Chapter 37 Mark Nanginginig pa ang kamay ko, hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil sa alak na unti-unti nang bumabalot sa buo kong sistema. Ramdam ko ang pagtingin ng mga tao—mga mata nilang puno ng paghuhusga habang nasa harap ako ng bakery, basang-basa sa ambon, pawis, at kahihiyan. “MARK!” Ang boses ng mommy ko—malutong, galit na galit. Hindi siya sumigaw, pero ramdam ko ang bigat ng bawat pantig. Sa kanya lang ako natatakot. Hindi dahil sa kamay niya, kundi sa mga salitang kayang maghiwa ng konsensya. “Ano na naman ‘to ha? Anong klaseng kahihiyan ang ginawa mo sa sarili mo—sa pamilya natin?!” Mariin niyang tanong habang hinila ako palayo sa harapan ng Pan de Gracia. Hindi ako nakapagsalita. Mabigat ang dila ko. Muli tumingin ako sa panederya. Nasulyapan ko si Julie sa loob. N

