Chapter 19

1671 Words
HINDI MAPAKALI si Clip sa kanyang pagkakaupo. Exam nila ngayon at pakiramdam niya ay hindi niya ito napaghandaan ng maayos. Nagpuyat na nga siya kagabi para lang maabsorb ng kukote niya ang dapat makabisado dahil isa iyon sa hinihingi ng examen. Isa rin sa dahilan kung bakit hindi siya mapakali ay dahil ramdam niya ang mga matang nakatutok sa kanya. Tila iyon mga karayom na bumabaon sa balat niya. Pero baka gawa-gawa lang iyon ng isip niya, pagkumbinsi niya sa sarili. Hindi ba’t normal naman ang pag-aakala na ikaw ang centro ng atensyon kahit ang katotohanan ay wala namang may pakialam sa iyo, sadyang malakas lang ang hatak ng insecurity ni Clip ngayon dahil alam niyang hindi maayos ang itsura niya ngayon. Lukot ang uniform niya, halata iyon dahil wala naman siyang plantsa at maski ang palda niya ay bakat ang pagkalukot niyon. Alam niya ring nangangamoy sabon panglaba siya. Nag-handwash lang siya at hindi siya gumagamit ng fabric conditioner dahil ayaw niya ang mga amoy niyon, isa pa ay nangangati siya kapag naglalagay ang Mommy niya ng fabcon. Ipinapangalangin niya na sana ay mas malakas ang amoy ng perfume na gamit niya. Matagal na rin siyang hindi nagpapagupit. Bukod sa mahaba na ang buhok niya—naka-maintain ang haba ng buhok niya hanggang kili-kili—ay kitang-kita na ang natural na kulay ng buhok niya. Nagmistulang pangit na ombre ang itsura niyon. Wala na iyon sa porma, at bago iyon para sa isang katulad niya na nag-aaksaya ng pera sa salon. Huminga siya ng malalim at pasimpleng tiningnan ang mga kaklase niya. Hindi pa man lumalampas ang tingin niya sa katabi ay ibinalik na niya ang atensyon sa papel sa harap niya. Tama ang pakiramdam niya na may nakatingin sa kanya. Titig na titig ang babaeng kaklase niya at hanggang ngayon ay ramdam niya ang mapanuri nitong titig. Pinilit niya ang sarili na intindihin ang nilalaman ng papel. Sumakit lang ang ulo niya. Unti-unti na siyang naaasar sa sarili niya dahil pakiramdam niya ay talunan siya kapag ganitong nagbibigay siya ng pake sa ibang tao. She’s Clip to them, and the Clip they know would not give a flying fu/ck even if it costs her life. The Clip they know would tell her classmate that it’s rude to stare. But her moving out, stressing over money, about things she needed at her new place, when to pay her supplier—this all made her resent her life and it’s starting to show. She feels ugly, she looks ugly, even her necktie looked slobbish. Pagkatapos ng isang oras ay iilan na lang silang natira sa loob ng classroom. Nagpa-panic na siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tapos. Gusto na niyang mawalan ng pag-asa dahil hindi nakikisama ang utak niya ngayon. Kumakabog ang puso niya sa kaba habang nag-e-exam dahil pinangungunahan niya ang sarili niya na hindi siya makakapasa. She doesn’t feel it, she knows. There is no greater enemy than oneself. And she’s not helping herself by overthinking. Gusto na lang niyang matapos ang oras para maputol na ang kalbaryo. “You look tired, Clipper,” wika ng katabi niya. Hindi sana niya ito papansinin pero saktong sumilip sa labas ang instructor nila kaya may pagkakataon siyang sagutin ito. “You always looked tired, Susan,” diin niya sa pangalan nito. Who would name their child Susan? Honestly? It doesn’t only sound old, it definitely sounds boring. Susan rolled her eyes. “Wala na kayo ng foreigner mo?” diretsang tanong nito. Kumunot ang noo niya. “You know, wala ka nang fund from the States,” nakakapikong sabi nito. He’s from England, boba, is what she wanted to say if only their instructor didn’t interject. “Quiet! Twenty minutes left!” paalala nito. “You look so silly with your roots showing,” patuloy ni Susan saka bumungisngis. Kumulo ang dugo niya sa bungisngis nito. Minadali niya ang pagsagot sa exam at hindi na hinintay na matapos ang oras. Nanghula na lang siya sa mga item na hindi niya alam ang sagot. Nang maipasa ang papel ay umalis na siya. Pagtapak niya sa labas ng classroom nila ay gusto sana niyang bumalik sa loob dahil nakita niyang hinihintay siya ni Monique at nakahalukipkip ito. Iniiwasan niya ito at ayaw na niya ng away. Pakiramdam niya ay mag-aaway lang sila. Agad siyang nilapitan ni Monique at sinuri mula ulo hanggang paa bago nagsalita. “You went rogue,” mahinang sabi nito. “What happened?” Nalilitong tiningnan niya lang ito. “Ang tagal mong hindi nagparamdam. Anong nangyari?” Naglakad na sila palayo at saka lang siya nagsalita nang masigurong walang makakarinig sa kanila. “Nothing, Monique. It’s good to see you, too.” Inikutan siya nito ng mga mata. “You know I hate the area where you live right now. It’s not safe to visit—” “Oh, tell me about it,” putol niya rito. As if hindi niya alam ang katotohanang iyon. Nagtitiis lang siya dahil mura ang umupa sa lugar na ‘yon. “Did you expect me to visit you, Clip?” asked Monique. Diretso lang ang tingin niya. Ayaw niyang salubungin ang mga mata ni Monique dahil nahihiya siyang makita nito sa ganoong estado. “And look at you!” Monique almost shrieked. “What happened to your hair? To your uniform? Girl, I thought you still have cash from Alex?” Monique whispered the last part. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang tote bag. “I’m tired, Monique. Can I go now? Your questioning doesn’t help. My head hurts and it’s true, I’m not just making up some sob story so I can go. But I would really, really like to rest right now.” Monique stomped her feet. “I’m worried about you.” “Yeah, me, too,” talunang sabi niya. “I’m worried sick about the exam I just took. Cross fingers, makapasa sana.” “You know I’m here for you, right?” wika pa ni Monique na sinundan siya nang iwan niya ito. “I’m really worried about you, please say something.” “If you’re really worried about me, you could’ve visited me every chance you get. You know my schedule, you can walk up to my class, kidnap me, I don’t care where you take me.” Monique looked at her as if she grew two heads. “Clip, you’re not serious, right? I always text you, you ignore me. And please don’t insist that I should’ve visited you in the worst place in San Jose del Monte! There’s a reason why your rent is cheap, why there are users of all sorts in your area! Sebastian warned me about going there.” “Then you should have brought Sebastian,” giit niya. “My god, Clip!” pigil na sigaw ni Monique. “If I risk my life, who would check on you?” Clip’s lips quivered. Half-assing on checking her, sure. “Are you using, Dominique Luna?” Monique asked quietly. Clip didn’t bat an eye. “If you’re using, then I want to know.” “Why?” “How can you pay for it? Does Alex know? When was the last time you went to Desperados? Pumapasok ka ba talaga ng school araw-araw?” “Alex and I broke up.” “Oh… I don’t see you much here in school. Bumibisita ba si Joaquin sa’yo?” “No.” “When did you guys break up? And why?” “Interview?” aniya. “I’m being serious here,” naiinis na wika ni Monique. “Let me help you.” “Shush. I’m tired. I’m going home.” Pinigilan siya nito. Pinakawalan niya ang sarili sa pagkakahawak nito. “Fine, I’ll go with you. But it will be quick.” Umiling siya. “Hindi na. Baka ikamatay mo pa kapag tumapak ka sa lugar ko.” “That’s not fair. Laging may natatagasan sa lugar niyo.” “Don’t be stupid. Walang napapahamak sa umaga.” “I have school in the morning, let me remind you.” Umingos siya. “m*******e helps and cures people, Clip, we all know that. But you look like you’re abusing it.” Itinaas niya ang palad sa harap ng mukha nito, senyales na pinatatahimik ito. “We’re done here, Monique. Nothing you can say and do will make sense because honestly, I have this massive headache. I. Need. To. Rest. This is me leaving.” Clip turned her back, then bumped into Romano. Romano was quick with his steps, he reached her and then hugged her tightly. “Oh, my god, Clip! I haven’t seen you in so long! Ayos ka lang ba? How are you? You’re not answering my messages.” Kumawala siya sa hawak nito. “Ugh, you’re suffocating me!” Humingi ito ng paumanhin at binigyan siya ng space. “Busy sa extra-curricular? Sa acads? Ang tagal kitang hindi nakita,” si Romano. Pagak siyang tumawa sabay lingon kay Monique. “You can fill him in with the details. I don’t care.” “She’s spiraling uncontrollably, Romano,” said Monique. Clip rolled her eyes. “I meant after I leave.” “You’re done with school?” si Romano sa kanya. Mabilis itong humarap kay Monique. “And what did you mean by that?” “It means Clip is a mess right now, and I’ve let her and myself down—” Muli na naman siyang tumawa sa narinig. “Fine,” matigas na sabi ni Monique na nainsulto sa pagtawa niya. “You don’t need me anymore? Go ahead and suck a d**k and sell feet pictures so that you can finance your vice. Not only were you a slut and a gold digger, you’re also a pathetic user who couldn’t differentiate between recreational use and abuse!” Ito ang unang tumalikod. Saglit itong pinanood ni Clip bago iniwan si Romano na hindi alam kung sino ang susundan sa kanilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD