Episode 8

1623 Words
Chapter 8 Julie Ann Kinagabihan habang nagpi-prepare ako ng mga gagamitin ko bukas para sa pag-bake nang may nag-door bell sa pintuan. Wala naman akong inaasahan na bisita. Hininto ko muna ang ginagawa ko at binuksan ang pintuan. Gano'n na lang ang gulat ko nang mabungaran ko si Mark sa labas. May dala itong tatlong rosas. Napangiti ako sa reaksyon ng mukha niya. "Anong mayroon at nandito ka?'' tanong ko sa kaniya. "Bulaklak para sa'yo. May dumaan kasi kanina na mga bata nagbibinta ng mga bulaklak, kaya binili ko itong tatlong natira para ibigay sa'yo,'' sabi niya sabay abot niya sa akin ng bulaklak. Kinuha ko naman sa kamay niya ang tatlong pirasong rosas at inamoy pa ito. "Salamat sa bulaklak. May kailangan ka pa ba?'' tanong ko sa kaniya. Tumaas ang dalawa niyang kilay sa tanong ko sa kaniya. "Kumain ka na ba?'' tipid niyang tanong sa akin. "Oo, nagluto ako ng noodles. Saka marami akong ginagawa. Pini-prepare ko na ang mga gagamitin ko para sa pag-bake bukas ng mga tinapay,'' sabi ko sa kaniya. Bumuntong hininga siya ng malalim. "Hindi ba sabi ko sa'yo kanina mag-dinner tayo sa labas? Bakit noodles lang ang kinain mo?'' tanong niya sa akin. "Pasensya na. Nakalimutan ko ang sinabi mo. Mag-dinner na lang tayo sa sunod. Bakit hindi ang girlfriend mo ang yayain mo mag-dinner?'' Wala sa sarili kong tanong sa kaniya. Hindi ko alam kung bigla na lang nagbago ang mood ko. Siguro dahil gusto ipakilala sa akin ni Ma'am Lida ang anak niyang si Benjamine sa akin. Paggising ko kanina naisipan ko na lang na wakasan na lang ang lahat sa amin ni Mark. At maghanap na lang ako ng isang lalaki na magmamahal sa akin ng tapat. Tumatanda na ako at gusto ko na mag-asawa. Gusto ko may kasama sa buhay at gusto ko magkaanak kahit isa lang. Ayaw ko tumanda mag-isa. Nakakunot ang noo ni Mark, habang nakatitig sa akin. "Ipinagtutulakan mo na yata ako kay Kristine. Kagabi lang sinabi mo na walang problema kung pangalawa ka lang. Samantalang ngayon mas gusto mo na kasama ko siya kaysa sa'yo?'' Napakagat labi ako sa tanong niyang iyon. "Pumasok ka. Mag-usap tayo,'' seryoso kong sabi sa kaniya. Mabigat ang mga paa niya na na pumasok sa loob ng aking bakery shop. "Kung gusto mo ipagluto kita ng makain mo,'' alok ko sa kaniya. "Hindi bale na. Ikaw na lang ang kakainin ko," pilyo nitong sabi sa akin. Lumapit siya at niyakap ako. "Gusto ko dito ako matulog sa bakery mo." Nakunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon. "Pero maliit lang ang silid ko at maliit lang din ang kama ko," sabi ko sa kanya. "So, what? Ang mahalagang magkatabi tayo," sabi niya sa akin at hinagkan niya ako sa aking labi. Bago pa ako matangay sa mga halik niya ay bahagya ko siyang tinulak. "Mark, sandali. Marami pa akong gagawin. Alam mo naman na hindi ako nakapagtinda kanina," sabi ko sa kaniya. "E 'di, tulungan kita. Gusto ko nasa tabi kita. Sa susunod na araw doon na naman ako sa kabila kong shop," sabi nito sa akin habang nakayakap pa rin siya sa akin. May bahid na lungkot ako naramdaman ng sinabi niya na sa susunod na araw ay doon naman siya sa kanyang kabilang shop. "Baka naman kay Kristine ka sa susunod na araw. Ano bang ang nagustuhan mo sa kanya? Bukod sa maganda siya ano pa?" tanong ko sa kaniya. Hindi niya sinagot ang tanong ko bag ko sinihin niya ako ng halik sa aking labi. At heto, wala akong nagawa kundi ang matangay na naman sa marubdob niyang mga halik. Sinasabi ng isip ko na tama na at tapusin ko na ang tungkol sa aming dalawa, subalit tumatanggi ang puso ko. Hindi ko pa rin tayo mawala si Mark sa akin ng ganoon lang kadali. Wala akong nagawa kundi tugunin ang kanyang mga halik. Kung ano ang nagpapaligaya sa akin iyon ang sinusunod ko. Tuluyan na nga ako nalasing sa mga halik ni Mark sa akin. Hindi ko na nagawang tanggihan pa ang kanyang mga halik. Nalulunod na naman ako sa sensasyon na nararamdaman. Nagpaubaya na naman ako sa kanya na angkinin niya katawan ko. Paikot-ikot kami sa pader habang sabik na hinahalikan ang isa't isa. Hanggang namalayan ko na nakarating na kami sa aking silid. Hayaan ko na lang ang sarili ko na malasing sa mga halik ni Mark sa akin. Sa bawat mga halik niya ay tiyak ako na nahanap-hanapin ko ito. Nalalasing ako sa bawat pag dampi ng mga labi niya sa buo kong katawan. Muli namin pinagsaluhan ang langit. Pareho naming hindi mapigilan ang umaalab naming mga katawan. Hindi lang ungol ko ang maririnig sa loob ng aking silid kundi ang sigaw ko sa bawat sandali na makaraos ako. Kakaibang sarap at ligaya ang pinapadama sa akin ni Mark, kaya paano ko siya matatanggihàn? Paano ko siya makakalimutan kung siya lang ang nagpadama sa akin ng ganito. Hingal kaming pareho na nakahiga sa kama. "Kapag ba may nangyayari sa atin ako bang iniisip mo?" tanong ko sa kanya habang magkatabi kaming nakahiga at magkahawak ang aming mga kamay. "Sino pa ba ang dapat kong isipin dahil ikaw ang kasama ko sa kama?" balik niyang tanong sa akin. "Kailan ba ang kasal mo? Para naman makapaghanda ako ng regalo sa'yo?" Tanong ko sa kanya subalit ang totoo nasasaktan ako, sa tuwing naiisip ko na darating ang araw na ikakasal siya sa iba at hindi sa akin. "Wala pang schedule. Saka ayaw kong pag-usapan iyon habang magkasama tayo," sabi niya sa akin. "Kapag kasal ka na magiging kabit mo na ako. Kahit minsan ay hindi ko pinangarap sa buhay ko. Pangarap ko magkaroon ako ng buong pamilya. Magkaroon ng mga anak at lalaking magmamahal sa akin ng tapat. Subalit parang hindi na iyon matupad dahil ang lalaki na mahal ko ay may mahal na iba at ikakasal sa babaeng mahal niya,'' malungkot kong sabi kay Mark. "Akala ko ba okay lang sa'yo na pangalawa ka?" tanong niya sa akin. "Sa tingin mo kaya okay lang sa akin, Mark? Paano kung isang araw malaman mo na magmahal ako ng iba? At dalawa rin kayo sa buhay ko? Papayag ka ba na may kahati ka sa puso ko?" Binitiwan niya ang kamay ko dahil sa tanong kong iyon at bumangon siya. "Anong klaseng tanong ba iyan, Julie? Kaya ako nandito dahil gusto kitang makasama. Upang sa gano'n kahit paano makalimutan ko ang problema ko. Tapos ganiyan pa ang itatanong mo sa akin at sasabihin?" galit nitong sabi sa akin. "Siguro mabuti na lang na tapusin na lang natin ang lahat. Para habang maaga hindi pa gaanong masakit sa akin ang paghihiwalay natin. Siguro deserved ko naman na mahalin ako, Mark. Deserve ko naman siguro na maramdaman ang tunay na pagmamahal. Deserve ko magkaroon ng isang lalaki na mahalin ako at kayang ipaglaban. 'Yong kaya niya ako panindigan kahit ano pa ano ang nakaraan ko at bigyan ng magandang pamilya," sabi ko kay Mark habang pinipigilan ko na huwag pumatak ang aking mga luha. Tumingin ako sa kanya at parang hindi maipinta ang kaniyang mukha. "So, nakikipaghiwalay ka na ngayon sa akin? Bakit may nakita ka na ba ang ibang lalaki?" tiim bagang nitong tanong sa akin. "Maghahanap pa lang ako ng lalaking tunay na magmamahal sa akin. May Kristine na sa buhay mo, bago mo pa ako nakilala. Susubukan kong kalimutan ka. Susubukan kong makipag-date sa iba," seryoso kung sabi sa kanya. "At 'yan ang huwag mong gagawin! Subukan mo lang makipag-date sa ibang lalaki dahil hindi kita pa tatahimikin!" galit niyang banta sa akin. "At anong gusto mong gawin ko? Ikaw naman itong unang nakipaghiwalay sa akin. Kanina natauhan na ako. Hindi lang naman ikaw ang lalaki sa mundo, kaya bakit ko aksayahin ang panahon at oras ko sa'yo?" sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob upang sabihin iyon? Kahit masakit pero siguro kailangan ko na rin siyang palayain. Subalit ang dahilan lang naman talaga na nakikipaghiwalay ako sa kanya ngayon dahil gusto ko makilala si Benjamin. At kung sakali man na magustuhan namin ang isa't isa at least, wala na akong sabit. Subalit ng totoo hindi naman talaga ako sigurado sa desisyon ko. Marahil nasasaktan ako kaya ko ito ginagawa. "Fine! Siguraduhin mo na mapanindigan mo ang sinasabi mo! Are you sure na gusto mo nang makipaghiwalay sa akin?" tiim bagang niyang tanong sa akin. Bumangon siya ang kanyang mga saplot. Isa-isa niya itong isinuot. Napakagat ako ng aking nabi dahil hindi ko rin sigurado ang desisyon ko. Minsan kasi may mga bagay na kabigla-bigla na lang ako. Hindi ako nag-iisip kung ano yung naisipan ko ngayon iyon ang gagawin ko. "Siguro mas okay na lang na maghiwalay tayo. At kapag nagkita tayo isipin na lang natin na hindi natin kilala ang isa't isa," wika ko sa kanya. Lalong dumilim ang kanyang mukha. "Okay, iyan ang gusto mo pagbibigyan kita. Pero huwag ko lang makita na may kasama kang ibang lalaki dahil sinasabi ko sa'yo na hindi ko alam kung anong magagawa ko. Kapag nagbago ang isip ng tawagan mo na lang ako!" sabi niya sa akin na tumalikod na ito. Napapailing na lang ako dahil bigla-bigla na lang kung makapagdesisyon kami sa relasyon namin. Bahala na. Basta subukan ko na mag-move on sa kaniya. Sana bukas hindi na magbago ang nararamdaman ko. Sana makapag-move on kaagad ako. At sana magkasundo kami ni Benjamine. Hindi ko pa nga nakita si Benjamine subalit excited na ako na makilala siya. Napapakamot na lang ako sa aking ulo dahil parang ginawa ko naman si Benjamine, napanakip butas kay Mark. Subalit wala naman mawawala kung subukan ko bumaling ang atensyon ko sa iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD