Karera ng Motor

1533 Words
Sa loob nga ng dalawang araw ay ginugol ni Benjick o (Nathaniel)ang oras n'ya sa Hotel.Umu uwi parin naman siya sa bahay ng kanyang ina,kaya masaya ito at kita nya sa mukha nito.Sa umaga maaga naman siya nitong ipinagluluto ng almusal,motor naman ang gamit nya kaya mas madali para sa kanya ang makarating sa kanyang trabaho. Dumating ang Linggo na pinakahihintay nya,ibig lang din sabihin ay kailangan narin n'yang iwan ang abuelo't abuela,pati na rin ang ina na pilit bumabawi. Alas tres ng hapon,nag out na s'ya sa kanyang trabaho,bago tuloyang lumayo sa b****a ng hotel ay tiningala muna nya ang pangalan ng building. Napangiti siya na may halong lungkot,mamimiss kita"aniya sa kanyang isip.Naglakad na siya palayo at tinungo ang parkingan nya ng sasakyan, ngunit motor ang ginagamit nya sa lumipas na dalawang araw. Sasakay na sana siya sa kanyang motor ng tawagin siya ni Alex ang kanyang assistant at matalik na kaibigan. Nathaniel!" Nang lumingon siya sa may entrance ng hotel, humahangos ang kaibigan nya. Tumakbo siguro ito para lang habulin siya,namulsa ito at naglakad na parang modelo palapit sa kanya ,kaya napangisi siya. Astig ang dating natin ah, parang hindi ka tumakbo"ang pagbibiro nya dito ng makalapit ito kaya naman napahalakhak ito. Anong atin bakit humabol ka pa"?ang tanong n'ya dto pero ilang sandali lang ay naalala nyang aayain nga pala nya ito para makabonding. Wala" Gusto lang kita makausap bago ka aalis,paano ba yan sa email ko nalang isesend kapag may mga report ako sayo"ang sagot at tanong naman nito. yup"ang sagot nya habang kinakalikot ang kanyang motor, halika na early dinner pala tayo sa bahay,nasabihan ko naman na si Inang na aalis din ako mamaya.Nakalimutan kong sabihan ka mabuti nalang pala at humabol ka. Wala ka namang gagawin na sa opisina mo diba"? Wala na, commute nalang tayo sakay din ako sa motor ko"ang sabi nito na nakangiti. Talaga!!?". Masaya n'yang tanong,maganda yan mas mabilis tayo makarating"ang pagsang ayon niya agad. Ngumiti si Alex,karera tayo "hamon nito. Sige ba,ngunit sa isang kundisyo" ang hamon naman niya rito. At ano naman yun,? ang nananantya nitong tanong. Napaismid siya,siguradohin mo muna na tutuparin mo ang magiging deal natin, baka kasi dimo gawin kapag natalo ka. Kilala mo ako dude,ang sagot nito habang sinusuot ang gloves nito sa kamay,tumutupad ako oras na mangako ako. Okey,Good"ngumiti siya. Pero,pagkatapos na lang ng game match saka natin pag usapan yan.Ang sabi nalang nya,hindi nila napansin ang mga tauhan nila sa hotel na kanina pa nakasilip sa kanila sa may entrance.Lumingon ang kaibigan nya sa mga ito dahil napansin nito nang mag angat ng tingin at Magawi sa kinaruruonan ng mga ito. Nag unahan ang mga ito sa pagpasok para bumalik sa kanikanilang trabaho,napailing nalang ang binata dahil sa behaviours ng mga tauhan ng kaibigan. Let's go"ang pag aya ng binata sa kaibigan na sinang ayunan naman nito,iniwan siya nito saglit at naglakad para puntahan ang kinapaparadahan naman ng motor nito. Pina andar nila ang kani kanilang motor, saka nya ito sininyasan at isinuot ang kanyang helmet,sabay na nilang nilisan ang paradahan ng hotel.Patungo sila ngayon sa Narvacan ang lugar ng mga Grandparents n'ya Dahil hapon na at Linggo naman kaya kukunti lang ang bumibyahe,mabilis man ang takbo nila ay nandoon parin ang pag iingat. fourty five minutes ang itinagal ng kanilang byahe,nag papabilisan sila ng takbo sa highway,nagminor lang sila nung malapit na sila at papasok sa baranggay na kinaruruonan ng kanyang ina,dahil pinapaikis nya ang kanyang motor ay natalo nya ang kaibigan.Takot maaksidente ang isang ito,kaya lagi nakaminor kapag hinaharang nya. Natawa siya dahil kakamot kamot ito, paano ba yan may usapan tayo"?ang sabi nya.Huminto kasi sila saglit pagdating nila sa may b****a kung saan ang finish spot. Mamaya na"angal nito,saan ba bahay ng Amang mo? Duon sa may likuan malapit nalang"ang sagot nya sabay turo dto kung saang banda,tara' at ng makapagpahinga muna tayo saka kumain ang pagyaya sa kaibigan. Pinatakbo na nila ulit ang kanilang motor,ngayon dahan dahan na sila sa pagpapatakbo. Huminto sila sa harap ng medyo may kalakihan na bahay ,medyo mataas ito kapag titingnan sa labas.Parang walang second floor at mataas lang siya, pero sa may bandang likod na hindi kita sa may kalye ay may bintana din pala duon. Iba talaga kapag may datong ang may ari ng bahay,nakapameywang pa na komento nito.Nang tingnan nya ito ay nawirduhan pa siya sa itsura nito.Kala mo naman hindi ito ipinanganak na may maperang magulang. Ayos ka lang" ang nakataas kilay niyang tanong dito. Pagkatapos ay ibinaling ang tingin sa bahay ng kanyang ina. Na renovate lang yan,ginaya sa design ni Mama"ang paliwanag nya. Hindi nya nakita ang paglingon ng kaibigan nya,may halong pagtataka at bigla ring nanlaki ang mata nito nang may maalala. Dude you mean" ang sabi nito na nakaturo pa sa kanya,at ang ekspresyon ng mukha nito ay may halong excitement. Ito ba ang dahilan kaya mo ako niyaya rito"? Humalukipkip siya,dahil natigil lang sila sa gilid ng kalye sa may tapat din mismo ng bahay nila, kaya naka angkas parin sila sa kanya kanyang motor.Tumingala siya saka ito binalingan,dahil naghihintay parin ito ng kanyang isasagot. Yeah"she's back since friday night.Maikli lang ang sagot nya pero malinaw na nasagot ang gustong malaman ng kanyang kaibigan. Wow" kung ganon ay pasok na tayo atat na akong makikilala ang female version mo,ang litanya nito at umibis na sa motor nito. Huwag kana bumaba ipasok natin ang mga ito mamaya,pipingasan pa ang salamin n'yan,ikaw din hindi ka makakapagpatakbo ng matiwasay kapag ganon. Dilikado kapag sa highway na hindi dalawa ang rareview mirror ng motor mo"pananakot nya dito malay mo kumagat hehe. Ngumisi ito na parang naluluko na, ako pa" kahit walang rare view mirror ang motor ko mapapatakbo ko,pagyayabang nito. Asus maniwala naman ako,kanina nga takot ka sumingit eh,pang aalaska nya rito. Naks, iba yun ikaw ba gusto mo rin ba maipit kung sakali sa ganong sitwasyon hindi diba"? ang palusot nito kaya natawa nalang siya. Oh siya sandali pabubuksan lang natin ang gate,bumusina siya at naghintay sila ng ilang sandali. Nang bumukas ang gate nila inuluwa ito ng kanyang ina,nakangiti ito at kitang kita na maaliwalas na ang mukha nito.Nakilala kasi nito ang kanyang motor na laging gamit n'ya kapag uuwi sya duon kahit saglit lang din simula nuong nagkakilala na sila ay natatandaan na nito agad ang motor n'ya.Sa pagdaan ng araw ay nakita nya na parang nag glow ang kutis nito.May ningning na rin ang mga mata nito kapag tumitingin lalo na kung ang binata ang kaharap at kausap nito. Ipinasok nila sa may katamtamang laki at lawak na garahe nila ang kanilang motor.Sumunod ang ina nya sa kanila pagkatapos isara nito ang gate,narinig namin ang paghinto ng motor kanina diyan sa harap pero walang bumubusina kaya hinayaan namin akala namin ibang tao"ang paliwanag nito. Nagkwentohan lang kami saglit sa labas", sagot nya naman.Bakit pala ikaw ang nagbukas nasaan si nanay Ising? ang tanong nya dito na ang tinutukoy at ang kawaksi nila,hindi siya dito nakatingin abala siya sa pagtanggal sa mga nakakabit sa katawan.Lumapit ang ina at ito na ang nagtanggal sa kanyang helmet,nabigla man siya pero hinayaan din n'ya ito pagkaraan. Inayos nito ang nagulo n'yang buhok nuong iangat nito ang suot nya sa ulo,napatingala siya dito kaya kita nya itong nakatunghay sa kanya.Ngumiti ito at saka nagsalita,ayan"ayos na ulit bumalik sa dating ayos, ang sabi nito.Ibininalik nito sa kanya ang helmet nya at saka lumingon sa kanyang kaibigan na matiim na nakatingin sa kanila. Sino itong gwapong binata na kasama mo anak" ang tanong nito. He's my best friend Alex,sagot nya at tiningnan ang kaibigan.Ngumiti ito sa kanyang ina,saka bumaling ulit sa kanya. Hello aunty I'm Alex Dixon" ang nakangiti nitong pagpapakilala sa sarili nito.Naglahad ito ng kamay at tinanggap naman ng babae ang pakikipagkamay ng binatang kaibigan ng anak. Aunty nagkita na ba tayo,you look familiar kasi"ang tanong nito. Diko matandaan iho" ang alam ko hindi, sagot ng ina nya.Halina na kayo pasok na tayo ang pagyaya nito, Tumalikod agad ito sa kanila at naunang naglakad papasok ng bahay hindi na ito lumingon pa sa kanila. Nalilito man pero nanahimik siya,bakit ganon ang reaksyon nito anong nangyari dto sa pagkawala nito ng matagal na panahon.Nagkatinginan nalang sila ng kaibigan at nagkibit balikat siya nuong ituro nito ang likod ng ina na nilamon na ng pintuan. She look so familiar to me dude kaya ko siya natanong"ang paliwanag nito. Nevermind about that matter,we will find it later,hindi nga lang siguro ngayon"ang sagot nya dto. Let's go inside" ang sabi,at umibis na rin sa motor nya, sumunod na silang naglakad papasok ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD