Ang mabait Kong pinsan.

1232 Words
Kahit excited sa nalalapit na pagkikita nila ng binata, hindi nagpahalata ang dalaga,lalo na sa mga magulang niya. Pinilit nya magreview at magpukos dto,nangingibabaw kasi ang kasiyahan sa kanyang puso.Akalain mo bang makikipagkita ito,alam nya na masyado pang maaga sa usapan nila pero sabi naman nito hindi ito magtatagal. Ah' basta bahala na,kung may makakita man sa kanila at gawan ng kwento,wala siyang pakialam ang importante wala siyang ginagawang masama. Masaya naman si Margie sa kinahinatnan ng pag uusap nilang dalawa ng kanyang anak.Hindi man nya ito napalaki, pero nagpapasalamat siya at hindi ito rebellious nang magbinata.Gusto nya bumawi sa mga magulang at anak,ngayong malaya na siya sa kamay ng taong akala nya magpapalasap sa kanya ng kaginhawaan sa buhay. Nagkamali siya kasi hindi pala, dahil ito ang magdadala sa kanya sa empyerno. Gagawin nya ang lahat ng kanyang makakaya para maipadama sa pamilya nya na nagsisisi na siya. Lumipas ang oras sa araw ng Friday,kumalat narin sa kanilang purok ang pagbabalik ng babae sa kanilang tahanan.Marami ang natuwa dahil hindi na nila makikita ang lungkot sa mata ng mag asawa,at may makakasama na ang mga ito kapag wala ang apo ng mga ito. Alam ng mga kapurok nila kung gaano katahimik ang bahay ng mag asawa.Hindi kasi laging umuuwi ang nag iisang apo ng mga ito.Maliban sa kawaksi na lagi nilang nakikita,laging wala ang mga ito kapag araw. Mas tumatagal kasi ang dalawa sa pwesto ng mga itong kainan sa palengke. Maargie"! Margie'! ang tawag sa kanilang gate,hapon na yun'. Nag aayos siya nang kanyang kwarto, ang silid nya kasi dati ay ang anak na nya pala ang gumagamit.Yung guest room na isa naman sa baba ay yun daw ang ginagawang tulogan ng mag asawa kapag bumibisita sa mga magulang nya. Maaaargie'! Maaaargie'!, Naulit ang pagtawag kaya hindi na nya binaliwala pa ito. Tumayo siya at lumabas,kasalukuyan kasi nyang inaayos ang mga gamit nya, inilatag nya lang sa sahig kaya nakasalampak siya.Nang marinig ang pagtawag sa kanyang pangalan ay saka lang siya tumayo ng ulitin ng sinumang taong nasa labas ang pagtawag sa pangalan nya. Lumabas siya at binuksan ang gate,nagulat siya nang makilala ang kanyang pinsan. Long time no see insan,"nakangiti ito sa kanya. Seleen"?nabigkas nya ang pangalan nito. Unti unting napangiti ang dalaga, well"nice to see you again insan. Pacensya ta awan pasalubong ko hehe',("pacensya wala akong pasalubong") nahiya siya dahil wala siyang maibigay dto. Anya ka kadi insan,haan nga importante dyta ti nasayaat nasalun at ka nga sinmangbay dtoy lugar tayo. (ano ka ba insan,hindi na yan importante,ang mahalaga ay nasa mabuti kang kalagayan na dumating sa ating lugar)".Grabeh"alam mo bang sa ingay nuong nakaraang gabi dto,ay hindi pa man sumisikat ang araw kumalat na ang balita sa pag uwi mo?"ang manghang balita nito. Halika pasok muna tayo,may niluto akong meryenda baka gusto mo tikman.Inilihis nya ang tupiko at binaliwala nya ang kwento nito. Nakangiti nya itong inaya papasok sa may sala,pina upo nya ang pinsan at ngumiti rito.Saglit lang at ikukuha kita ng meryenda mo baka maya maya nandiyan na rin sina mamang"ang sabi nya. Iniwan nya ito at nagpunta sa kusina, kumuha siya ng meryenda na ginawa nya para sa pinsan nya.Nang bumalik siya ay nakita nya itong pinagsasawa ang tingin nito sa mga nakasabit sa ding ding na mga paintings,kita mo na mamahalin ang mga yun.Kaya hindi na siya nagtaka sa reaction nito.Manghang mangha ito,sa nakikita,iniikot ang tingin nito .Inilapag nya ang sweet sa mini table saka naupo sa kabilang side paharap dito. Gumanda ang loob ng bahay nyo insan, dko alam ganito ang kinalabasan ng mga materyales na dinadala dati dto.Hindi na kasi ako pumapasok dto simula nuong palaging pumupunta ang mag asawa,ang umampon kay Nathan"pagbubukas nito ng kanilang usapan. Nalungkot man siya sa nalaman na inampon ang anak nya at naconfirmed nga nya sa anak kaninang umaga,pero wala na siyang magagawa.Kahit umangal siya ay wala siyang laban lalo na sa tatay ng kanyang anak. Oo nga eh"ako rin marami akong nakita na pinagbago ng bahay. Palaging tahimik dito,saka lang kami makarinig ng kunting ingay kapag nandito ang mag asawa pero kunti lang din parang walang nakatira lagi. Ganon ba,?"dko alam na marami ang nangyari sa aking pag alis at malaking issue pa pala ang pagbabalik ko. Sabagay maingay nga rito nung dumating ako,nashock nga ang anak ko eh"mahina nyang turan. Hayaan mo na ang mahalaga,nandito ka para naman hindi na malungkot sina Tiya.Nuong nakaraang araw na dumating si Nathan,duon lang din siya nakapunta sa bahay.Maliban nuong maliit siya,ako kasi laging nagbabantay kapag pumapasok si tiya sa trabaho nya. Ang tiyo naman ay hindi pwede,dahil palaging wala. Nang matanggal kasi siya sa pinagtatrabahoan n'ya ay parang nawalan na rin s'ya ng gana na mabuhay,nung umalis ka ay duon naman dumating ang sunod sunod na malas sa kanila. Salamat sa inyo insan,dahil sa mga tulong nyo,nakaraos ang mga magulang ko. Kung tutuosin kunti lang ang nagawa ko insan,kasi apat na taon palang ang binata mo nang dumating si Gen.Villanueva. Gen.Villanueva ba kamo'?ang tanong nya rito para masigurado na tama ang kanyang narinig' ibig sabihin siya nga talaga.Hindi na isinatinig ang katagang yun sa pinsan. Nabalitaan nya kasing mga tauhan daw ng Gen.Villanueva ang mga humuli sa mga illegal na gawain ng mga sindikato at nasama pati mga pinuno ng mga ito. Duon na rin naman na nawala ang lalaking yun.Mabuti nga sa kanila,sana hindi na siya makalaya pa"ang pipi nyang hiling. Wen insan'(oo pinsan)"ang sagot nito. Walang kaalam alam ang pinsan sa kanyang nararamdaman. Salamat sa kanila,dahil sa ginawa nila hindi napariwara ang anak ko,yun nalang ang nasabi nya rito. Mabuti nga at hindi siya lumaking pabaya,mabait daw ang mommy nya yun ang kwento ni tiya,nakakahiya kasing pumarito lalo na kapag nandito sila.ang mahabang kwento pa. Oo nga kahit papano panatag ang loob ko,dahil kahit malaki ang pagkukulang ko sa kanya ay hindi lumaking katulad ko na rebellious sa magulang,mapait siyang ngumiti. Nako'nakaraan na yun,kaya hayaan na natin ang gawin mo nalang ay bumawi.Ang panlulubag nito sa kanyang loob, Tama ka insan at salamat dahil kahit matagal akong nawala,walang nagbago sa pakikitungo mo.Tinignan nya ito,kaya nakita nya ang pagngiti nito. Namiss kita insan kahit nagkaidad na tayo at nagkalayo ng matagal, hindi naman mababago ang samahan natin. Para kasi sa akin mag isa ka lang.Hindi ka naman naging masamang tao para iwasan ko namali ka lang ng landas na tinahak. Salamat insan"gumaan ang loob nya,sapagkat may isang tao pa siyang pweding takbuhan. Hay" payakap nga diyan,grabeh ha sumeksi ka nasubrahan nga lang" ang biro nito. Natawa siya sa biro nito oo nga sana tumaba ako kahit kunti lang,ang pagsakay naman nya sa biro nito.Niyakap sita ng kanyang pinsan at dahil sa bugso ng damdamin ay napaiyak siya nadala tuloy ang pinsan at naiyak rin dahil sa kanya,nag iyakan tuloy silang dalawa. Napahigpit ang yakap nya rito,sa puso nya namiss nya rin ito subra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD