Chapter 10

1036 Words
“HEY, BABY GIRL,” tawag kay Clip ng lalakeng kapaparada lang ng motor bago ito bumaba mula roon.  Nakabalik na si Clip ng Bulacan at wala pa rin ang mga magulang niya. Kanina niya pa hinihintay ang lalakeng ito. Dapat nga ay magmi-meet sila ngunit ito na ang sumadya sa kanya dahil ayon dito ay madadaanan nito ang lugar nila. Inabot lang nito ang maliit na Ziplock saka ito sumibat.  “Sino ‘yon?” mula sa harapan ng bahay nila ay narinig niya ang tinig ni Aling Marites. Ito ang kapitbahay nilang usisera. Hula niya ay nire-report nito ang bawat galaw niya sa mga magulang niya.  “Kakilala lang ho, may idinaan,” bagot na sagot niya. Lumapit pa ang matandang babae. “Saan ka naman galing kanina? Sino iyong naghatid sa iyo at naka-kotse pa?” usisa nito. “Ah, iyon ho ba?” Kumamot siya sa ulo. Gusto niya na agad tapusin ang pag-uusap nila. “Mga ka-schoolmate ko po. May pinuntahan lang ho.” “Kagabi ka pa wala, ah. Saan ba kayo nagpunta?” pagpapatuloy nito. “Nakausap niyo na ho ba sina Mommy?” tanong niya rito. Diretso niyang hinarap ang mga tingin nito. Hindi naman nagpatinag ang babae at tinitigan siya nito pabalik. Kumpleto ang getup nitong pang-chismosa at may hawak-hawak pa itong abaniko.  “Naku, hija, nag-aalala ang Mommy mo. Hindi ko nga alam ang sasabihin ko kung saan kayo nagpunta, eh. Ba’t naman kasi lumayas-layas ka pa?” Nagpaypay na ito. Nainitan na kabibilad sa araw, masalo lang lahat ng pwede nitong malaman sa mga kapitbahay nito. “Diyan-diyan lang ho.” Itinaas na niya ang kamay at nagsimulang humakbang palayo. “Maglinis ho muna ako ng bahay. Mauna na po ako. Salamat po.” Tuloy-tuloy lang ang lakad niya at hindi na niya ito nilingon pa. Itinago niya ang Ziplock at saka na lang niya iyon gagamitin kapag walang nangmamata sa kanya. Mamaya ay maamoy pa ang aroma niyon at isumbong pa siya ni Aling Marites. Tiningnan niya ang phone niya at wala siyang natanggap ni isang text mula sa boyfriend niya. Okay lang yata rito na hindi sila nag-uusap ng ilang araw. Mukhang nasasanay na ito kaya siya na ang naunang nagpadala ng mensahe.  Sa tingin niya naman ay hindi ito ang relasyong pangmatagalan. Malalaman niya naman iyon kung saan sila dadalhin ng pag-uusap nila. Parang pinasok lang nila iyon dahil nagkagustuhan sila na hanggang pang-pisikal lang. Hindi siya pwedeng magpakasiguro kay Alex dahil nalalayo ito sa kanya. Hindi niya ito kayang bantayan 24/7. Kahit na sabihin niyang may tiwala siya rito ay magsisinungaling siya kapag sinabi niyang hindi sumagi sa isip niya na baka magloko ito. Pero ano ang mapapala nito sa gagawing pangloloko nito gayung ito ang nagpapadala ng pera sa kanya? Mas malaki ang talo nito sa kanya. Maayos naman sila kung mag-usap. Pinapaunawa niya ang mga short term goals nila bilang couple. Okay naman sila. Hindi naman ito nagkukulang ng pang-unawa. Minsan lang ay sumosobra kapag sinabihan niya itong kailangan niya ng personal space. Magpapakalayo talaga ito at siya naman ang mag-o-overthink.  Hindi niya maiwasang mag-overthink dahil may itsura si Alex at maraming babae ang mas maganda sa paligid nito.  Kung siya ang magloloko, wala naman siyang mapapala.  Nang maipadala na ang mga mensahe kay Alex, tinotoo na niya ang sinabi sa kapitbahay na maglilinis siya ng bahay. Napakatigas talaga ng puso ng Mommy niya kapag ang Papa na niya ang nagpapalayo ng loob nito sa kanya. Lagi nitong sinusunod ang sinasabi ng Papa niya palibhasa ay takot din mawalan ang Mommy niya ng asawa. Hindi lang masunod ang kagustuhan nito ay nananakot itong iiwan sila. Hindi sanay sa paghihirap ang Mommy niya. Iyong humahalik na sa lupa at namamalimos na hirap.  Pero bakit kaya siya ginigipit ng mga ito? Alam naman ng mga ito na nakakabawi siya sa mga grades niya sa school. Oo, nagkakamali siya. Maraming beses pero patuloy pa rin siyang bumabangon. Mali niya na pinapaulit-ulit niya ang mga kalokohan niya sa buhay dahilan upang masira ng tuluyan ang tiwala ng mga ito sa kanya. Pero labis naman na yata ang ginagawa ng mga ito sa kanya? Walang WiFi connection, kinuha ang isa niya pang phone, pati na ang debit card. Baka sa susunod ay kunin na pati ang susi ng bahay. Sinabihan pa na kung hindi niya pag-iigihan sa pamantasan ay baka hindi na siya pag-aralin. Mali niya talaga na lagi niyang sinusuway ang mga ito pagdating doon. Hindi niya rin maiwasan dahil talagang malupit ang mga tao sa school niya. Halos ituktok na sa ulo niya na boba siya. Nakakawalang gana na mag-aral, sa totoo lang. Pero pilit niyang tatapusin ang mga nalalabing semestre para pagka-graduate niya ay maghahanap siya ng trabaho at kapag nakaipon na ay magpapakalayo siya. Mula sa mobile app na w******p ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Mr. Blue. Anito ay tutugtog ito mamaya sa Desperados. Just what she needs.  Nang hindi agad siya naka-reply ay nag-miss call ito. I read your text. I’ll be there tonight, ang sagot niya rito. Tumawag itong muli at sinagot niya na iyon sa pagkakataong iyon. “Yeah?” ang bungad niya. “You okay, Luna?” pagkumusta nito.  She sighed. “Not great but doin’ okay. I’m hanging here, mate.” “Yeah? You sure you wanna come tonight?” paniniguro nito. Nagkibit-balikat siya na parang nasa harap ang kausap. “Wala naman akong ibang gagawin, eh. I might as well enjoy my time outside. Nakakasuka lang dito sa pamamahay namin.” “Stay after my set. Let’s talk,” anito. “Ang lungkot ko na naman,” hindi niya mapigilang sabihin. “Luna…” “Bakit gano’n?”  “Ang alin?” “Ayoko na talaga… ang hirap kasi mismong mga magulang ko, basura ang trato sa’kin.” Hindi niya napigilan ang mapahikbi.  “This is the price you pay for being you, Luna,” anito. Nasaktan siya sa sinabi nito. “Please, for once, makinig ka na sa akin. Mamaya, mag-usap tayo ng masinsinan. Hindi pwedeng ganito ka habang buhay. Makinig ka na sa akin. I know what I’m saying. I can’t watch you self-destruct. I love you, okay? I care about you.” “I can’t shut off the pain,” she said. Mr. Blue chuckled. “Yes, you do, sweetheart. Kaya nga kung anu-ano ang ginagawa mo para lang maalis ang sakit, ma-divert ang atensyon mo.” “Don’t drop the call. Stay with me po, please?” pagmamakaawa niya. “I’m here. I’m here…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD