CHAPTER 32 Julie Ann Lumalakas ang ulan sa labas. Parang galit. Parang babala. Nakatayo ako sa loob ng maliit na banyo sa loob ng maliit na bahay na ito ni Mark, na tinitirhan ko. Katatapos ko lang maligo. Basa pa ang buhok ko, ang suot kong daster, manipis na nga't kumakapit sa balat. Nanginginig ako, hindi lang sa lamig kundi sa tensyong nananatili sa pagitan ng katawan at guniguni. Naputol ang pagmumuni ko nang bumukas ang pinto ng banyo. Si Mark. Basa rin, basang-basa. Habol ang hininga niya, at kahit sa dilim, kita ang kagwapuhan niya. Sumulong ka talaga siya sa ulan para lang makapunta rito sa akin. Hindi ko alam kung bakit na naman siya nandito? Katatapos lang namin kanina kumain ng hapunan ng umuwi ako rito sa tinitirahan ko. Ngunit may kung anong mas mabangis sa likod ng tit

