Broken heart Tagos hanggang buto ang sinabi ni Stolich kay Francine. Ayaw niyang magsuot si Francine ng sinusuot ko. He hates it. Hate! Hate niya dahil ako ang nagsusuot! Hate niya dahil hate niya ako! Sa akin siya ganyan noon. Ako ang pinagbabawalan niyang magsuot ng mga maiiksing damit at nakikita ang ibang parte ng katawan. Pero ngayon kay Francine na! Hindi ko alam kung paano ako umexit sa pag-uusap na 'yon. Ang sinabi ko nalang na cr muna ako. Kaya ko silang panoorin pero ang magtagal na nakatayo sa harapan nila ay hindi ko kaya. Nakakalambot ng luhod. Nakakapanghina. s**t Stolich! May epekto ka parin sakin kahit na apat na taon na ang lumipas! Huli na ba ang lahat? May Francine na siya Yui! Leche talaga! Ano?! Brokenhearted na naman ako! Nang maikalma ko na ang sarili ko ay doon

