Chapter 12

1176 Words
SABUNOT AT SAMPAL ang abot niya nang makauwi siya sa bahay nila. Hindi niya maintindihan kung paano nahanap ng Papa niya ang m*******a na tinago niya bago siya umalis ng bahay. Hindi niya inaasahang uuwi agad ito. Sa pagkakaalam niya ay matagal bago ito makabalik. Baka nagkwento ang kapitbahay nilang magaling sa tagpong nakita kanina nang may dumating na naka-motor at nag-abot ng maliit na plastik sa kanya.  Nagmamakaawa na siya sa Papa niya na pakawalan siya nito ngunit patuloy siya nitong sinasaktan. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang humingi ng tawad. Halos hindi na siya makapagsalita dahil inuunahan siya ng iyak. Pagkatapos ang isang oras na iyakan at sakitan ay nasa kanto na siya ng kalye nila at may dalang isang duffel bag at isang malaking maleta. May backpack at shoulder bag pa siya. Nag-aabang siya ng tricycle na maghahatid sa kanya sa labasan kung saan pwede siyang mag-abang ng jeep palabas ng lugar nila.  Nanakit ang katawan niya, dagdag pa ang bigat ng backpack niya. Sinubukan niyang dalhin at kunin ang nahagilap ng kamay niya na pagmamay-ari niya. Sana lang ay wala siyang nakalimutang importante. Malabo na na makatapak ulit siya sa pamamahay nila.  Para kay Marites, putangina niya. Dahil sa kwento nito ay muli na namang lumala ang relasyon nilang mag-ama. Alam kaya ito ng Mommy niya? Hindi niya alam kung saan pupwedeng maghanap ng malilipatan ngayon. Minabuti niyang dumaan sa arcade at magtanong-tanong kung may alam ang mga tao roon na nagpapaupa.  Sinuwerte naman siya dahil may available na tirahan. Two bedroom, one bathroom, may bakuran at garahe na rin pero three months ang hinihinging advance. Binigay niya ang lahat ng perang hawak niya. Babarya na lang ang natira sa kanya.  Tinuro ang main switch ng bahay at ang metro ng tubig sa kanya. Hindi na niya kailangang magpakabit ng kuryente’t tubig dahil meron naman na. They use the house for recreational purposes, kung ano man iyon ay hindi na niya tinanong at ayaw na niyang alamin. Ngayong may nangangailangan ng bahay ay sa kanya na ipapaupa iyon. Nang gabi ring iyon ay kinausap niya si Alex at kinapalan ang mukhang manghingi ng malaking pera. Hindi naman ito nagdalawang-isip at binigyan siya ng bente mil. Saan naman aabot ang bente mil na hawak niya? Pagdating sa bahay na nilipatan ay walang kagamit-gamit ang loob niyon. Naawa lang ang kausap niya kaya nagbigay ito ng banig, kutson at unan.  Kinalkula na niya ang daily expenses niya. Kung bibili siya ng pagkaing magtatagal ng ilang linggo at mga kagamitan sa bahay na labis niyang kinakailangan, isang buwan siyang bubuhayin ng perang pinadala ni Alex. “Putangina mo, Marites,” sigaw niya sa hangin.  Binuksan niya ang maleta at tiningnan ang mga damit na pwede niyang ibenta. Pati mga alahas at designer bags na binili niya mula sa pera ni Alex ay hiniwalay na rin niya. Kapag kinulang siya para sa buwang iyon ay magbebenta siya ng mga gamit niya. Unti-unti niyang inayos ang mga gamit niya sa bahay. Tanging ang kwarto niya lang ang nalamnan at ang banyo. Kahit pagkain ay wala siyang nakuha mula sa bahay nila. Sinigurado ng Papa niya na kung ano lang ang gamit niya sa kwarto at sa banyo ay iyon lang ang kinuha niya.  Binulabog ang walang kalaman-laman na bahay ng ingay ng telepono niya. Ang magaling niyang Mommy ang nasa kabilang linya. “Anak, nasaan ka?” nag-aalalang tanong nito. “Are you really asking or does Papa also wanna know?” balik-tanong niya. Clip can imagine her mother pacing back and forth while holding her pearl necklace.  “Please, hija, hayaan mo akong padalhan kita ng pagkain. Do you have the family heirloom I gave you? Don’t sell it, anak. I will help you through this, I promise.” Namangha siya sa narinig. “Instead of helping your daughter and your husband back in shape, you’d rather do charity work?” Tinawanan niya ito. “Woman! Stay in your mother’s house and be the nice, pretty daughter. You’re good at it.” “Luna, anak,” giit nito. “Give me your address. I’ll send food and money, I promise.” “Mommy,” aniya rito. “Get lost. Wala ka palang balak magpakita rito ng personal, eh. You will send food and money? Through mobile apps I taught you to use? And you can’t do that on your own? Really? Wow. Classic you.” “Luna, anak—” “Oh, Mommy.” Naupo siya sa lapag at pinalipas ang ilang segundo. “Aawayin ka ni Papa kapag ginawa mo ‘yon.” Humikbi na ang kausap niya. “I don’t care.” “Battered housewife much?” Umiiyak na ito. “Stay in Lola’s house. I mean it. Mas okay ka pa riyan. Don’t worry about me. Kapag hindi ko na talaga kaya, I might consider your offer.” “Diyos ko naman kasi, anak! Ano ang gagawin mo sa m*******a?!” Naghuhuramentado na ito. “Kakainin ko, Mommy,” tugon niya. “Iyan ba ang natutunan mo kina Monique?! Susugurin ko talaga ang babaitang iyon! Humanda siya sa akin! Sinabihan na kitang layuan mo siya. Matigas kasi ang ulo mo. Puro kalokohan lang ang alam mong—” “UGH!” putol niya rito. She rolled her eyes.  “Luna, binabalaan na kita. Maghanda-handa ang Monique na iyan sa akin. Makakatikim talaga siya.” “Oh?” Tumaas ang isang kilay niya. “I’ll rat you out to Papa.” Katahimikan. “I said… I’ll rat you out. To. Papa.” “I heard you the first time,” matigas nitong sabi. “The battered, unfaithful housewife.” Sapat na ang mga katagang iyon para muling magsisisigaw ang Mommy niya sa linya. Iniwan niya ang phone sa sahig at naligo.  Sa kanyang pagbalik ay patay na ang linya ngunit tinadtad naman siya ng text messages galing kay Monique. Tinawagan niya ito. “Did she fill you in?” bungad niya rito. “Who?” Monique snapped. “Mother.” “I don’t do drugs, Clip. What happened?” “They found my stash. Papa kicked me out. Ngayon nasa ibang lupalop na ako ng mundo. Nice.” Malaya siyang nakahubad at pinatutuyo ang buhok. “Motherfucker, I don’t have an electric fan,” bulong niya sa sarili nang mapagtanto iyon. Baka papakin lang siya ng lamok sa pagtulog niya. Hindi niya pa ramdam ang init ngayong bagong ligo siya, pero paano na mamaya habang nasa kasarapan siya ng tulog niya? “Are you really using?” ulit ni Monique. “Uhuh,” simpleng sagot niya. “What drug?” usisa nito.  “Your friendly neighborhood, Jane.” “s**t, that’s nothing,” komento nito. Tinawanan niya lang ang narinig. “So,” si Monique. “You need that electric fan?” Napatigil siya ng ilang sandali, sabay, “Yes.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD