Chapter 11

1005 Words
“ARE YOU STILL THERE?” ang tanong ni Mr. Blue kay Clip. Kasalukuyang nasa parmasya si Clip at bumibili ng gamot para sa sakit niya sa ulo. Pumipintig ang magkabilang gilid ng ulo niya. Sa kaiiyak niya siguro ito, wala pa siyang mahabang tulog. Kausap niya pa rin ang musikero sa kabilang linya.  Tumango siya na animo’y nasa harap ang kausap. “Andito pa po ako,” piping sagot niya. “Sumakit na tuloy ang ulo mo kaiiyak. Hintayin mo ako, malapit na ako,” anito. Katulad ng sinabi niya rito kanina ay hindi nga siya nito pinatayan ng linya. Nakinig ito sa pag-iyak niya. Pati sa pagprito niya ng itlog at pagsangag ng kaning bahaw. Excuse niya lang ang pagpunta rito dahil may paracetamol naman siya sa bahay nila. Ang hirap mag-poker face kapag nasa labas at may mabigat na pinagdadaanan. Minsan na siyang nakarinig ng kwento na buntis siya kaya siya napapadalas sa pharmacy. Ang mga tao nga naman, kung anu-ano na ang sinasabi may magawan lang ng kwento. Narinig niya ang boses ng guard na may binati. Sinilip niya iyon at nakita si Mr. Blue na bitbit pa ang gitara nito. Parang gusto niyang mahiya ngayon dahil parang ang pangit tingnan ng tagpo nila sa mata ng ibang tao.  Siya na pinagsakluban ng langit at lupa, naghahanap ng gamot, si Mr. Blue na humahangos palapit sa kanya at bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Baka maghuramentado na naman ang Mommy niya sa balitang makararating dito. “Diyos ko ka, Luna,” bulong niya sa sarili. Kumuha siya ng isang banig ng paracetamol. Pinakita niya iyon sa bagong dating at tinuro niya ang cashier. Babayaran na niya iyon para makaalis na sila. Nauna pa si Mr. Blue na nakarating sa cashier. Pinakita niya ang hawak na gamot. Si Miss Ross ang nasa kaha at may magandang ngiting nakapaskil sa mukha nito. “Hello, Ross,” bati ni Mr. Blue dito.  Pailalim na tiningnan ni Ross si Joaquin mula sa salamin nito. “Ito lang ang approved kong nakita mong dinala mo rito, hija,” komento nito na ang tinutukoy ay ang kasama niya. Nangunot ang noo niya. “You’re keeping tabs?” Gusto niyang lumatay ang mga salita niya sa matandang babae.  Napatingin ang dalawa sa kanya. “Well?” si Clip. “She’s sick,” si Mr. Blue. “Give her a break.” Itinaas ni Miss Ross ang salamin nito sa ulo. “You’re always sick, hija. Nagpa-check up ka na ba?” Napamura siya sa isipan. Pati ba naman ang isang ito? Pinilit niyang ikalma ang sarili. “I like coming here,” sagot niya sa kaharap. Nagulat ito sa narinig. “Thought you should know.” Hinaklit niya ang gamot saka tinalikuran ang dalawa. “Bye, Clip,” anang guwardiya nang madaan niya ito. Huminto siya rito at tiningnan ito mula ulo hanggang paa.  “Good bye, Jacinto,” sabi niya nang mabasa ang nameplate nito. “Badong na lang, ma’am,” sagot pa nito. “Short for Salvador.” “Okay,” patol niya. “Good bye, Badong.” Ngumiti ang lalake. “Are you happy now?” tanong niya rito. Nabura ang ngiti nito. “Ma’am?” May humawak sa braso niya. “Let’s go, Luna.” Si Joaquin iyon at hinatak na siya palabas ng parmasya. “God, that f*****g idiot,” gagad ni Clip. “Settle down, girl,” ani Joaquin sa mapait na tono.  Tiningnan niya ito. “Am I acting out again, Daddy?” Tinakpan nito ang bibig niya. “Sshh!” Saka siya pinakawalan. “What are you doing?” “Let’s give them a show?” she teased. Nilinga nila ang paligid. Hindi pa sila nakalalayo sa parmasya at may mga nagbebenta ng gulay sa gilid niyon. Marami ring tricycle driver ang nakaabang sa kabilang banda ng kalye.  “Stop it, Luna. Stop this.” Mahigpit na ang hawak nito sa braso niya. “You’re hurting me,” said Clip. “Stop it, D—” Binitawan siya nito. “Don’t push me away, Luna. We’re worried about you, that’s all.” Nilingon niya ang guwardiya na pinapanood sila. “They’re nosey. I don’t f*****g care. Miss me with that s**t,” she snapped.  “Do you wanna f**k?” asked Joaquin in a hushed tone. His Adam’s apple moving up and down, his broad shoulders tense.  Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Hindi makapaniwala na nanggaling iyon dito. Tinakpan niya ang bibig na kanina pa nakanganga. “That’s how stupid you sound,” anito. Nilapitan nito ang nakaparadang motor. Inaabot nito ang isang helmet para sa kanya. Maang lang siyang nakatingin dito.  “Isuot mo iyan. Pupunta na tayo ng Desperados,” utos nito sa kanya. Nilapitan niya ito at kinuha ang helmet. “Would you?” piping tanong niya. Nilingon siya nito habang sinusuot ang helmet. “Would I what?” Inipit nito ang gitara sa pagitan ng mga binti nito. “f**k me?” Clip asked. Binuhay na ni Joaquin ang makina. “Do you want me to?”  Muli siyang napamaang dito.  He grinned. “You’re such a tease. How about now? Do you like being teased?” Ibinato niya ang helmet dito. “You’re a creep. All that layer and you’re a creep, after all.” Sa gulat niya ay tinawanan siya nito, hindi na bale kung pagtinginan ito ng mga tao. “You needed help. You needed someone to be beside you. Now that someone’s here you’re acting like a brat and an entitled little piece of shit.” Tumalim ang mga mata nito. “You then tried to create a scene in front of everybody. You don’t care about me, Luna! Basta makapag-lash out ka lang sa mundo, gagawin mo, hindi mo na inisip ang maapektuhan. Ganyan ka. I thought you’re better than this.” Naglakad na siya palayo. Sinundan lang siya ni Mr. Blue kahit saan siya magpunta. Kinompronta na niya ito nang hindi na niya makayanan ang presensya nito. “You won’t like it when I hopped on your bike, Joaquin. So get the f**k off.” Naintindihan nito ang nais niyang ipakahulugan. Binilisan na nito ang takbo palayo. Tinatawagan niya ang w******p nila Monique at Romano ngunit walang sumasagot sa dalawa. Hindi na niya alam kung saan siya pupunta ngayon. Sirang-sira na ang gabi niya. Nandidiri siya sa sarili niya. Gusto niyang sumuka. Nanghihilakbot siya sa palitan nila ng salita ni Joaquin. The Mr. Blue that she likes was thrown out of the window. Nagsisisi siya kung bakit niya sinagad ang pasensya nito. What’s worse, pinatulan din nito ang galit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD