Chapter 14 Julie Ann Una kong binawi ang mga tingin ko kay Mark. Kunwari ay parang wala lang at hindi ko siya kilala. Subalit patuloy pa rin sa pagsasalita ang kanyang girlfriend. "Babe, kailan ka ba magpo-propose sa akin? Gusto ko makasal na tayo sa lalong madaling panahon," tanong sa kanya ni Kristine. "Pwede, huwag natin pag-usapan dito?" sabi ni Mark sa Girlfriend niya. Gusto ko sana matawa subalit hindi ko na lang iyon pinansin. Mukhang may pagka-childish ang nobya niya. Tahimik na silang dalawa sa kabilang lamesa. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nag-scroll ako. Ilang sandali pa nakatanggap ako ng text message. At hindi ko inaasahan na si Mark ang nag-text sa akin. Binasa ko ang message niya. "Sino ang kasama mo?" Napataas ako ng kilay ng mabasa ko ang message niya.

