing ito naka inom lang minsan natatakot na talaga ako sa mga kinikilos ni king "Tingnan mo to!" ika nito at saka may parang kinuha sa kanyang bulsa mga litrato ito may dalawa din bata at saka yung isang picture parang ako pero bata pa ng kunti  "Ikaw yan kint tayo yan dati! " hindi ko na pinansin yung sinasabi ni King sa Halip ay umalis na lang ako sa harap nya at saka tumakbo pa akyat sa kwarto ko nakasalubong ko pa si Manang Carmen na halatang nakikinig sa usapan namin ni King parang naiiyak na rin siya pag karating ko sa kwarto ay agad kong nilock yung pinto sumasakit yung ulo ko may mga naalala ako pero malabo Ginugulo ni King yung utak ko napaiyak na lang ako dahil sa subrang dami kung iniisip pakiramdam ko ay sasabog ako sa dami kung iniisip hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaisip sana panaginip na lamh yung mga sinabi sa akin ni king kagabi bat ganun? Kami yun? ano ko sya dati? pag aari nya ba ako dati ano yung sinabi nya kagabi na  "Tayo na lang ulit akin ka na lang ulit please kint" Ano yun? haist tumayo ako sa aking pag kakahiga at saka ako dumiretso sa aking banyo ililigo ko na lang ito para matanggal yung mga iniisip ko ano ba to? baka renejay to
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD