Chapter 9

1040 Words
KASALUKYANG NAGME-MERIENDA ANG tatlo sa 7-11. Laman na naman sila ng convenience store. Si Clip ay tumitingin na naman ng makakain. They skipped brunch and went straight to merienda. Wala halos laman ang tiyan niya kundi ice cream at soy milk na nailabas niya kaninang nag-CR siya. Baka nga dinner na nila ito dahil mamayang gabi na ang alis nila.  Tama si Romano, may mga klase pa sila. Responsibilidad nilang pumasok. Kung wala lang silang pasok kinabukasan ay ipipilit niya ang pag-stay sa Tagaytay kahit na si Monique lang ang kasama. Ngunit katulad ng sinabi ni Romano ay hindi nila basta-basta maisasantabi ang pag-aaral. Ipinasya niyang huwag muna tumingin ng makakain dahil kanina pa nagpapapansin ang dalawang kalalakihan sa kanya. Iginigitgit na siya ng mga ito. Hindi siya makapag-isip kung ano ang gustong kainin, tinatanggalan pa siya ng personal space. Balot na balot na nga siya kung tutuusin. Naka-jacket, naka-pantalon. Kailangan ba mag-ski mask na rin siya?  Napansin ni Monique ang pagsambakol ng mukha niya. Nilingon nito ang pinanggalingan niya at sumama rin ang mukha nito nang makita ang mga lalake. “Did they bother you?” asik nito. “Sa akin ka ba galit o sa kanila?” tukso niya rito. “These f*****g sons of bitches!” gigil nitong sabi sabay tayo. Agad na hinawakan ni Romano ang kamay nito. Magkatabi ang dalawa at kaharap niya ang mga ito. Madali na para kay Romano na pigilan ito. “Let me go, Romano. I’m just gonna have a word with those jerk offs.” “Monique,” maawtoridad na tawag ng lalake sa kaibigan. Sa gulat niya ay kahit siya ay nakinig dito. Tumuwid siya ng upo at inayos ang pagkakalapat ng mga paa sa sahig. Si Monique ay mataman din ang pagkakatingin dito. “Hindi ka pakikinggan ng dalawang bugok na ‘yon. Ikaw ang susunod nilang ha-harass-in. Wala kang mapapala sa mga tarantadong ‘yon,” ani Romano. Iwinaksi ni Monique ang kamay nito. “What would you rather have me do? Stay still and quiet? f**k that!” Nag-martsa na ito palayo. “Monique!” tawag ni Romano at hinabol ito. Napatayo na rin siya.  Tumingin ang dalawang lalake sa kanila. Tinuro ni Monique ang dalawa. Hinaklit ni Romano ang kamay ni Monique at kinabig ito palapit. “Stop,” he whispered.  “Why?!” Monique shrieked. “May nag-aabang pa sa kanila sa labas. May mga kasama sila,” wika ni Romano at disimulado nitong sinenyas ang tinutukoy nito. May tatlong lalake sa labas na pinapanood sila habang nakatambay sa isang saasakyan. “f**k,” gigil na bulong ni Monique. Naupo na ulit sila.  “It’s sad,” si Monique. “We’re branded as skanks but once we defend ourselves, we’re obnoxious and loudmouth. Sa’n kami lulugar?” “I can’t protect you both, that’s the sad part,” si Romano. “You can shout expletives but I cannot anti-machismo back. I’m alone. Also, one v five? Puta, luge.” “We can be both,” ani Clip. “Kung bibigyan ng pagkakataon.” “What do you mean?” si Romano at Monique. Pumasok ng store ang tatlong lalakeng kasama ng susugurin sana kanina ni Monique. Iyon na ang hinihintay niyang pagkakataon. Sinabihan niya ang dalawa na umalis na sila roon. Sumunod naman ang mga ito. Madali ang naging pagkilos niya. Umikot siya sa kotse ng mga lalakeng nambastos sa kanya bago sumunod kina Romano. “Gutom pa ako. Jollibee tayo,” anyaya niya. “Bilisan mo, Romano. Let’s hit the road.” Nagtataka man ay pinaandar na ni Romano palayo ang kotse. “You key’d their car?” tanong ni Monique. “Hmm?” aniya na nakatingin sa labas ng bintana. “Cliiip,” tawag ni Monique. “Tell me you did.” “Yes. Sana lang ang may-ari niyon ay isa sa dalawang bastos na iyon,” ani Clip. “I’m not stopping this car until we get out of Tagaytay. Your Jollibee can wait. Mahirap na, baka sundan pa tayo,” si Romano na palinga-linga sa paligid. Ilang sandali pa’y nagsalita ulit si Romano. “Have you done it before?” tanong nito.  “Key someone else’s car?” si Clip. “Oo.” “Hindi pa,” si Clip. “I did,” sagot ni Monique. “Oh?” ani Romano. “That’s where I got the idea. Nakibagay naman ang mundo nang pumasok sila ng convenience store at binigyan ako ng window para gawin iyon. Kahit doon na lang ako bumawi,” sabi ni Clip. “Tayo pa ang mali kapag nag-reklamo tayo,” si Monique. “Ang gulo talaga ng mundo. Ang mga babae na nga ang naagrabyado, tayo pa ang sisisihin kapag lumaban tayo pabalik. Hindi naman kami mga s****l objects, ‘di ba?” “What?” si Romano. “Are we your toys, Romano?” ani Clip. “What the hell, Clip?” hindi makapaniwalang tanong ni Romano. “No, you’re not. Women are not toys. Hindi ko lang kayo maipagtatanggol parehas. Mahirap basahin ‘yong sitwasyon kanina. Hindi pa natin ‘to teritoryo. Alam kong gusto niyo lang ipagtanggol ang mga sarili niyo. Ang masasabi ko lang, sa itsura pa lang nila, alam kong lalabas lang iyon sa mga tainga nila. Kahit anong sabihin niyo, hindi nila kayo pakikinggan. I’ll do better next time. Sorry.” “Am I your toy, Romano?” si Clip ulit. “What—Clip, what the f**k?” Nakatingin na si Romano sa kanya sa rearview mirror. “Saan nanggaling iyan?” “I don’t know what you see in me. Why you like me. Do you still like me? Do you prefer na maging magkaibigan na lang tayo?” “Monique’s my friend,” simula ni Romano. “You can’t take that away. Kung nasaan siya, nandoon din ako. I have no choice but to be your friend, right? May boyfriend ka. ‘Am I your toy’? What the f**k is that? Seriously? Clip, what the f**k? Ang baba naman ng tingin mo sa akin para itanong sa akin iyan. Iniisip mo ba na nagustuhan kita dahil sa reputasyon mo? Ganoon ba kababa ang tingin mo sa ating parehas? Bakit naghahanap ka ng paghahagisan mo ng adrenaline rush mo kanina? ‘Yan ba ‘yong epekto ng pagkaskas mo kanina sa kotse nila? ‘Yong hindi mo sila nabigyan ng piece of mind mo kaya sa ibang bagay mo ibubuhos? What are you trying to get here? A reaction from me? Gusto mong marinig bakit kita gusto? Isn’t that something to be talked about in private? God, I hate how I’m reacting right now. I truly think you only asked that to get a reaction from me and you getting off from that rush. What a waste.” “What a waste, indeed,” si Clip. “You’re a good kid, Romano. Don’t die on me.” Tumingin ang dalawa sa kanya. “Hun, are you okay?” Hinawakan ni Monique ang kamay niya. “You’re right, Romano. And I’m sorry,” said Clip and didn’t offer any explanation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD