I hate you Stolich! Grounded nga ako. Ni hindi ako nakakalabas ng bahay ni Kuya Sylver. May kwarto kasi kaming dalawa dito ni Phoebe eh. Pati si Ate Celina ay walang nagawa. Ang sabi niya sakin pagdating daw sa usapin tungkol sakin ay hindi niya mababali ang desisyon ni Kuya RM. Nakakainis na talaga! Pati si Billy tinawagan ako na pansamanta daw muna akong pinaquit ni Kuya RM doon! At si Stolich? Wala akong balita sa kanya! Baka nga ikinasal na sila ni Francine. Argh! Hindi talaga ako papayag! Gagayahin ko talaga yung ginawa ni Ate Sky sa kasal ni kuya Jiro! Ako ang para kay Stolich tapos sinusulot niya! Malandi! "Kuya Sylver. Please." Mangiyak ngiyak na ako dito sa pagdadrama sa harapan ni Kuya Sylver na hindi man lang nagbabago ang ekspresyon ng mukha. Si Ate Nyebe ang lungkot na nga

