Chapter 4
KINT PETER ISAAC ARNAIZ'S POV
Lumipas ang mga araw at masasabi kong maayos naman ng 'kunti' ang pakikisama sa akin ni 'King...
Maaga akong nagising araw kasi ng sabado ngayon,
Agad akong lumabas ng kwarto nag papasalamat pa rin ako kay King kasi maayos ang tinutulugan ko
Pag kababa ko, nakita ko si Manang Isabel
sa second floor kasi ang kwarto ko katapat ng kwarto ni King
"Sir gising na po pala kayo gigisingin ko po sana kayo" ika ni manang Isabel ng nasa harap na niya ako
"Ahh opo manang si King po ba gising na?" Tanong ko kay manang Isabel, Sarado kasi ang pintuan ng kwarto ni King
"Tulog pa po ata kung pwede po, pagising na lang si sir king , Mag hahanda pa po kasi ako ng Almusal!"
Ika ni manang na aking tinanguan nakakahiya kasing tumangi
Kaya bumalik na lang ulit ako sa taas
-------
*tok tok tok*
Katok ko ngunit walang sumagot at walang nagbukas ng pintuan
Aalis na sana ako ng mapasin bukas pala ito,
Dahan dahan akong pumasok
"wala naman sigurong masamang pumasok diba? Lalo na't Future Husband ko sya!" -tanong ko sa aking isipan
Pag kapasok ko sa loob
Parang wala namang tao
Maya maya pa na karinig ako ng lagas gas ng tubig na nag gagaling sa loob ng cr...
Mamaya pa may nag bukas ng pintuan....
At niluwa doon si 'King na walang sout na kahit na ano..
Huhuhu may virgin eyes
Agad akong nag lilikyaw kasi nakakita ako ng sawa na palawit lawit huhuhu bat Ang laki nun?
Agad akong lumabas sa kwarto nun, Pero bago yun narinig ko naman itong nag "tssskk!"
Haisst! Ano ba namang lalaki yun, hindi manlang nag lagay kahit na towel sa kanyang bewang,
Kahit na sabihin na nating sya lang ang tao sa loob ng kwarto...
Dapat secure parin sya sa pravite part nya..
Pag labas ko ng room naka salubong ko pa Si Mang Isabel....
Narinig daw kasi ako nitong nag lilikyaw kaya agad daw syang tumakbo baka daw kasi inaaway na naman ako ni 'King
Gusto pa man silipin ni Manang Isabel si 'King....
kung ano daw ang ng yari kay 'King pero aking pinigilan baka kasi makita din ni Manang Isabel yung nakita ko baka kasi hindi pa nakapagbihis si 'King
Sinabi ko lang na gising na si 'King at baba na
Kaya bumaba na lang ulit kami ni Manang Isabel
"Manang may gawain pa po ba?" Tanong ko kay Manang Isabel gusto ko kasing malibang
"Wala na sir maupo na lang po kayo" Ika ni manang Isabel.
"Manang wag nyo na po akong tawaging sir, Katulog lang din naman po ako" ika ko kay manang ayaw ko kasing tinatawag na sir lalo na't galing ako sa mahirap na pamilya
"Sir hindi po ba't Future Husband nyo si Sir 'King?" Tanong ni manang Isabel na aking ikinagulat paanong nalaman iyon ni manang Isabel
"Ahh manang paano po niyo nalaman ang tungkol dyan?" Tanong ko kay Manang dahil sa pag kakaalam ko kami kami lang ang nakaka alam sa kasal na magaganap
"Ahhh ehh sir andun po kasi ako sa kabilang bahay ng iannounce ni ma'am Crystal ang tungkol sa kasal nyo ni sir 'King"
Tumango na lang ako sa sagot ni Manang Isabel
Maya maya nakarinig kami ng mga yapak hudyat na andyan na si 'King
Agad naman inasikaso ni manang si 'King
"Hindi ka ba sasabay?"
- tanong sa akin ni King, kumakain kasi siya ngayon, tapos ako na ka tayo lang sa may gilid nya
"Hindi na po sir, mamaya na lang" tangi ko nakakahiya naman kasi...
"Tsk! Arte" narinig kong bulong ni king pero., narinig ko naman..
Haisstt kung pinasabay mo ko nung isang araw na kumain sayo... edi sana hindi ako nag eenarte ngayon - ika ko sa aking isipan
Natapos ng kumain si sir, ako naman hinugasan ko ang pinag kainan niya na pinigilan ni manang,
Pero dahil mapilit ako, ako parin ang nag hugas nakakahiya naman kasi ee kasi alam ko katulong ako dito
Pag katapos kung kumain wala na si King sa sofa, umupo kasi sya kanina dun
Maya maya pa bumaba ulit si King na nakapang alis, parang may pupuntahan
"Ah king saan ka pupunta?" Tanong ko kay king
Napasama ata ang pagtanong ko kay King dahil nakita kung kumunot ang noo nito sabay baling sa akin
"Wala kang paki alam" sagot sa akin ni King
Oo nga pala ano nga ba ang paki ko?
Baka siguro pupunta si King kila andrea at may date sila... tanong ko sa aking isipan pero nag itanong ko yun nakaramdam ako ng kirot ewan ko kung bakit!
-----
Kaya nilibang ko na lang ang sarili ko sa pag lilinis ng mansyon nila King at sa pakikipag kwentuhan kay Manang Isabel at sa iba pang mga kasambahay,
Para kahit na kunti makalimutan ko yung kirot na hindi ko alam kung anong dahilan ,
may gusto na ba ako kay King? Bakit ako nag seselos? Mga tanong ko sa aking isipan
Wait! Nag seselos ba talaga ako? No way hindi ako pideng mag kagusto kay King dahil sa sama ng ugali nya
Tapos na akong mag linis wala na rin dito si manang dahil may ginagawa sa likod bahay
Na upo na lang ako sa sofa at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod
KING'S POV
"Babe bat ayaw mo kung papuntahin sa inyo?" Tanong sa akin ni Andrea, gusto kasi nitong pumunta sa bahay ang kaso andun si Kint
"Hmm babe bawal pa dun, kasi makalat baka mangati ka!" Sagot ko sa tanong ni Andrea
"Okay lang ako na lang ang maglilinis" pag prepresinta ni Andrea
"Mangangati ka bawal pa naman yun sayo!" Sagot ko
"Ehh sige na!" Pag pipilit pa nito
"Sa susunod na lang babe pramis, kain na lang tayo sa labas" pag iiba ko
" okay! Sabi mo yan hah.. mag bibihis lang ako" sagot ni Andrea sabay akyat sa taas ng bahay nila
Mamaya pa bumaba na rin si Andrea na nakabihis na
Agad ko naman itong dinala sa isang mamahaling Restaurant, hindi na rin kasi kami na kakapag date
-------
"Babe bili mo ko nun" tawag pansin sa akin ni Andrea andito kasi kami ngayon sa mall na pag pasyahan naming pumunta sa mall nung natapos kaming kumain
Agad ko namang kinuha ang tituturo nitong bag
Habang nag lilibot kami nakakita ako ng mga libro
Kukuhain ko na sana ito para ibigay kay Kint ng mag salita si Andrea sa likuran ko
"Babe hindi naman ako mahilig sa libro ee hindi katulad ng cheap na baklang si Kint" reklamo nito kaya binalik ko na lang din ang librong hawak ko pero baka nadamay si Kint
Haiistt binayaran ko na lang ang bag na pinabili ni Andrea atsaka yung mga lipstick at make up na hawak nya
------
"Hindi kaba papasok muna sa loob?" Tanong ni Andrea andito na kasi kami sa tapat ng bahay nila
"Hindi na babe gabi na rin kasi" ika ko sabay lakad ulit papunta sa kotse ko na naka part sa hindi kalayuan
Papasok na sana ako sa loob ng kotse ng mag salita ulit ito
"Babe yung kiss ko?" Maarteng tanong nito
Kaya wala akong nagawa at binalikan siya atsaka hinalikan sya sa pisngi
-----
Pag ka uwi ko agad akong pumasok sa loob ng kwarto at nag bihis
Maya maya pa nakarinig ako ng katok na nag gagaling sa labas ng pintuan ng kwarto ko
Agad akong tumayo at pinag buksan ng pintuan kung sino ang taong andun
Nagulat pa ako ng si Kint pala, naalala ko tuloy yung librong balak kung ibili sa kanya kanina
"Ah sir nakahanda na po ang hapunan" ika nito sa akin
"Ah kayo na lang ang kumain tapos na ako" sagot ko umalis naman ito pag katapos kung sabihinin yun
KINT'S POV
Pag katapos sabihin ni King natapos na daw syang kumain,
Bumama na lang ako at kumain kasama ang mga katulong
Haissttt kailangan kong makisama kay King - ika ko sa aking isipan
Pag katapos kumain ... si Ate princess na lang ang nag hugas isa pang katulong dito sa bahay na ito
