Nagising ako ng may naamoy,
Akong mabango hindi ko alam kung sinong nagluluto basta alam ko kung ano yung niluluto na yun
Isa yun sa mga paborito kung ulam
Nagutom tuloy ako dahil sa amoy na yun
Agad kung hinanap si Reian, dahil wala na ito sa tabi ko
Agad akong lumabas at sinundan ang amoy na talaga namang matatakam ka dahil amoy palang busog kana
Agad akong nakapunta sa kusina namin dahil doon nagmumula ang mabangong amoy
"Ehem!" Pikeng tikhim ko para maagaw ang atensyon nya,
busy kasi ito sa pag sasandok ng niluluto nyang ulam at talagang paborito ko pa
"Oh, you are already here!" Ika nito ng makita na ako
"Hmm ano yan?" Tanong ko kahit alam ko, kung ano yun
"Adobong Atay alam kung paborito mo to!" Ika nito na nakangiti
Kahit na nagulat ako dahil alam nya ang paborito kung ulam kahit na hindi ko pa naman sinasabi sa kanya
Ay nagawa ko paring mag tanong
"Saan mo kinuha yang atay na yan?" Ika ko sabay turo sa atay
"Ahh ito ba lumabas kasi ako kanina at tagal mo kasing magising kaya namalingke na ako" sagot nito sa tanong ko
"Ahh!" Yun na lang ang nasagot ko
"Marunong ka pa lang mag luto?" Pag iiba ko ng usapan
"Oum! Tinuruan kasi ako dati ng bunso kung kapatid two years ago !" Ika nito na parang nag bago ang tuno ng pananalita
"Hmmm may kapatid ka?" Gulat kong Tanong ko
"Oum! Actually dalawa lang kaming magkapatid mas matanda lang ako sa kanya ng one year" sagot nito sabay iwas ng tingin
"So asan na sya?" Bigla ko na lang na itanong
Hindi naman ito sumagot sa tanong ko at biglang nanahimik
"Sorry" ika ko
Nakita ko namang nagpunas muna ito ng luha, bago tumingin sa akin sabay ngiti
"It's okay.... Can I hug you? Tanong nito na aking tinanguan ako narin ang kusang lumapit at yumakad sa akin
-------
"Hindi ba tayo papasok?" Tanong ko kay Reian ng matapos kaming kumain
"Hindi na tayo makakapasok 'sis' masyado na tayong late, labas na lang tayo?" Sagot at aya nito sa akin
"Oum! Wait mo ko kukuha lang ako ng damit,
ikaw ba hindi kaba magdadamit tanong ko kay Reian,
kasi naka apron lang ito
"Pakuha na lang sis ng damit ko sa kwarto mo btw thank you sa pag aalaga mo kagabi" pasasalamat nito sa akin na sya kung nginitian
Agad naman akong nag tungo sa loob ng kwarto ko at nag bihis kinuha ko na rin ang uniform ni Reian
Agad ko itong inabot sa kanya ng nasa harap nya na ako na agad din naman nyang kinuha at nag bihis sa harap ko
Nailang tuloy ako dahil sa 6 packs abs nya na nakabalindra sa aking harapan ,
parang ang sarap gawing almusal
Agad akong napailing sa aking iniisip
"Ayy bad" ika ko
"Sinong bad?" Tanong ni Reian na aking ikinagulat akala ko kasi sa isip ko lang yun sinabi
"Ahh ehh ikaw bad ka-a tinuruan mo akong lumiban sa klas-e" nauutal kong sagot dahil yun lang ang na idahilan ko
"Baka mas bad ka, mas bad yung iniisip mo" ika nito sabay ngisi
Napatigil naman ako dahil sa sinasabi nya ee! Joke lang naman -ika ko sa aking isip
--------
"Hmm? Saan ba tayo pupunta Reian" tanong ko kay Reian ng makalabas na kami ng bahay
"Dadaan muna tayo sa school, kukunin ko yung kotse ko" sagot nito
"Hmm paano pag nakita tayo ng mga teacher dun" kinakabahan kung tanong kay Reian
"Okie! Lang yun hindi naman tayo pumasok atsaka isa pa malakas ako kay manong guard" sagot nito na ikipinatag ng loob ko
-------------
"Reian daan muna tayo sa national book store" aya ko kay Reian ng nasa mall na kami,
Nakuha narin namin yung kotse nya kanina buti na lang kilala si Reian sa school na yun
"Okie ikaw bahala, basta kung saan ka doon ako" ika nito sabay ngiti sa akin na ikinapula ng aking pisngi
Wait! Bat ako namumula s**t! Naramdaman ko na lang na umiinit ang aking mag kabilang pisngi
Agad kung iniwas ang aking tingin sa kanya, pero pag kaiwas ko ng tingin doon ko nakita si King at Andrea nagulat pa kaming pareho ng makita namin ang isa't isa kaya agad kung kinuha ang kamay ni Reian na kanyang ikinagulat pero hindi ko na lang yun pinansin at pumasok na lang sa National Book Store na malapit lang pala sa pwesto namin
Agad kung binitawan ang kamay ni Reian ng makita kung itong naka ngiti
"Anong nginingiti mo dyan?" Tanong ko ng bitawan ko na ang kamay nya
"Hmm! Wala masaya lang ako at nakasama ulit kita"
Wait! Ulit ee! Mag damang nga kaming mag kasama kagabi
"Haiisstt ang baklamg to talaga naguguluhan na talaga ako" ika ko sa aking isipan
Habang pumipili ako ng mga libro na magandang basahin nakita ko na parang may mga matang nakatingin sa akin kaya agad kung hinanap kung sino ang may ari noon na agad ko rin namang nakita mga mata yun ni king
ANDREA ATARAXIA'S POV
Nandito kami ni King ngayon sa Mall, hindi kami pumasok dahil inaya ko syang mag mall, ayaw nya pa pero na pilit ko rin naman
Habang nasa mall kami nakita ko si Kuya Reian na kasama si Kint ayst
at alam ko rin nakita ni King sila Kint
Nagulat pa si Kint ng makita nya kami ni King kaya agad nitong kinuha ang kamay ni Kuya Reian na ikinangiti nito,
Ewan dahil sa ngiti ni kuya Reian na pangiti na rin ako at masaya ako para sa kanya
Inaya ko si King na sa National Book Store muna kami pumasok dahil doon ko nakitang pumasok si Kint gusto ko tong sundan buti na lang pumayag si King na doon kami pumasok
Nakita ko namang tinitingnan ni King si Kint kaya agad kung inagaw ang atensyon nito
"Babe! Anong maganda ito o ito" turo ko sa dalawang notebook na hawak sa mag kabila
"Pareho lang yung design" walang kabuhay buhay nitong sagot kaya agad kung tiningnan ang dalawang notebook na hawak ko
I sight.
Parehas nga ng design
'Ang gaga mo andrea' ika ko sa aking isip
Hawak ng mamasid ng magandang design ng notebook na agaw ng atensyon ko ang design ng notebook na hawak ni Kint isa yung butterfly na nakapatong sa bulaklak,
at dahil doon may na alala nanaman ako... 'naalala ko naman sya' - ika ko sa aking isip
Agad akong lumapit sa tabi ni Kint na ikinagulat nito
Pag kalapit ko agad kung inagaw ang notebook na hawak nito na sya namang ikinagulat nito
"Ano ba andrea nakita mo naman diba na ako ang na una!" Ika nito na pilit na inaagaw pabalik ang notebook na hawak nito
"Gusto ko yang design na hawak mo kaya akin na yan"
ika ko kahit ng hihina ako dahil sa boses ng parang isang angel pero kung angel sya demonyo ako
"Pero ako ang unang nakahanap diba ako ang naka kuha tapos aagawin mo lang"
ika nito na aking ikinagulat dahil sa tapang na ipinakita nya
Dahil sa inis ko malakas kung hinila ang notebook na hawak nya dahilan para masira to
Nakita ko namang parang babagsak na ang mga luha nito dahil kaya agad akong tumalikod at inaya si King na umalis
"Ano ba naman andrea para sa isang notebook lang nakipag away kana?" Tanong sa akin ni King
Pero hindi ko na lamang ito pinansin dahil wala rin naman itong alam kung gaano kalaki ang halaga sa akin ng design na yun
nilantakan ang pag kain na nasa harapan ko , andito kasi kami ngayon sa isang sikat na Restaurant
Ganto ako kapag may problema gusto ko laging kumakain,
"Babe hindi ka ba kakain?" Tanong ko ng hindi manlang nito ginalaw ang pag kain na nasa harap nya
"Busog pa ako" maikling sagot nito sabay balik ulit ng atensyon sa kanyang cellphone na hawak
Kaya hindi ko na lang ito pinansin dahil marami akong iniisip sa ngayon iniisip ko kung what if ******** magiging masaya kaya ako para sa kanilang dalawa hssytt binalik ko na lang ulit ang atensyon sa pag kain para nawala ako sa pag iisip
Agad din lumipas ang oras at ngayon nga ay nasa rooftop na ako ng bahay namin
Dito kasi agad ako dumiretso pagkatapos akong ihatid ni King
"Ahhhhhhhh" yumayaginignig kung sigaw sabay punas ng aking luha
Takot lang naman akong mapag iwan ulit
Agad kung kinuha ang aking cellphone at tinawagan ang nag iisang taong nakaintindi sa akin at si Reian yun
"Hello" bati ko sa kabilang linya pag katapis nitong sagutin ang aking tawag
"Punta ka dito sa bahay" ika ko sabay patay ng tawag alam ko namang pupunta dito si Reian....
Nandito ako ngayon sa aking condo, Pag katapos kasi ng nagyari sa National Book Store ay inuwi ko na si Kint baka kasi mapahamak pa ito lalo na't alam ko ang kayang gawin ni Andrea
Nakaupo ako ngayon sa aking kama
Kakatapos ko lang kasing maligo
Hihiga na sana ako ng tumunog ang aking cellphone
(Walang jowa yung nag babasa.... walang jowa yung nag babasa.....) tunog ng aking cellphone
Agad ko naman itong kinuha at binasa kung sino ang caller "Andrea" nakasulat sa screen ng aking cellphone
Agad kung sinagot ang tawag ni Andrea
"Hello" ika nito sa kabilang linya
"Hi" balik na bati ko naman
"Punta ka dito sa bahay" ika nito sabay patay ng tawag
'Hssssttt ang babaeng yun talaga' - ika ko na lang sa aking isip
Wala akong nagawa at tumayo na lamang at kinuha ang jacket na nasa tabi ko lamang alam ko kasing malamig na ngayon sa labas lalo na't umaambon
Agad akong lumabas ng condo atsaka pumunta sa parking lot para kuhain ang aking kotse na syang gagamitin ko papunta sa bahay nila Andrea
*Ding dong* tunong ng doorbell nila andrea andito na kasi ako
Maya maya pa pumukas na ang gate ng bahay nila
Agad akong pinapasok ng maid nila dahil kahit pa paano ee kilala na nila ako
Papasok na sana ako ng tumunog ang aking cellphone (wala kang jowa ... .. wala kang jowa ..) tunog nag aking cellphone kaya agad ko itong kinuha at binasa ang message ng kung sino
"Rooftop" message ni Andrea si andrea pala ang nag text
Kaya agad akong pumasok sa bahay nila andrea ang pag kakaalam ko wala ngayon sila tita 't tito
Pag kapasok ko agad akong umakyat sa Rooftop nila
Pag kabukas ko ng pintuan ng Rooftoop
Nakita ko ang isang babaeng nakatalikod nama 'y hawak na isang mamaghaling baso at sa loob noon ang isang mamahaling inumin at sa tingi ko Hard drink iyun base sa amoy na naamoy ko
"Ehemm..." pikeng tikhim ko para makuha ko ang atensyon nya
Agad naman itong humarap sa akin
"Bakit mo ako pinapunta dito" tanong ko sa kanya ng makalapit na ako
"Sorry Reian sorry hu hu hu" iyak nito sa akin
"Bakit ka nag sosorry?" Tanong ko kahit alam ko naman ang dahilan
"Alam kung alam mo kung bakit, kaya pide ba kuya Reian tigilin mo ako " Mataray na sa sagot sa akin ni Andrea
Haisstt kahit kailan talaga hindi nawala ang katarayan ng babaeng ito - iko ko sa aking isipan
"Okay! Lang yun Andrea alam ko naman na ang dahilan mo pero sana wag mo syang ulit sasaktan, dahil sa oras na malaman ko na sinaktan mo ulit sya ako na ang makakalaban mo"makahulugan kung sagot kay andrea at saka dahan dahan umatras ng hakbang palayo sa kanyang pwesto
"Alam ko naman na gusto lang nitong makakuha ng atensyon, " ika ko sa aking isip atsaka tuluyan mg umalis sa bahay nila Andrea
Agad akong bumalik sa aking condo at doon ako uminom buti na lang may mga inumin dito, buti na lang nasa legal age na ako dahil 18 na ako nalate lang ako sa pag pasok dahil may inasikaso pa kami noon
-----------------------------------------------------
MATTHEUS 'KING' DEVEREAUX'S POV
"Manang hindi pa po ba bumabalik si Kint dito?" Tanong ko kay manang Isabel na busy sa paglilinis
"Hindi pa po sir" maikling sagot nito sa akin
Aalis na sana ako nag bigla akong bumalik kay manang Isabel
Ewan ko pa kung bakit, alam kong nagulat ito sa pag balik ko dahil hindi ako nakikipag usap sa mga katulong
"Manang Isabel alam nyo po ba kung saan nakatira si Kint?" Tanong ko kay manang Isabel alam kong nagulat siya pero hindi ko na lamang iyun pinansin
Ngumiti naman ito sa aking bago sumagot
"Ahm opo sir!" Sagot nito na aking ikanangiti kaya walang ano anong kinuha ko ang address na agad din naman nitong ibinigay na syang ikangiti ko pa lalo
Agad akong lumabas ng bahay at saka pumunta sa karahe upang kuhain ang aking kotse,
Buo na ang aking pasesya papauwien ko na uli ito sa bahay at sa ngayon babawasan ko muna ang aking pried....
Nandito ako ngayon sa loob ng bahay namin, Iniisip ko kung bakit ganun na lang ang interes ni Andrea sa notebook na hawak ko,
Iwan ko maging ako! Parang may naalala akong ano ng makita ko ang design na yun, parang nakita ko ba yun dati hindi ko lang maintindihan
Haissttt.... agad akong tumayo sa aking pag kakaupo ng maamoy kung parang sunog na ang sinaing ko, kaya naman patakbo ko itong pinuntahan at pinatay ang apoy
Nag lakad ulit ako papunta sa isang kabinet na kung saan may mga nakalagay na delata at noodles
Ganto kasi talaga sa bahay may mga delata at noodles na nakatago para kahit paano may pang ulam ako
Agad kung kinuha ang pancit canton na ang flavor ay chilli mansi nag prito na rin ako ng itlog na syang ipaparner ko sa pancit canton
Agad din namang naluto ang ulam ko at handa na para kainin ko susubo na sana ako ng nay tumamang ilaw sa mga mata ko na ng gagaling sa labas ng bahay, bukas kasi ang bintana namin kaya kitang kita ang mga sasakyan na dumadaan sa tabi
Agad akong tumayo at tiningnan kung sino iyun nag park kasi sa gilid ng bahay namin
Maya maya pa, Lumabas ang may ari ng kotse at dahan dahang itong lumapit sa akin hindi ko maaninag ang mukha nito dahil na rin sa sinag ng ilaw na ng gagaling sa poste, hindi ko man makita ang kanyang mukha pero sigurado akong lalaki iti base sa buhok at tindig nito
Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala ito at doon ko lang nakita ng lubusan ang kanyang mukha
King....
Wait! Si king?" Tanong ko sa aking isipan anong ginagawa ng mukong nato dito? Paano nya nalaman kung saan ako nakatira dahil sa pagkakaalam ko wala akong sinabihan na kahit na sino
"Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko namapigilan at nag tanong na ako
"Bakit? Masama ba na puntahan ko ang future wife ko?" Tanong nito sa akin na syang ikinapula ng mag kabila kung pisngi
"Hffp! Hindi naman" biglang sagot ko na ikinagulat ko dahil kung ano ano na ang pinag sasabi ko, Ano na lang ang iisipin ng lalaking ito?" Tanong ko na lang sa aking isip
Nakita ko naman itong ngumiti dahil sa sagot ko "Yun naman pala ee , So himdi mo ba? Papapasukin ang baby mo?" Tanong nito na syang ikinagulat at ikinapula ulit ng mag kabila kong pisngi
Hindi ko namalayan na nakapasok na ito sa loob ng bahay,
"Hoyy... King bat' ka ba kasi napapunta dito?" Tanong ko kay King na ngayon nga ay na kaupo na sa maliit namang sofa
"Antigas naman nito baby!" Angal nito sa sofa na inuupuan nito
Tas nakikiupo na nga lang nag rereklamo pa - ika ko sa aking isip
"So bakit ka nga na punta dito?" Muli kung tanong kay King
"Ano ba naman baby, wala ka manlang kasweet sweet dapat tawagin mo rin akong baby!" Angal nito
"Tsk...! Anong na nakaini ng isang to?" Tanong ko sa aking isip
"Ano nga ginagawa mo dito?" Medyo na pipikon ko ng sagot
"Tsk...! Hindi ko yan sasagutin hanggang hindi mo ako tinatawag na baby!" Ika nito sabay kuha ng kanyang cellphone
"So bakit ka nga na pa punta dito 'baby'?" Tanong ko na sadyang diniinan ang salitang baby
Nakita ko naman itong ngumiti bago muling mag salita
"tsk! Ang lalaki talagang to parang nakahithit! Ngayon " Ika ko sa aking isip
"Gusto ko lang sabihin sayo baby na umuwi kana hindi na ako galit!" Ika nito sa pakantang tuno.
Wait kanta yun ee - ika ko sa aking isip
Agad ko naman itong tinaasan ng kilay
"Ito na nga baby! Uwi ka na sa bahay uuwi na daw sila mommy" ika nito
Aahhh yun uuwi pala sila mam Crystal at sir kenji? Ika ko na lang sa aking isip at saka umiling
"So ano naman ngayon kung uuwi sila?" Tanong ko
Na syang ikinatingin nito sa akin sa cellphone kasi ito nakatingin kanina
"Ano ba Kint mapapagalitan ako ni mom" medyo tumaas na ang boses ni king
Alam ko naman na talagang mapapagalit si King and worse pati ako damay gusto ko lang naman itong asarin
"Oo na wait lang kakainin ko lang tong pancit canton ko!" Sagot ko kay king atsaka sinimulang lantakan ang pancit canton at yung itlog
Agad ko din naman itong naubos kaya agad din kaming nakaalis
-------------------
"Good morning po sir kint" ika ni manang Isabel na nakangiti umaga nakasi ngayon
"Magandang umaga din po manang!" Balik na bati ko kay manang isabel
"Hmm! Manang pwede po ba akong tumulong sa pag luluto?" Tanong ko kay manang Isabel na busy sa pag luluto, Andito kasi ako ngayon sa kusina nila King
"Ayy sir baka po mapagalitan ako!" Ika ni manang isabel
"Hindi po yan manang sige na!" Ika ko atsaka ko pinamungay ang aking mga mata.
"Ikaw talagang bata ka kahit kailan gustong gustong laging nag luto!"
Ika ni manang atsaka sa akin binigay ang sandok, kaya walang nagawa si manang at nag hiwa na lang ng mga rekado
"Ikaw talagang bata ka kahit kailan gustong gustong laging nag luto!"
"Ikaw talagang bata ka kahit kailan gustong gustong laging nag luto!"
"Ikaw talagang bata ka kahit kailan gustong gustong laging nag luto!"
"Ikaw talagang bata ka kahit kailan gustong gustong laging nag luto!"
"Ikaw talagang bata ka kahit kailan gustong gustong laging nag luto!"
Paulit ulit na bumabalik sa aking isip bat parang kilalang kilala ako ni manang?" Dahil sa pag kaka alam ko ngayon lang ako nag agaw ng gawain sa kusina
"Sirrr.... sirrr ... sirr okay! Lang po ba kayo?" Tanong sa akin ni manang isabel kaya agad akong na pa balik sa akin westo
"Ahh opo manang!" Sagot ko kay manang
"Sir ako na lang po muna ang mag tutuloy dyan, mag pahinga na lang po muna kayo!" Ika ni manang isabel
Kaya wala akong nagawa at ibinigay na ulit pabalik ang sandok na hawak ko
Siguro kailangan ko lang mag pahinga, baka mali lang ang pag kakaintindi ko sa sinabi ni manang isabel
Kaya bumalik na lamang ako sa taas upang doon mag pahinga at mag muni muni
Na alimpungatan lang ako ng tumunog ang keypad kung cellphone
Kaya agad ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag si Tanya pala
"Hello" bati ko ng masagot ko na ang tawag.
"Hii beks I miss you bat hindi ka bumasok kahapon?" Tanong nito ng walang hinto sa pag sasalita
"Sorry minion may emergency lang" sagot ko dahil hindi ito sanay na uma absebt ako ng walang dahilan
"Ahh sige may pupuntahan pa kami ni charles" ika nito sabay patay ng tawag
Aba ...! Sinong charles ang tinutukoy nito... si Charles Levi ba?" Tanong ko na lang sa aking isip
*tok tok* *tok tok* tunog ng pintuan ng kwarto ko kaya agad kung binalik ang aking cellphone sa aking bulsa
"Sir ready na po ang agahan" ika ni manang carmen ang isa pang katulong dito sa bahay
"Ahhh sige po manang susunod na!" Sagot ko kay manang carmen kaya agad din naman itong umalis sa kanyang pwesto kaya ako naman inayos ko na ang aking sarili at saka bumaba