Chapter 11 Julie Ann Nagpaalam ako kina Ma'am Lida at Lola Gracia na umuwi na. Ayaw pa nga sana nila akong payagan subalit hindi ako pwede magtagal dahil marami pa akong asikasuhin. "Ben, ihatid mo na lang si Anne, wala ka naman yatang gagawin. Palibhasa kasi kung saan ang pinsan mo," wika ni Ma'am Lida kay Ben. "Sure, Mom!" Agad na sang-ayon ni Ben kay Ma'am Lida. A "Nako, huwag na po, Ma'am. Nakakahiya naman po kay Ben. Mag-book na lang po ako ng grab. Minsan na nga lang po umuwi rito sa inyo si Ben, kaya ayaw ko po na makihati sa oras ninyo sa kanya lalo na at kaarawan ngayon ni Lola Gracia," tanggi ko sa anak ni Ma'am Lida na ihatid ako ni Ben. "Ayos lang sa akin Anne, na ihatid kita. Dito naman ako mag-stay kina Lola at Mommy Lida. Hali ka na ihahatid na kita upang makapunta

