Chapter 9
JULIE ANN
Ilang araw na naman kami hindi nagkita ni Mark. Talagang tinapos ko na ang lahat sa amin. Masakit man subalit kailangan kong tanggapin na hindi kami para sa isa't isa. Hindi na rin siya pumupunta sa bakery shop ko. Kahit minsan nakikita ko siya sa kanyang talyer. Kahapon nagkasalubong kami sa daan dahil bumili ako ng ulam subalit parang hindi lang namin kilala ang isa't isa.
Iniisip ko na masasanay din ako na mawawala siya sa buhay ko. Gusto kong ibalik ang dating ako noong hindi ko pa nakilala si Mark. Maaga akong nagising upang mag-ayos ng aking sarili. Ito kasi ang araw na pupunta ako kina, Ma'am Lida. Kaarawan ng kanyang ina ngayon kaya kailangan kong maaga makarating doon upang maagang maghanda at mag-bake ng tinapay.
Pagkatapos kong maligo at ayusin ang aking sarili ay nag-book na ako ng grab. Sa Makati ang bahay ni Ma'am Lida.
Nag-aabang ako ng grab sa labas ng bakery shop. Subalit tinitingnan ko ang talyer ni Mark. Sarado pa ito subalit kapag ganitong oras na ay bukas na dapat sila. O baka naman hindi sila magbubukas.
Ilang sandali dumating ang grab. Agad na akong sumakay at magpahatid sa bahay nila Ma'am Lida.
Pagdating ko roon ay agad na akong sinalubong sa gate ni Ma'am Lida. Hindi maiwasan na hindi ako mamangha sa bahay nila dahil napakalaki at ang lawak din ng bakuran. Maganda ang pagka landscape sa labas ng kanilang bahay.
"Good morning, Iha. Excited na si Mommy na makita ka. Nakaligo na nga siya para malinis siya kapag nagbi-bake kayo ng tinapay," sabi nito sa akin.
Siya na nga ang nagbayad ng pamasahe ko sa grab. Napakabait sa akin ni Ma'am Lida.
"Excited na nga po ako makatrabaho siya, kaya inagahan ko ang pagpunta rito," nakangiti kong sabi kay Ma'am Lida.
Pumasok na kami sa bahay nila. Napakaganda ng disenyo ng kanilang bahay. Mas maganda pa sa bahay nila Mrs. Damerkan. Hindi maipagkakaila na mayaman talaga sila.
Sila 'yong klaseng tao na napaka-humble. Hindi sila matapobre at parang napakabait niya talaga.
"Hali ka, iha. Itu-tour muna kita sa bahay," nakangiting sabi sa akin ni Ma'am Lida.
Sumunod ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko isa larawan ang kanilang bahay. Napakaaliwalas at nagmamahaling mga furniture. Ang hagdan nila ay puro glass ang hawakan. Napakailigante rin ng chandelier na nakahang sa ceiling.
May limang baitang lang upang makaakyat ka na sa itaas ng bahay nila. Hindi katulad ng ibang bahay na ilang baitang bago pa makarating doon.
"Ito ang kitchen namin, tapos dito naman ang dirty kitchen. Pero dito si Mommy nagbi-bake sa kitchen ng cake at tinapay dahil narito ang oven,'" sabi ni Mrs. Lida sa akin.
Itinuro niya pa ang katabi ng kitchen. My separate paglulutuan ng mga tinapay.
"Wow, napakaganda naman po ng pagka-disenyo ng kusina ninyo. Separate ang para sa pag-bake ng mga tinapay," nakangiti kong sabi kay Ma'am Lida.
"Oo? iha. Sinadya ko talaga na magkaroon si mommy ng space dito sa kusina para anytime na gusto niya mag-bake noon ay walang nakakaistorbo sa kanya. Mahilig talaga si mommy mag-bake. Kaso nga lang si Benjamine, lang ang madalas niyang pinagbi-bake ng tinapay. Kaso ng lumaki na yung anak namin bihira na lang dito umuuwi. May sarili na rin kasi siyang bahay," sabi pa sa akin ni Ma'am Lida.
Tumango-tango lang ako sa kanya. Ilan sandali pa isang matanda ang bumungad sa pintuan patungo dito sa kusina.
"Nasaan na ba yong sinasabi mo na tutulong sa akin, Lida?" tanong niya kay Ma'am Lida. Hindi niya kasi ako napansin dito sa kinatutuyuan ko dahil may nakaharang na poste ng bahay.
"Ito na po si Anne, Mommy," sagot ni Ma'am Lida sa kaniyang ina. Tumabi ako kay mambida upang makita ako ng mommy niya.
"Anne, siya ang mommy ko, Mommy siya si Anne, ang tutulong sayo," pakilala ni Ma'am Lida, sa akin sa Mommy niya.
"Magandang umaga po," nakangiti kong bati sa kanya.
"Magandang umaga rin, iha. Totoo nga ang sinabi sa akin ni Lida, na napakaganda mo. Excited na akong ipakilala ka sa apo ko. Wala ka pa bang boyfriend? Tawagin mo na lang akong Lola Gracia," nakangiti nitong sabi sa akin.
"Ito po ang regalo ko sa inyo, Lola Gracia. Happy birthday po. Pasensya na po kayo sa regalo ko. Sana magustuhan niyo po," sabi ko sabay abot sa kanya na paper bag na nilagyan ko ng regalo na binili ko para sa kanya.
"Nako, salamat, iha. Nag-abala ka pa. Kahit ano man itong regalo mo ako magugustuhan ko dahil galing sa'yo." Napangiti ako sa sinabi ng matanda.
"Magsisimula na ba kayong mag-bake, Mom?" tanong ni Ma'am Lida sa amin ni Lola Gracia.
"Ano oras ba si Benjamine darating?'' tanong ni Lola Gracia kay Ma'am Lida.
"Hindi ko nga matawagan ang cellphone niya, Mom. Kagabi ko pa hindi matawagan ang cellphone niya. Ewan, ko ba sa batang iyon kung anong ginagawa?" Maktol na sabi ni Ma'am Lida kay Lola Gracia.
Napabuntong hininga ng malalim ang matanda. Biglang nagbago ang aura ng kanyang mukha. Naging malungkot ito.
"Sinabi mo ba sa kanya nakaarawan ko? Palagi na lang niya kinakalimutan ang kaarawan ko. Pero hindi bale dahil magbi-bake pa rin ako ng tinapay. Sige, na at magsisimula na kami ni Anne," sabi ni lola Gracia kay Ma'am Lida.
Tumingin sa akin si Lola Gracia at ngumiti na lang. "Hali ka, iha samahan mo na ako. Dumating man o hindi ang apo ko magbi-bake ako ng tinapay at cake para sa kaarawan ko," aya na sa akin ni Lola Gracia.
Tinapik ni Ma'am Lida, ang aking balikat. "Ikaw na ang bahala kay Mommy. Mag-aasikaso pa ako. May mga darating din kasing bisita, pero mga kamag-anak lang namin."
Tumango-tango ako sa sinabi ni Ma'am Lida. Tumalikod na siya at nagsimula na kami ni Lola Gracia mag-bake.
"Paano ka natuto mag-bake, iha?" tanong ni Lola Gracia sa akin habang nagmamasa ako ng flour.
"Mayroon po kasi kaming paninderya dati sa Aklan. Ang Lola ko rin po mismo ang gumagawa. Tinuruan niya ako kung paano gumawa ng tinapay. Subalit noong namatay si Lola, nagsara na rin 'yong bakeshop namin dahil wala ng nag-aasikaso," sabi ko kay Lola Gracia.
"Wala ka na pa lang Lola? Sorry, ha? Alam mo gusto ko bago ako mawala dito sa mundo makita ko yung apo ko na makapag-asawa na at magkaroon ng mga anak. Sipality hindi ko alam kung anong pang hinihintay ni Benjamine. My girlfriend nga siya, pero hindi naman namin gusto. Gusto niyang dalhin dito ang girlfriend niya pero sinabi namin huwag na lang ipakita rito. Alam mo mas bagay kayo ni Benjamine, kaya nga gusto kong makilala ka niya baka sakaling magbago pa ang isip niya," sabi ni Lola Gracia sa akin.
Medyo nagtaka ako sa sinabi niya at nalungkot. May ibang gusto na rin pala ang apo niya. Ayaw ko na rin masulit pa ang nangyari sa akin na inakala ko ako lang talaga sa puso ni Mark. Akala ko lalo niya akong mahalin noon ibinigay ko ang sarili ko sa kanya at siya pa nakauna sa akin. Sumalit sa huli-huli nalaman ko na may papakasalan na rin pala siya.
Ngumiti ako kay Lola Gracia. "Bakit ayaw niyo po sa girlfriend ni Benjamine? Hindi po ba dapat matanggap ninyo siya dahil siya ang nagustuhan ng apo ninyo?" tanong ko kay Lola.
Bumuntong hininga siya ng malalim. "Kung alam mo lang, iha. Masyado kasing mag-drama ang babae, kaya ayaw namin sa kaniya. Parang may krong-krong sa utak. Itong apo ko naman sunod-sunuran. Paano kasi kababata niya 'yong girlfriend niya. Kilala na namin ang pamilya ng girlfriend niya. Wala naman sanang kaso, kaya lang may ugali ang girlfriend niya na ayaw namin," sumbong ni Lola Gracia sa akin.
Hindi ko akalain na iku-kwento niya sa akin ang girlfriend ng kaniyang apo. "Subalit iyon ang gusto ng apo ninyo Lola. Wala naman tayong magagawa dahil mahal niya 'yong girlfriend niya," sabi ko kay Lola.
"Sana nga umuwi siya rito mamaya, upang sa gano'n makilala ka niya. Saan pala ang mga magulang mo, iha? Magkasama ba kayo ng mga magulang mo?"
Tipid akong ngumiti sa tanong na iyon ni Lola sa akin. "Wala na rin po akong mga magulang. Pareho ng patay ang nanay at tatay ko. Ang Lola ko na lang ano palaki sa akin.''
"Nako, sorry, iha hindi ko alam. Pasensya ka na kung mausisa ako. Gusto pa kasi kitang makilala," sabi niya sa akin.
Malawak akong ngumiti sa kaniya. "Walang anuman, Lola. Ako rin po gusto ko rin po kayong makilala. Magaan po ang loob ko sa inyo, marahil naalala ko sa'yo ang Lola ko."
"Kung gano'n dalasan mo ang pumunta rito. Welcome ka rito sa bahay. Gustong-gusto ko pa naman 'yong may makakausap ako. Minsan kasi wala dito ang anak ko. Ang asawa naman niya naroon sa ibang bansa. May negosyo kasi sila roon. Minsan pumupunta kami roon ng anak ko sa Australia. Pero minsan kapag umaalis ang anak ko naiiwan ako rito mag-isa. Gusto ko 'yong laging may makakausap ako. Dalawang kasambahay na nga ang pinaalis ko dahil walang ginawa kundi mahiga, ang tatamad at magnanakaw pa. Kaya wala kaming kasambahay ngayon. Hirap talaga magtiwala sa panahon ngayon," sabi sa akin ni Lola.
"Hayaan niyo po, Lola. Kapag wala po akong ginagawa madalas ko kayong dadalawin rito para may makausap kayo. May maliit po kasi akong bakery shop. Mga pandesal lang ang binebenta ko at mga ilang tinapay. Sa umaga lang ako minsan nagbubukas at sa hapon minsan nagko-close na ako. Sa umaga ng kasi ang maraming binta ng pandesal. Mag-isa lang din kasi ako nagbi-bake. Ang tauhan ko umuwi sa kanila dahil may sakit ang nanay niya, kaya mag-isa na lang ako," wika ko sa kanya.
"Gano'n ba? Sarili mo bang bakery iyon? Ang ibig kong sabihin ang pwesto?" tanong nito sa akin.
"Nangungupahan lang po ako. Dati po pumapasok ako sa grocery ng kaibigan ni Ma'am Lida. Kaso gusto ko po talaga magkaroon ako ng sarili bakeshop. Gusto ko kasi buhayin ang bakeshop ng Lola ko. Kaya nagpaalam po ako doon sa kaibigan ni Ma'am Lida, pinayagan naman niya akong umalis upang makapagsimula ako. Gusto ko na rin kasi magkaroon ng sarili kong pamilya, kaso parang hindi pa dumarating ang itinadhana para sa akin," nakangiti kong sabi kay Lola Gracia.
"Eh, bakit hindi ka na lang kaya lumipat dito? Kung gusto mo magpatayo tayo ng bakery shop diyan sa harap ng gate. Minsan kasi 'yong mga kasambahay at mga driver ng subdivision na ito sa labas pa bumibili ng pandesal. Gusto mo dito ka na lang?"
Napakagat labi ako at napangiti sa alok na iyon sa akin ni Lola Gracia. Ang bilis naman niyang magtiwala sa akin. Subalit napakabait kasi nila, saka siguro naramdaman din nila na mabait din ako kaya agad nila akong pinagkakatiwalaan.
"Nakakahiya naman po Lola sa inyo ni Ma'am Lida. Kakilala niyo lang po kasi sa akin," nahihiya kong sabi sa kanya.
"Bakit ka naman mahihiya? Para hindi ka namang pahan dito ka na lang. Samahan mo na lang ako dito. Tapos magkasundo pa tayo dahil pareho tayo ng gusto. Kaysa magrenta ka magpatayo na lang tayo ng bakery diyan sa harap ng gate. Sigurado ako na mas mabenta pa ang mga tinapay na ibibinta natin. Hayaan mo kakausapin ko si Lida. Hindi mo na kailangan mag-rinta at babayaran pa kita sa pagsama mo sa akin rito. Tapos ang kita ng bakery shop sa'yo na. Ang mahalaga kasi sa akin may libangan lang ako at may makakausap," anak sa akin ni Lola Gracia.
Hindi ko sukat akalain na ganoon kabilis niya akong mag-aala ng loob. Kahit ako ay magaan din ang loob sa kanila dahil sobrang bait nila.
"Sige, po pag-iisipan ko Lola. Pero hindi po ako makakapangako," nakangiti kong tugon sa kaniya.
"Pumayag ka na kasi huwag naman dalawa ang isip mo. Sabi mo mag-isa ka lang sa bakery shop mo. Pareho lang naman tayo, kaya dito ka na," pangungumbinsenya pa sa akin.
Ngumiti na lang ako sa kanya at ipinagpatuloy na lang namin ang aming ginagawa. Malas man ako kay mark subalit napakaswerte ko naman sa pamilyang ito. Bukod sa mayaman sila ay napaka-humble pa.