CHAPTER 13 Julie Ann Nakatulog ng maghapon sa sobrang stress na nangyari kaninang umaga. Nagising na lang ako nang tumunog ang cellphone ko. Dinampot ko ang cellphobe ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nakita ko si Ma'am Lida. "Hello, Ma'am? Napatawag po kayo?'' taong ko sa kaniya. "Kumusta ka, iha? Pasensya na sa istorbo, ha? May sasabihin sana ako sa'yo. Available ka ba? Nandito kasi ako kay Mrs. Damerkan. Gusto ko sana magkita tayo kung wala kang ginagawa,'' tanong nito sa akin sa kabilang linya. "Sige po, Ma'am. Saan po ba tayo makikita?" tanong ko sa kanya. Bumangon ako mula sa pagkahiga at tiningnan ang oras. Alas-kwatro pa lang ng hapon. "Saan ka ba malapit? Gusto mo sa mall na lang tayo magkita? Pupuntahan na lang kita sa bakery shop mo?" Tanong niya sa akin. "S

