Chapter 19 Julie Ann Pagkatapos namin kumain nag-usap ang mag-lola sa sala. Niligpit ko ang mga pinagkainan namin at pinunasan ang lamesa. Pagkatapos dinala ko sa lababo ang mga hugasin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na paanong naging Benjamine si Mark? Naguguluhan talaga ako. Ang masaklap pa hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon? Kaya nga ako lumayo at lumipat dito para lang makaiwas sa kanya, pero bakit siya pa ang naging anak Tita Lida? Bakit hindi na lang si Ben? Ang buong akala ko talaga si Ben ang apo ni lola at anak ni Tita Lida, pero magpinsan pala silang dalawa. Ang lalim ng iniisip ko habang nagsasabon ako ng mga plato. Parang wala ako sa akin sarili at parang nananaginip pa rin. "Nagsasayang ka ng tubig! Hinahayaan mo lang na umaapaw ang tubig