Kaya ako Umakyat na lang ulit ako at pumunta sa loob ng kwarto ko
Haiisstt hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko ngayon kailangan ko ng kasagutan, kung talagang nag seselos ako? At kung talagang nag sesos ako bakit naman? Tanong ko sa aking isapan bago pinikit ang ang mga mata
A/n: yan na sorry sa typo sorry kung medyo magulo yung story..... kayo na lang umintindi hehehe .... medyo mahaba naysn
Yan ahhh kint dina virgin yung mata mo
My Bully Future Husband
Maaga akong nagising dahil lunes na naman may pasok na naman
"Ahhh king saan ako sasabay pa punta sa school" tanong ko kay King ng tapos na kaming kumain,
Yes! Sumabay na ako sa pag kain sa mukong na ito dahil baka pag nag enarte pa ako baka malate pa ako
"Ahh sa akin kana sumabay, baka isipin mo kinakawawa kita" ika ni king
Kaya tumango na lang ako at sumunod sa kanya
----
Habang nasa biyahe tahimik lang kami dalawa, Ni walang gustong mag salita
Maya maya pa naramdaman ko na parang binagalan nito ang pag papatakbo ng kanyang kotse,
"King bat mo hininto?" Tanong ko kay King hininto kasi nito ang kotse sa isang tabi
"Ano ako t*ng* at ibaba ka sa mismong parking lot, anong sasabihin ng mga taong makakakita na sumakay ka sa kotse ko,? Ano na lang ang sasabihin ni Andrea hah?"
Galit na sigaw sa akin nito sa akin
Kaya bumaba na lang ako,
bwesit buti nabuksan ko yung pinto
Pag kababa ko sinipa ko ngs yung gulong epal ehhh
Habang nag lalakad may sumusunod na kotse sa tabi ko,
kaya agad kong binilisan ang paglalakad,
Naramdaman ko na lang na tumigil na ito at binuksan ang bintana ng kotse, hindi ko maaninag ng maayos kung sino iyun, narinig ko naman itong nag salita at doon ko sya nakilala
"Sakay na!" Ika ni Reian
Yes! Si Reilan ang may ari ng kotseng tumigil sa harapan ko
Agad naman akong sumakay ng mapangtanto na si Reian pala yun
"Bakit ka nag lalakad init na init?" Tanong ni Reian sa akin mainit kasi kahit na umaga palang
"Ahh ehh wala lang masarap kayang mag lakad sa umaga!" Sagot ko na lang
"Okay! Matry nga minsan, sabayan mo ko sis ahh?" Tanong nito na akin na lang tinanguan
Haisst tinawag nanaman akong 'sis'
Agad din naman kaming nakapunta sa school
Pinarada na ni Reilan ang kotse nya, sa tabi ng kotse ni 'King
Wait! Bat sa tabi pa ng kotse ni 'King bulong ko sa aking isipan
Pag kababa namin, hindi ko maiwasang hindi mailang dahil pakiramdam ko may mga matang nakatingin sa akin, agad ko naman hinanap kung kaninong mga mata yun sa paglilibot ng aking mata doon na hagip ng paningin ko ang mata ni 'King
Maya maya pa dumating din si Andrea
"Hah inaantay pala nya si Andrea" ika ko sa aking isip
Maya maya pa inaya na ako ni Reian na umalis, kaya sumunod na lang ako dito
Nag kwewentuhan kaming nag lakad papunta sa aming pupuntahan habang naka akbay ito sa akin, hindi ko tuloy hindi maiwasang mailang lalo na't alam kung nasa likuran lamang si 'King at nakasunod samin
Pinag titinginan na kami ng mga stuyante,
Ewan kung bakit siguro dahil nakita nilang may kumakausap sa akin lalo na't gwapo si Reian may malalim na dimple na syang bumagay sa mukha niya,
Ang kaso bakla nga lang,
ewan hindi ako sigurado ewan! Nalilito na rin ako kung ano ba talaga ang kasarian ng lalaking kasama ko
Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng room nya,
Agad itong nag paalam na aking tinanguan atsaka humakbang ng kunti para makasok na din ako sa room ko,
Habang papalapit ako sa katabi ni tanya hindi ko napansin ang isang paang naka angaw hindi ko alam kung sinadya ba yun O hindi pero dahil dun natapilok ako dahilan para pag tawanan ako ng mga kaklase ko,
Agad namang lumapit sa akin si Tanya at inalalayan akong tumayo,
Pero bago yu n tiningnan ko muna ang may gawa noon sa akin
Humarap ako sa taong tumalipid sa akin at nakita ko doon ang nakangising muka ni Charles
Bumalik na lang uli kami ni Tanya sa aming upuan
Agad din namang nag dating ang aming teacher
Discuss..
Discuss..
Discuss...
Discuss...
Recess...
Discuss..
Discuss...
Uwian na yehey ! (parang tanga si Author )
-----
Agad lumipas ang oras at ngayon nga ay uwian na
Mag isa akong naglalakad papuntang parking lot...
Dadaan pa kasi si Tanya sa silid aklatan,
gustuhin ko man na samahan sya ee! Baka naman iwan ako ni King
Habang nag lalakad ako nakasalubong ko si Reian,
Inaya ako nasabay na daw kaming umuwi at ihahatid nya daw ako,
na aking tinutulan sa bahay kasi ako ni King uuwi baka malaman nya pa ang sekrito namin ni King
Agad naman itong nag paalam at umalis
Kaya ako nag simula narin akong mag lakad pauwi sa amin
Habang nag lalakad ako may nararamdaman akong kakaiba na parang may sumusunod sa akin
kaya naman binilisan ko pa ang aking pag lalakad yung tipong parang tumatakbo na,
Pero habang binibilisan ko ang aking pag lalakad,
nararamdaman kung binibilisan nya din ang paglalakad base sa naririnig kung mga yapak,
kinuha ko muna ang ballpen sa aking bulsa,
Ito lang kasi yung dala kung matalas na bagal na pideng ipaglaban kung sakaling Mang hoholdap ang sumusunod sa akin,
Dahan dahan akong humarap at lakas loob na tiningnan kung sino ang sumusunod sa akin at doon ko nakita si Reian,
Si Reian? Nakita ko namang nagulat ako ng humarap ako
"Uyy sis Ikaw pala" ika nito sa akin sabay hinto rin sa kanyang pag lalakad
"Anong ginagawa mo dito?" Naguguluhan kung tanong kay Reian
"Ahh may pupuntahan kasi ako dyan " ika nito sabay turo kung saan
"Talaga? Malapit na dito ang bahay namin! Baka gusto mong samahan na kita?" Nagagalak kung tanong kay Reian
Nakita ko namang nag kamot muna ito ng ulo bago mag salita
"Ahh ehh sa totoo lang kasi sinusundan kita!" Ika nito na aking ikinagulat...
"Bakit naman?" Naguguluhan kong tanong?
"Wala lang " maikling sagot nito
Kaya wala akong nagawa at sinama na lamang siya pauwi sa bahay..
Dahil gusto nya daw maka punta sa bahay
Ayttts! buti na lamang at hindi ako kay King sumabay
Haisst ang baklang to talaga... -ika ko sa aking isipan...........
Nandito na nga kami sa tapat ng bahay nila Kint
Babalik kasi sana ako sa school ng nakalimutan ko yung isang libro nakakailanganin ko para sa assignment namin,
Pero nakita ko syang nag lalakad, kaya bumaba ako sa kotse at sinundan sya sa pag lalakad
Nagulat na lang ako ng lumingon ito sa gawi ko
"Uyy sis Ikaw pala" ika ko sabay hinto rin sa pag lalakad
"Anong ginagawa mo dito?" Naguguluhan tanong ni Kint
"Ahh may pupuntahan kasi ako dyan " ika ko sabay turo kung saan
"Talaga? Malapit na dito ang bahay namin! Baka gusto mong samahan na kita?" Nagagalak na tanong nito sa akin
Kaya nag kamut muna ako ng ulo bago mag salita
"Ahh ehh sa totoo lang kasi sinusundan kita!" Sagot ko na kanyang ikinagulat
"Bakit naman?" Naguguluhan nitong tanong
"Wala lang " maikling kong sagot kahit na ang totoo amg gusto kung isagot ay "para malaman ang tirahan nyo" pero diko nasinabi baka kung ano pa ang isipin ng isang to
Wala itong nagawa at sinama na lamang niya ako sa kanilang bahay dahil yun ang gusto ko
----
"Uyy Reian talikod ka muna may kukunin lang ako" ika nito ng kanina pa kami dito sa tapat ng bahay nila
"Ano yung kukunin mo?" Tanong ko
"Kukunin ko lang yung susi kaya tumalikod kana lang" utos nito kaya wala akong nagawa at tumalikod na lamang
"Okie! Na " ika nito kaya humarap na ako
----
"Bat mo nga ako sinusundan?" Tanong nito sa akin ng nasa harap na kami ng lamesa
Sweet nga ee! Pinag luto pa ako
"Hmm kain mo na tayo!" Aya ko kaya nanahimik na ito
"Sarap" ika ko ng matapos na kaming kumain
"Wag kang pasarap sarap dyan, ikaw mag huhugas nyan" ika nito sabay turo sa mga plato na pinag kainan namin
"Bat? Ako diba bisita mo ko?" Sagot ko na nagulat.
"Bisita ba kita?" Patanong nasagot nito sa akin
" Oo na salamat ka ano kita" sagot ko na kanyang ikinagulat
"Ano mo ako?" Tanong nito sa akin
"Ah ano hmm? Kaibigan kita Right?" Sagot ko
"Ahh okie mag hugas ka na dyan!" Ika nito sabay alis sa harap ko
"Kint sandali paano to?" Tawag ko kay kint kasi naman hindi ako marunog mag hugas ng plato
Kaya tinitigan ko muna ito atsaka ko sinimulan hugas ang mga plato na nasa harap ko
Habang nag huhugas hindi sinasadyang nahulog ang isang plato na hinuhugasan ko dahilan para mabasag ito
Maya may pa nakarinig na ng mga yapak at sigurado akong si Kint yun
"Waaaahhh oh my ghood sis" likyaw ko ng nasa harapan ko nasi Kint
"Anong nag yari? Ako na nga dyan?" Ika nito sabay patabi nito sa akin kaya tumabi naman ako
Kumuha muna ito ng pandakot atsaka pinulot ang mga bubog na nag kalat sa sahig
"Ouch!!" Daing nito kaya agad akong napatingin sa kanya at doon ko nakitang dumudugo ang kanyang isang daliri
Agad ko naman akong lumapit sa kanya at inagaw ang daliri nya agad ko itong sinubo para mawala ang dugo
Nagulat naman ito sa ginawa ko
"Hindi ka kasi nag iingat sis ee! Yan tuloy" ika ko
"Ahh Reian okay na yung kamay ko!" Sagot nito
Kaya agad kong binitawan ang kamay nya ng mapang tanto na hawak ko pa pala ang malambot nyang kamay
"Reian bat ka nga kasi sumunod sa akin?"
Biglang tanong nito na aking ikinagulat ang akala ko kasi nakalimutan na nito ang tungkol doon
"Ahh ehh mang hihiram ako sana ng libro yung sa Science, Meron kaba?" Tanong ko na lang
"Hmm? Wala wala pa namang libro sa science diba?" Naguguluhang tanong nito
"Ahh akala ko kasi meron" sagot ko na lang
----
KINT'S POV
"Ahm Reian mamaka uwi kaba?" Tanong ko kay Reian
"Oum! Antayin ko lang na tumila ng kunti yung ulan"
sagot nito na nakatingin sa labas umuulan kasi ngayon ,
Ako na rin yung nag hugas ng plato kanina,
Nahiya naman ako kasi hindi pala sya marunong mag hugas ng plato,
aystt mga mayayaman nga naman ohh
"Reian hindi naman ata hihinto yung ulan, nasan ba yung kotse mo?" Tanong ko kay Reian
"Hnmm! nasa parking lot ng school bumalik kasi ako dun kanina" sagot nito
"Dito kana lang kaya muna mag palipas ng gabi?" Tanong ko kay Reian kaya agad itong napaharap sa akin
"Oum! Baka kasi ma aksidente ka pa sa daan lalo na't umuulan" -sagot ko
"Ang bait mo talaga kaya ano kita ee!" Sagot nito
"Puro ka si Ano, ano dyan
"dyan ka muna kukuha lang ako ng kumot at unan sa kwarto nila mama" ika ko sabay tayo sa aking pag kaka upo
Agad akong pumunta sa kwarto nila mama at papa atsaka kinuha ang mga unan at kumot na nakatago
Ewan ko ba kay mama, tinatago yung mga maayos na gamit tas ipapagamit lang sa mga bisita,, pero sa aking sariling anak ayaw ipagamit
Agad akong bumalik sa kinaroonan ni Reian
"Okay na ba to?" Tanong ko kay Reian sabay abot ng isang kumot may pag kamanipis nga lang ng kunti
Tumango lang ito sa tanong ko,
Ewan bakit nanahimik si Reian
"Sigurado ka bang dyan ka lang sa sofa tutulog?"
