Chapter 18 Julie Ann Alas-sais ng gabi niluto ko na ang pochero. Nagluto na rin ako ng chopsuey para may iba rin menu. Hindi nga namin alam ni Lola, kung anong oras darating ang apo niya. Siguro kahapon pa dumating si Ben galing sa ibang bansa. At tumuloy na lang siguro ito sa opisina niya. Kasi iyon ang sabi ni Tita Lida, napakatapos ng trabaho sa opisina ay uuwi si Ben. 7:00 pm na ako nakatapos sa pagluluto. "Lola, nagugutom ka na ba?" tanong ko sa matanda. "Gusto ko sumabay sa apo ko kumain, iha. Anong oras ba darating ang ugok na iyon? Wala ka mamaya hindi na naman siya makakauwi rito? Itatakwil ko na talaga siya!" sabi ni Lola sa akin. "Hindi ko rin po kasi alam kung anong oras darating ang apo ninyo Lola. Baka po nagugutom na kayo kaya ipaghain ko na po kayo ng pagkain," sabi

