Jealous "Lisanna. Nasaan na yung si Francine? Ba't ang tagal? Magsisimula na yung photoshoot ah. Tinext mo ba?" tanong sakin ni Billy. Kanina pa sila dito hindi mapakali. Ako naman itong nakaupo lang at inaayusan na ng hairstylist ko. Pakialam ko sa babaeng 'yon. "Ewan. Tinext ko naman." sabi ko. Bumusangot lalo ang mukha ni Billy. Mapapagalitan talaga ang babae na 'yon. First day niya ganito agad. Ilang sandali lang ay naaninag ko na dito sa harap ng salamin ang dalawang imahe na nagpabusangot ng mukha ko. Magkasama na naman sila. Hindi ba sila marunong maghiwalay? Tss. "Francine. Ba't ngayon ka lang? Hindi yan pwede sa akin. Dapat ontime ka. Next time, come early. Bago ka pa lang Francine pero wag mo naman sana kaming pinaghihintay." Pangaral ni Billy sa kanya. Kitang kita ko ang