Tanong ko kasi antangkad tangkad nya pero anliit liit ng higaan nya, naawa tuloy ako kay Reian
Tumango ulit ito sa tanong ko bat ba ayaw mag salita ng isang to.
"Okie pasok na ko sa kwarto hah" paalam ko kay Reian na ikinatango nito
Agad naman akong tumayo at nag lakad pa punta sa kwarto yun
Papasok nasana ako ng makita kong humiga na ito pero halatang parang nilalamig
Kaya agad akong bumalik sa pwesto nya
"Uyy reian sa kwarto ko na lang kaya ikaw matulog" aya ko kay Reian
Umugol lang ito sabay tanggi
Ano bang nag yayari sa baklang to - tanong ko sa aking isipan
"Uyy" yugyug ko kay Reian
Pero hindi na ito tumugon sa yugyug ko, hmm bilis namang makatulog nag baklang to
Aalis na sana ako ng hawakan nito ang aking kamay na aking ikinagulat dahil mainit ang mga kamay nito,
"Waitt Reian may sakit kaba?" Tanong ko
Kaya pala ito biglang tumahimik kanina
"Reian bat ka namumula?" Kinakabahan kung tanong dito
Hindi naman ito sumagot sa tanong ko at tanging ungol lang nito ang narinig ko
"Waiitt may allergic kaba sa kinain natin kanina?" Tanong ko kay Reian na hindi na mapakali,
hindi naman ito sumagot sa tanong ko
"Shiit ka Reian" ika ko sa aking isip
Agad naman akong tumayo at pumunta sa Kusina, Ipag susuob ko na lang si Reian yun kasi ang ginawa ni mama noong nag may allergy ako.
"Reian amuyin mo muna to" ika ko kay reian habang hawak ang isang kutsara nama'y balat ng hipon
Sinunog ko ito atsaka pina amoy kay Reian
"Reian kaya mo bang tumayo?" Tanong ko balak ko kasi ipasok ito muna sa kwarto ko para maasikaso ko
"Reian dahan dahan lang, wait lang " ika ko ng parang matutumba kami dahil sa bigat nito
Agad ko naman itong nadala sa kwarto ko dahil malapit lang naman ito sa sofa
Agad ko itong hiniga sa aking kama
"Wait lang Reian hah! Kukuha lang ako ng maligamgam na tubig paalam ko na, sigurado akong narinig ako nito dahil tumango ito
Agad akong lumabas sa aking kwarto at nag tungo sa kusina at kinuha ang mga bagay na kailangan ko
Kaya agad akong nakabalik sa kwarto at doon ko na abutang nakahubad si Reian ng pag itaas na damit
"Haiisst lamig na lamig nag hubad pa ang baklang to!" Ika ko sa aking isip agad akong lumapit kay Reian
"Shiiit bat may abs ang baklang to?" Tanong ko sa aking isipang ng makita ko ang 6 pack abs nito kahit na may mga pantal pantal to dahil sa allergy na mumula din ito
Agad kong iniwas ang tingin sa kanya mga abs
"Reian mag damit ka nga"
ika ko sabay kuha ng towel na nasa palanggana at saka pinunas sa kanyang braso at saka ko nilagay sa kanyang noo, yun lang yung pinunusan ko dahil nakakaramdam ako ng kaba
Hihiga na sana ako ng hilahin ako nito dahil para mapahiga ako sa kanyang katawan, kaya ramdam na ramdam ko ang matigas nyang katawan
"Reian ano ba?" Tanong ko kay Reain at saka pinilit na tumayo pero lalo lang nitong hinigpitan ang pag yakap sa akin
"Reian" yun na lang ang nasabi ko ng maramdaman kung parang hinuhubad na ni Reian ang damit ko
"Gusto ko lang ng init ng katawan mo kint"
ika nito na ikinagulo ng aking isipan hanggang sa hindi ko namalayan na nahubad na pala nito ang aking damit
Naramdaman ko na lang na mas hinikpitan lalo nito ang yakap sa akin at saka siniksik ang aking leeg naramdaman ko rin na parang hihalikan niya ito mamaya pa narinig ko na lang ang kanyang mga hilik
"Jusqo Reian pinakaba mo ako, akala ko kung anong gagawin mo" huli kong ika sa aking Isipan atsaka pinikit ang aking mga mata
------
Agad din akong nagising dahil hindi ako mapakali sa aking paghiga, tatayo na sana ako ng nakayakap pa pala ito sa akin, kaya wala akong nagawa at niyakap narin sya dahil sa lamig gawa ng ulan atsaka ako ulit natulog