Tulad nga ng sinabi ni Xyrill ay sa bahay nila kami na ng halian, Nahiya pa ako nung una pero nawala iyun dahil sa mommy ni xy na si tita Grace , masyado kasi itong bibo, at madaldal, wala doon ang daddy ni Xy pero hindi na ako nag tanong kung asaan
pag katapos ng aming tanghalian ay napag pasyahan namin ulit na bumalik sa dagat para mag gala gala na rin ayun sa kagustuhan ni Xyrill gusto nya daw akong maka kwentuhan pa ako, ayaw nya daw kasi na sa bahay nila lalo nay andiyan ang mommy nya kaya pumayag na lang ako, buti na lang di masyadong mainit
_________
Napa sarap ata ang kwentuhan namin ni Xyrill at inabot kami ng gabi
Ewan ba alam kung ako yung tipo ng taong mahiyain pero pag dating sa kanya dumadaldal ako alam nya kasi yung mga gusto ko at mga ayaw ko wierd no?
napag usapan na rin namin yung papalapit na exam balak nyang mag paturo sa akin balak nyang sabay kaming mag review dahil nga tranfer sya diba?
"Hmm Isaac" tawag nito sa akin kaya naman agaran akong tumingin sa kanya
"Ahm bakit?" tanong ko
"Sana ganyan ka na lang" ika nito
"hah anong ganyan?" tanong ko
"ah ano yang ganyan ka maingay lam mo na yun" sagot nito sabay lapit sa akin
"Alam mo mas bagay sayo ang walang salamin" ika pa nito sabay tanggal ng salamin ko
"Xy" tawag ko
"Wag ka ng mag salamin, hindi naman malabo yung mata mo diba?" tanong nito kaya tumango na lang ako
maya maya pa tinaas naman niya ang kamay niya sabay lagay sa mga buhok ko
"Alam mo mas bagay pag hindi ganyan yung buhok mo" ika nito sabay ayos sa buhok ko
"yan okay na" ngiti nito sa akin
pag katapos nyang ibaba ang kamay nya galing sa ulo ko agad nya naman niya itong nilagay sa bulsa nya at saka kinuha yung cellphone nya
"selfie tayo" ika nito sabay lapit sa akin
pilit naman akong ngumiti sa harap ng camera
"1..2..3 smile" bilang nito sabay click ng kanyang cellphone
"Yan ang ganda isa pa" akit pa nito kaya agad ulit kaming nag take ng picture
"Kin--t" tawag niya pero naputol yun ng mag dikit ang aming mga labi masyado kasi kaming malapit sa isa't isa at dahil tinawag nya ako ay napalingon ako at saktong nag tama ang mga labi namin di ko magawang kumilos pakiramdam ko ay tumingil ang lahat ayaw gumana ng utak ko, gusto kung bumitaw pero nakakapit na pala sya sa bewang ko nag makapag adjust na ako ay bahagya ko syang tinulak ng mahina
"Ahm pasensya na" mahina nitong pag hinge ng pasensya pero hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil sa hiya
"tayo na masyado ng gabi" Akit ko kay xyrill
"Oum sige!" sagot naman nito sabay hawak ng kamay ko na ikinabigla ko
"Xy!" pag tawag ko sa kanyang pangalan
"Bakit?" maang maangan nitong tanong
"Yung kamay mo" sagot ko
Tumingin lang ito sa kamay naming mag kahawak at saka tumingin sa akin at saka ng kibitbalikat, haist nag kunware pa ang luko eh alam ko naman na alam nya -bulong ko
Kaya wala na lang akong nagawa at hinayaan na ang kamay niyang naka hawak sa kamay ko kaya ang mukong abot ang ngiti
"Hmm Xy!" Tawag ko ulit sa pangalan nya
Tumingin lang ito sa akin at saka ngumiti na nag sasabing ipag patuloy ko ang pag sasalita
"Wag mo na akong ihatid sa amin mag je-jeep na lang ako siguro pa uwi" ika ko dahil na alala ko na sa bahay nga pala ako nila King uuwi ngayon
"Why?" tanong nito na bakas sa kanyang pananalita ang lungkot
"Ahh ano kasi may pupuntahan pa ako" sagot ko
"Edi samahan na kita" napakagat ako sa aking labi dahil sa sagot nya paano ba ako makakapag palusot sa lalaking ito
"Ahh wag na! ano kasi malayo yun baka gabihin ka pa" sagot ko
"total ikaw na rin naman ang nag sabi na malayo yun, kaya kata na sasamahan kita baka mapaano ka pa sa daan" sagot nito sabay hawak ulit sa kamay ko hanggang sa maka rating kami sa tapat ng kotse nya
agad niya akong pinapasok sa loob kaya wala na akong nagawa kundi ang pumasok
Pag kapasok ko agaran niyang pina andar ang kotse nya
Ilang minuto ang nakalipas sa kanyang pag dri-drive medyo malayo na rin kami sa dagat ng mag tanong ito kung saan ba ang daan pa punta sa kaibigan ko
Napa kagat na lang ulit ako sa aking labi ngumiti muna ako sa kanya bago kuhain ang keypad kung cellphone sa aking bulsa nag kunwaring may tine-text pag katapos nun nag punta ako sa setting ng aking cellphone at saka ko pinindot ang profiles at nag pindot pindot doon para kunwari may tumawag sa akin
"Hello" kunwaring bati ko kahit wala naman talaga akong ka usap sa cellphone Bahagya akong tumingin sa nag dri-drive na si Xyrill bago ulit nag salita
"Ahh hindi tuloy, Ahh sige sa susunod na lang ako pupunta" ika ko
"Ohh sige okay bye!" ika ko pa bago binaba ang aking selpon
"Ahm xyrill hindi pala tuloy sa bahay mo na lang ako ihatid" ika ko siguro pupunta na lang ako sa bahay nila king mamaya pag naka rating na ako sa bahay kaya ko namang lakarin yung kahit papaano
Hindi naman sumagot si Xyrill sa sinabi ko, pero niliko nya yung kotse papunta sa direkson kung saan ang bahay namin
Hanggang sa makarating kami sa bahay namin
"bye ingat ka" ika ko ng makababa ako sa kotse
tumango naman ito bago mag salita
"Thanks isaac sa pag sama sa akin ingat ka din" ika nito sabay patakbo ng kanyang kotse
kaya naman pumasok na ako sa bahay para makapag palit ng damit dahil nga pupunta pa ako sa bahay ni King, lagut talaga ako nito
pag pasok ko agad akong nag tungo sa kwarto ko at saka nag palit ng damut pag katapos nun nag punta ako sa kusina dahil nakaramdam ako ng uhaw pag punta ko sa kusina nagulat pa ako ng may nakahain na pag kain sa lamesa, kaya naman gulat kung tiningnan iyun medyo mainit pa napadako ang tingin ko sa papel na katabi nito nag iwan pala ng sulat ang may kakagawan nito
_____
Pag nakauwi kana dito tumawag ka agad o umuwi ka sa bahay, wag mong patayin sa pag alala yung tao
_____
yan lang yung naka sulat pero kilala ko kung sinong nag sulat nito
agad kung kinuha yung Cellphone ko at saka dinial yung number ni king pero wala nga pala akong load haist Oo nga pala lagi akong walang load
kumain muna ako ng kunti para tikman yung luto ni king, maalat pero okay na din pag katapos nun nag linis muna ako bago tuluyang lumabas ng bahay at saka nag abang ng masasakyan
pag kalipag ng ilang minuto andito na nga ako sa tapat ng bahay nila king
palakad lakad nag iisip ng pideng ipag dahilan, maya maya pa naiisipan ko ng pumasok dahil wala naman syang pake kung saan ako mag punta
pag pasok ko agad na sumalubong ang nag alalang mukha ni manang carmen
"jusq saan ka ba nag puntang bata ka? kanina pa akong nag aalala sayo lalo na si sir king!" salubong nito
si king nag aalala? malabo ata yun? - bulong ko
"si king po?" tanong ko
"Oo naka ilang labas na yun para hanapin ka hanggang ngayon nga wala pa" sagot naman nito
Kaya naman nakaramdam ako ng kunsensya
"Ahh sige po manang aakyat na po muna ako" pagod kung ika
"kumain ka na ba hijo?" tanong ni manang
"Opo manang, kumain na po ako paki tawag na lang po ako pang dumating na si king O kung may iiutos ho kayo" ika ko naman
"Ahh sige hijo umakyat ka na at mag pahinga pagod ka ata" sagot nito kaya naman umakyat na ako sa taas pa punta sa kwarto ko
Pag kapasok ko sa kwarto pagod kung binagsak ang katawan ko sa higaan at saka nilagay ang dalawa kung kamay sa aking batok at saka tumingin sa puting kisame ng aking kwarto
asaan na kaya si king? bulong ko
Diko namalayan na naka tulog na pala ako sa kakaisip
Nagising ako ng may marinig akong malakas na tunog na.parang may sinisigawan
kaya naman agad akong na pangon dahil sa gulat at agarang lumabas ng aking kwarto
pag karating ko sa baba ay naabutan ko si King na sinisigawan ang isang katulong
Ngayon ko lang nakitang ganto si king, Oo nga't nagagalit siya pero hindi ganito
Napa isip tuloy ako kung anong nagawang kasalanan ng katulong na ito, Hindi ko magawang lapitan si King dahil alam kung galit na galit ito at sa akin ipag buntong ang galit niya pero dahil naawa ako sa babae ay bahala na mama kialam na ako
"Sir hindi na po talaga mauulit" Narinig kung ika ng babae na kunti na lang iiyak na
"Mag impake ka na ng gamit mo" walang emosyon na ika ni king sabay tingin sa akin
"Sir wag naman po ganun, ako na lang po ang bumubuhay sa pamilya ko, please sir wag" ika ng babae na ngayon nta ay umiiyak na
"I said -----" hindi na naituloy ni king ang sasabihin nya ng sumingit ako
"King" panimula ko, hindi naman ito nag salita hudyat na ipag patuloy ko ang pag sasalita
"King baka nama----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mag salita ito
"S I R KING!" ika nito na talagang diniinan ang pag kakasabi ng Sir
take two - bulong ko
"Sir king baka naman pag bigyan muna si ate Joy hindi naman ata sinasadya" ika ko buti na lang at kahit pa paano ay kilala ko yung ibang katulong dito
"Tingnan mo nga? inapakan nya yung sapatos ko yan ba yung hindi sinasadya" sigaw ni king sa akin
hindi ko alam kung matatawa ba ako O hindi biruin mo sapatos lang pala yung ikinagagalit nya, mayaman nga naman oh ' - Bulong ko
"Sapatos lang naman yun King este Sir King" sagot ko
Hindi naman ito nag salita at saka nag lakad na
"Basta pag balik ko wala na yan dito O kayong lahat yung papalayasin ko" ika ni king bahagyang tumigil sa pag lalakad at saka muling nag lakad palabas
saan na naman kaya ang punta ng lalaking yun?" - bulong ko
Walang nagawa si ate joy kundi ang mag impake
Bago ito lumayas ay inabutan ko muna ito ng dalawang libo, buti na lang hindi ko na gastos ang pera na yun nag titipid kasi ako, ayaw pang kuhain ni ate joy yung pera pero napilit ko naman ito kaya malaki ang pasasalamat nito sa akin bago umalis
napailing na lang ako sa katarantaduhan ni king bago ako nag lakad papunta sa Dining Area para kumain dahil 10 am na pala ng umaga kaya gutom na ako
Andito ako ngayon sa may tapat ng gate ng school, handa na sanang pumasok ng may biglang tumawag sa pangalan ko, kaya naman huminto ako sa aking pag lalakad at tumingin sa direksyon kung saan may tumawag sa akin, saktong pag lingo ko ang syang pag tama ng mga bulok na kamatis sa damit ko
kaya agad akong tumingin kung sinong may kakagawan nun, hindi ko sila kilala pero alam kung sa R.U din sila nag aaral base sa sout nilang uniform
Agad kung pinag sangga ang dalawa kung braso na may hawak na libro ng makita ang isang bulok na kamatis na tatama sa mukha ko
fuck! si Andrea na naman ba ang may kakagawan nito? Binayaran ba sila ni Andrea? bulong ko bago tumakbo papapunta kung saan buti na lang at hindi na sumunod yung tatlong lalaking iyun
Naisipan kung sa Cr na lang mag tungo para makapag linis ako, masyadong maamoy ang bulok na kamatis na yun at kumapit din ang kulay nito sa puti kung damit lunes na lunes at umagang umaga ay napaka dugyut ko
pag karating ko sa Cr agad akong nag hilamos at saka inamoy yung damit ko
Mabaho nga!
hindi ko na alam yung gagawin ko dahil late na rin ako buti sana kung makakalabas pa ako at makaka uwi sa bahay pero hindi dahil sisitahin ako ng guard
Nakatunganga lang akong nakatingin sa salamin ng may biglang bumukas nun kaya agad akong napatingin kung sinong bumasok
Si xy -bulong ko
"Here!" Ika nito sabay bigay ng isang damit
"Were it" utos nito sa akin
hindi na ako nakipag talo pa at sinunod ko ba rin yung utos nya
pag katapos kung isout yung damit agad akong lumabas sa pinasukan kung cr
pag labas ko narinig ko ang mahina niyang pag tawa
anong problema ng lalaking ito - bulong
kaya tiningnan ko naman ito na nag tatanong na kung ano yung nakakatawa
na bahagya niyang ikina iling, narinig ko na lang ang mahina niyang bulong bago siya mag lakad at lumabas sa Cr
Kyut!
Na ikanpula ng magkapila kung pisnge
Nakangiti ko naman itong sinundan
Pag kalapas ko sa cr na abutan ko si xy na nag aabang sa pinto, ang buong akala ko ay na una ito pero inantay pa pala ako
pag kalapit ko ang sya namang pag akbay nito sa akin na lalong ikanapula ng dalawa kung pisnge iniisip ko nga na siguro kasing pula na ng kamatis na binato sa akin ng mga lalaki sa labas ang pisnge ko
Hindi ko na inalis ang pag kaka akbay nito sa braso ko kahit na may mga matang naka tingin sa amin habang nag lalakad sa kahabaan ng hallway, sanay na rin naman ako at kung tatanggalin ko ay alam kung makikipag talo pa sa akin si Xy
Hanggang sa makarating kami sa room ay naka akbay pa rin ito syempre hindi mawawala yung masasamang tingin ng mga kaklase ko sa akin
tinanggal lang ni xy yung kamay nya ng umupo na kami
Maya maya pa dumating na ang aming teacher at agad na nag turo katulad nung isang linggo nireview lang ulit kami sa susunod na lunes na kasi yung exam namin
lumipas ang oras na hindi ko tingngal yung mata ko sa harapan at nakikinig lang, nag notes na rin ako para ibigay kay xy alam ko kasing hindi ito nakikinig at naka titig lang ito sa akin buti na lang at nasa likuran kami at hindi siya na papansin ng teacher namin
maya maya pa nag paalam na ang teacher namin para sa asignaturang matimatika, at saka naman pumasok ang teacher namin sa agham para mag turo 30 to 45 mins lang kasi ang mga oras ng mga teacher para mag turo sa amin sa umaga apat na subject at sa hapon ay tatlong subject
katulad ng kanina ay napansin ko ang hindi pakikinig ni xy na iilang na nga ako pero hindi ko na lang yun pinansin para hindi ako mailang ginala ko na lang yung paningin ko hanggang sa mapatingin sa naka ob ob na si King na parang natutulog kanina pa ba syang naka ganyan, na rinig nya kaya yung mga tinuro sa kanya? May natutunan ba sya? Paano na lang kung wala edi bagsak sya?
"Class dismiss" biglang ika ng teacher namin sa gitna ng aking pag iisip
Kaya wala na lang akong nagawa kundi ang ayusin ang mga gamit ko,
"Katana?" aya sa akin ni Tanya na nasa harapan ko na pala
sasagot na sana ako ng biglang sumingit si Xy
"Ahm may pupuntahan pa kasi kami ni Kint" - si Xyrill
tiningnan naman ako ng malagkit ni tanya bago tatango tangong umalis at pumunta sa boyfriend nya na si Charles
"Tara!" ika ni Xy bago kuhain ang bag ko na kukuhain ko na sana
Naramdaman ko na lang na may nakahawak na sa kamay ko, kaya naman wala na akong nagawa at tumayo na lamg habang hawak ni xy ang kamay ko
Mag lalakad na sana kami ng may biglang kumapit sa isa ko pang kamay dahilan para mapahinto kami ni Xy
Nakita ko ang inis sa mukha ni pero di ko na lang muna iyun pinansin sa halip ay pinag tuunan ko na lang ng pansin kung sino ang naka hawak sa kaliwa kung braso nagulat pa ako na si King pala ito mapula pa ang mukha nito na halata na bagong gising
napa singhap na lang ako ng hilahin niya ako pero hinila rin ako ni Xy
Nasasaktan na ako pero di ko pinahalata, muntikan na ring mahulog yung salamin ko
Nilibot ko ang paningin ko, ngayon ko lang napansin na pi ag titinginan na pala kaming tatlo maging ang mga taga kabilang section ay naka tingin na rin
"Bitaw!" mahina pero halata mo ang galit sa boses ni king sa pag kakasabi ng salitang iyun
"Ano bang problema mo bro ah?" Si xy na namumula na rin sa inis
"K-king!" Si Andrea na galing sa labas kasama ang dalawa nyang kaibigan, siguro ay bumalik lang ang mga ito
Tiningnan lang naman ni King si Andrea bago muling bumalik ang tingin sa amin
"Ano mo ba sya ah?" tanong ni Xyrill kay King na maging ako ay hindi ko rin alam, Ano nga ba ako para sa kanya gusto kung marining mula sa kanya kung ano ako para sa kanya
"Ano ko sya ah?" Ika ni king na tatango tango pa na animo'y nag iisip pa
"Bat di mo itanong kay isaac kung ano ako sa kanya?" pag hahamon nito
Nakita ko naman na pinag taasan ako ng kilay ni Andrea pero na natili akong tahimik
"Di rin naman ata mag sasali si King so ako na ang mag sasabi ako lang naman ang.." napapikit ako sa pag kakasabi niya sasabihin nya na ba na Sya ang Future Husband ko? Kung ganun lalo akong pag iinitan nila andrea at yung iba pang mga Fans nila
"Ako lang naman ang boss nya! Yah katulong ko yang hinahawakan mo" ika ni king narinig ko na lang ang mga malakas na tawanan ng mga Studyanting naka palibot sa amin
"So bitawan muna ang katulong ko at may iuutos ako!" ma awtoridad na utos ni King
"Mag kano ba ang sweldo niya sayo at dodoblehin ko?" tanong ni Xy
"Bawal sa akin lang sya mag tratrabaho may mga contuct at may mga pinirmahan sya kaya bawal!" Sagot naman ni king na ikinagulat ko wala naman kasing ganun
Walang nagawa si Xy kundi ang bitawan ako at inis na tiningnan nya si king bago niya ulit ibigay sa akin yung bag ko na kinuha nya
pag ka alis ni Xy sya namang pag bitaw ni King sa akin at saka kinuha yung bag nya at lumabas na rin ng Classroom
"parang tanga lang" Bulong ko
Aalis na sana ako ng kapitan ako ni Andrea muntikan ko ng makalimutan na andito nga pala si Andrea
"Opps bakla sa akin ka pupunta?" tanong ni Andrea
"Sa canteen!" sagot ko na pa bulong
"So papunta ka na rin doon bat di mo na rin kami i order? since katulong ka naman ng boyfriend ko diba?" Tanong nito
Narinig ko naman ang pag tawa ng dalawa nyang kaibigan
"Order mo kami lahat ng available sa canteen gusto ko dalhin mo lahat dito lahat" utos nito
Aalis na sana ako ng bigla ulit ako nitong tinawag
"Ohh? Aalis ka wala kang dalang pera ang bobo mo talaga kint" ika nito sa akin at saka sa akin binato ang apat na libong piso
"Sayo na yung sukli thanks me later" maarteng ika nito
Bago ako umalis narinig ko pa ang malakas na tawanan nilang tatlo na animo'y mga demonyo
Buti na lang nakapag timpi ako
Katulad nga ng sinabi nila Andrea ay inorder ko ang mga Available sa Canteen na tig iisa
"Andito na pala ang aso natin" si Cristine
Inirapan lang ako ni Andrea
"So ito na ba lahat?" tanong ni Andrea
kumuha lang sila at saka kinain yung mga pag kain sa harap ko tsk! mga gutom na pero hindi pa nagawang pumunta sa canteen sa bagay inuna nga pala nilang maki chismiss kesa pumunta sa canteen
Aalis na muli sana ako ng may biglang tumama sa ulo ko kaya agad ako doong napatingin
Ito yung pinag kainan kanina ni Andrea kaya naman asar ko syang tiningnan
May dumi na naman yung damit ko
Mag sasalita na sana ako ng biglang ibato ng dalawa nyang kaibigan yung kanilang pinag kainan
Hanggang sa pati pag kain nilang dipa nakakain ay na bato na nila sa akin naiyak na lang ako sa mga pinag kakagawa nila
Pag katapos nilang gawin nung iniwan na nila ako sa classroom samantalang ako na natiling nakatayo pero maya maya rin ay naisipan kung kumuha ng walis para linisin yung mga kalat na ginawa nila Andrea kanina