Chapter 10 Julie Ann Nakahanda na ang lahat at dumating naman ang mga bisita ni Lola Gracia. Sa labas ng bahay nila cinelebrate ang kanyang kaarawan. Ika-75-years-old niya na. Kinantahan na siya namin ng happy birthday. Mga kamag-anak at malalapit na lang na kaibigan ang dumating. Kahit si Mrs. Damerkan nga hindi nakapunta dahil nasa ibang bansa yata sila. Ipinakilala na rin ako ni Ma'am Lida, sa iba niyang kamag-anak. Dito ako sa gilid ng kanilang swimming pool nakaupo ako mag-isa habang may hawak na kupita. Nakatingin lang ako sa mga bisita. Inabangan ko pa naman ang pagdating ng anak ni Ma'am Lida na si Benjamin. Subalit mukhang malabo raw ito dumating dahil marami para itong ginagawa sa opisina. Hindi rin ako pwedeng magpagabi rito dahil bukas maaga pa ako magbubukas at magpe-

