Turn off Ramdam ko ang pamumugto ng mata ko. Umiyak lang ako nang umiyak. Brokenhearted na naman ako. Durog na nga yung puso ko mas lalo pang nadurog. Hindi na ako lumalabas ng kwarto. Isang linggo nalang ay pasukan na ulit. Naenroll na naman ako eh kaya hindi na kailangang ako ang umasikaso. School naman namin 'yon kaya walang problema. "Yui, sabi ni Kuya Sylver bumaba daw tayong dalawa." Hinaplos ni Phoebe ang buhok ko. Nakahiga lang kasi ako dito sa kama at nakatulala. Nandito pala si Kuya Sylver. Mukhang nakauwi na sa trabaho niya. Paano kung hindi ako nagrounded? Kami na kaya? Naiinis ako sa mga pinsan ko eh. Ayaw ko silang makita kaya pinapanindigan ko itong pagiging grounded ko. Hindi na talaga ako lumalabas ng kwarto simula nang mapanood ko ang video na 'yon. "Sabihin mo lang P

