Chapter 13

1325 Words
HINDI MALAMAN NI CLIP kung ano ang mararamdaman nang makita si Monique na bumaba mula sa isang hindi pamilyar na sasakyan. Siniyasat niya kung sino ang driver pero hindi niya kilala ang nagmamaneho. Binuksan ni Monique ang pinto ng backseat at tumambad sa kanya ang maraming kagamitan sa bahay na hindi niya alam kung saan nito pinagkukukuha. Lahat ng inaabot ni Monique sa kanya ay ipinapasok niya sa bahay. May naipasok na siyang table electric fan, rice cooker, mga nakakahong plato, baso at kutsara’t tinidor.  Pati pala ang trunk ng kotse ay may laman. “Sino ‘yan?” bulong niya sa kaibigan habang tinutulungan itong ibaba ang isang plastic foldable table. Hindi niya alam kung ano ang paggagamitan niya niyon pero malaking bagay na rin iyon. Hindi niya muna iyon ipinasok at muling tinulungan si Monique na ibaba ang dalawang monoblock.  Sinilip niya ang loob ng trunk at pinigilan niya ang pag-alpas ng iyak sa lalamunan niya. Pansamantalang nilunok ang nag-aambang palahaw. Ang daming pinamiling grocery ni Monique mula sa isang convenience store.  Nang maipasok na nila lahat ay saka binayaran ni Monique ang lalake. Naiwan na silang dalawa at mangha siyang nakatitig dito. “Grab driver ‘yon,” anito na ngayon lang naisipan sagutin ang tanong niya. Wala siyang maapuhap ni isang salita. Gusto niya munang lunurin ang sarili sa nararamdamang tuwa at pasasalamat sa ginawa ng kaibigan. “Luma na iyang rice cooker namin. Tapos ninenok ko lang iyong mga lato. Iyong electric fan, sa kapatid ko ‘yon. Don’t worry, may AC naman siya. Hindi na niya mapapansin ang pagkawala ng electric fan niya.” Itinayo nito ang mesa at inilapag ang isang plastik na pinamili nito. “Ito naman, mga ready to eat na pagkain. Iyong iba,” Tinuro nito ang natirang plastik sa paanan niya. “Grocery mo, at least for this week. Bili na lang tayo bukas ng botane, stove, tsaka iyong kakailanganin mong utensil. Kawali? Anyway,” Hinarap siya nito. “My god, Monique,” ang tanging nabigkas niya. “Yours truly,” nakangiting sabi nito. “Are you hungry?” Umiling siya. “Saglit lang. Let me soak this in.” Hindi niya napigilan ang maluha sa harap ng kaibigan. Monique came through. Hindi sapat ang salitang salamat para sa ginawa nito sa sandaling ito.  “Akina iyong upuan,” wika nito kahit na ito rin naman ang kumilos. “Dito na lang muna tayo kumain. Kinuha ko na rin ito mula sa likod-bahay kasi naka-stuck lang naman. Nilinis ko na rin. Nakakahiya namang magdala ng dumi dito sa,” Nilibot nito ng tingin ang sala. “Equally kasing duming bahay mo.” Malakas ang naging tawa niya sa sinabi nito.  “Come join me,” anito. Tinapik pa nito ang libreng monoblock.  Sinaksak niya muna ang electric fan at tinutok iyon sa mga paa nila. Wala naman siyang mapaglalapagan niyon.  “Stop crying, hindi bagay,” sita nito sa kanya. Pinunasan niya ang mga luhang malayang dumaloy sa pisngi niya. Ito na rin ang nagbukas ng naka-kartong pagkain para sa kanya. “Buti na lang may Grab na dito sa lugar natin. I was desperate to hire a Jeep kasi ang tagal makasagap ng driver sa app,” anito. “Did you sneak?” tanong niya rito. Tumango ito. “Did you tell anyone?” Umiling ito. “You secret is safe with me, love.” “Akala ko naman ay electric fan lang ang dadalhin mo.” Nagsimula na siyang kumain. “How’s the bedroom scene?” tanong nito. Halos mabulunan siya sa tanong nito.  “Uh-oh, did I forget to buy water?” Tumayo si Monique at siniyasat ang laman ng plastik na nasa sahig. “Nope! Here it is.” Inilapag nito ang dalawang litrong bote sa mesa. “Thank you, Monique.” Gusto niyang hawakan ang kamay nito. “Really, thank you.” Tumingin sa kanya ang kaibigan niya. “From the bottom of my heart.” Iwinasiwas nito ang kamay sa ere. “Don’t sweat it. You’re welcome. Kumusta nga ang room mo? Hindi ko pa nasilip, eh,” ulit ni Monique. “Binigyan ako no’ng nagpapaupa ng banig, manipis na kutson at unan. They’re all used. I don’t know what to feel about it,” imporma niya. “Did you see me come in with a bag?” tanong nito. Hinanap niya ang sinasabi nitong bag.  Tumango siya. “Anong laman no’n?” “Explosives. Pasabugin ko lang saglit ‘yong bahay nyo sa atin,” inis na wika nito. “Ano nga?” Takam na takam siya sa sisig with rice na kinakain. “Bedsheets, duh,” anito. Nakahinga siya ng maluwag. “What would I do without you?” aniya at nagpatuloy sa pagkain. “You know,” si Monique. Ibinaba nito ang mga plastik na kutsara’t tinidor na kasama sa biniling pagkain. “Maybe this is why we’re still friends. It has to come to this point.” Napatitig siya rito. “I’m so proud of you, Monique. Hulog ka ng langit.” “Walang sumalo,” wika nito. Umarte siyang nainsulto. “Ano ako? Wala lang? Background lang?” Monique rolled her eyes. “Drama queen.” “This is nice,” ani Clip. “Us in a dirty living room, preheated jumbo sisig express, these uncomfortable monoblocks. I’ve been served a humble pie, sis. If this ain’t it, I don’t know what f*****g key lime pie I will be eating in the coming weeks.” Tumango si Monique. “Nagplano pa naman tayo na babalik ng Tagaytay. Maybe you’re really meant for this place.” Umilag ito nang ambaan niya ito ng hampas. “You really can’t say for sure how your life will turn out. Few bad decisions here and there, and voila. You’re now deep in this drug-infested place. Na-raid na kaya ang bahay na ito? We should Google that. Tell tale signs if a place has been used as a meth lab. This is what I’m thinking. I’m gonna help you with some expenses. Obviously we can’t hire a cleaner. We should clean the house ourselves to save money. Ugh, gastos.” “Yeah, bleach… and yeah, panglinis.” “I will help you settle in this place. There’s no point in finding a much better neighborhood. Nakapag-down ka na. Kapag binawi mo, hindi natin alam ang gagawin nila.” Kinilabutan ito sa naisip. “You and your thoughts. Let’s just eat,” aniya at muling sumubo.  “Ang sarap talaga ng sisig nila, ‘no?”  “Uhuh. O baka gutom lang tayo.” “First things first tomorrow,” si Monique ulit. “We’ll buy this place a stove.” “Yes, madam. Noted na po.” “What’s your plan once money runs out?” Napatingin siya rito. “Ibebenta ko ang mga gamit ko.” Napangisi si Monique. “This monoblock?” “Designer monoblock, Gucci foldable table. You know,” sakay niya rito. Hindi siya nakarinig ng reaksyon kaya tiningnan niya ang kasama. “What?” asik niya. “Ikaw na ‘yong nag-alsa-balutan na puro designer s**t ang dinala,” komento nito. Napaisip siya saglit. “Well, I knew I was gonna find a place to stay. Umaasa lang naman ako kay Alex dahil hindi naman ako nagtatrabaho. Party life over being a working student nga, ‘di ba? I had to think fast. Kapag nagkaubusan na, iyon lang naman ang pwede kong pagkakitaan habang naghahanap ng trabaho.” “Oh, boy.” Monique whistled. “Ga-graduate ka na. Isasabay mo talaga ang trabaho sa pag-aaral mo?” “Ano pala ang gagawin ko?” She felt helpless. “Beats me,” anito at sumubo. Kumain na lang muna sila. Wala naman masyadong lilinisin dahil disposable ang pinagkainan nila. Kahit gustuhin niyang maglinis ng bahay ngayon mismo ay wala siyang walis tambo. Hindi gano’n karumi ang lugar pero alam mong madumi ang sahig sa bawat tapak mo. Monique shrieked when she saw her bedroom’s condition. Walang sabi-sabing nilabas nito ang kutson at unan sa garahe. Iniwan lang nito ang banig at tinabunan iyon ng dala nitong blanket, comforter, at bedsheets. Lahat iyon.  Dumaing ito nang sinubukan nitong mahiga sa banig. “Tatanda ka agad dito, Clip. We have to buy you a mattress.” Napakamot siya sa ulo. Dagdag gastos na naman.  “You didn’t bring your neck pillow with you?” tanong nito. “Why would I?”  Monique scoffed. “Why would I bring that neck pillow I use in my travels and have the jewelry and bags with me instead. Super comfy to wear.” Tinakpan niya ang mukha. “Alright, alright. Quit bitching. Call Romano.” “Huh?” Napaupo si Monique. “Please, mas masahol pa ako sa daga. Baka may folding bed sila at unused pillows,” aniya. Humalukipkip ito. “Bakit hindi ikaw ang tumawag?” “Well,” Nilaro-laro niya ang kanyang buhok. “Baka isipin niya ginagamit ko lang siya.” “And you’re not?” “I am!” she yelled in frustration. “But I don’t want him to think that because he’s a good person and he deserves better.” “Nothing changes, Clip,” si Monique. Inabot nito ang phone nito. “But he’s a good person. He will cave in.” Napayuko na lang siya sa hiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD