Chapter 8

1166 Words
IT WAS TWELVE THIRTY in the afternoon and their classmates were flooding them text messages asking where the hell they were. Ilang oras pa lang nakakatulog si Clip. Pagkatapos nilang mag-7-11 para kumain ng ice cream ay nag-check in sila sa isang motel at nag-share sa iisang kwarto na may tatlong kama.  Hinahanap sila ng mga kaklase nila. May na-miss siyang quizzes sa ilang subjects niya, gano’n din siguro sina Monique at Romano dahil panay ang vibrate ng phone ng dalawa. Sinabihan niyang i-silent ng mga ito ang devices nila dahil isa iyon sa dahilan kung bakit gising na siya.  Masakit ang mga mata niya sanhi ng pagtama ng liwanag ng phone niya. Gising na ang mga kasama niya pero wala pa ring bumabangon. Ilang beses na niyang hininaan ang aircon ng kwarto pero hindi niya makuha ang tamang temperaturang hinahanap ng katawan niya. Nilalamig pa rin siya. Hindi siya pinatulog niyon. Panay ang tayo niya para magbanyo.  Hindi lang ice cream ang pinunta nila sa 7-11. Tumambay rin sila roon para magkwentuhan. Tamang usap lang sa mga s**t sa buhay at kung anong plano nila in the near future. Hindi niya akalain na mapapakwento siya ng mga balak niya sa buhay. Ganoon ba talaga ang tama kapag pakiramdam mo nasa tamang company ka at kapag a las tres ng umaga?  Nakailang soy milk siya kaninang umaga. Buti na lang at hindi nasira ang tiyan niya sa mga kinain at ininom niya. Mas gusto niya talaga ang usapan kapag hindi lasing. Ang daming pwedeng puntahan ng isip kapag hindi nadaluyan ng alak.  Nalasing siya sa AC ng 7-11, sa soy milk, sa kwentuhan, at sa halakhakan nilang tatlo. Aaminin niya na worth it ang mga na-miss niyang quiz ngayong araw. Pwede niya namang bawiin iyon.  Iyon ang hindi alam ng mga kaklase niya. She might appear ‘boba’ pero hindi siya tinatanggalan ng chances ng professors niya na bumawi dahil kapag bumawi siya, bigay todo siya. Kilala niya ang mga propesor niya at alam niya kung sino sa kanila ang mahigpit at hindi. Tinataon niya ang kalokohan kung sino ang nakasalang na magtuturo.  She’s the village idiot, right? Pangangatawan niya iyon hanggang sa malaglag ang mga panga ng mga nanlalait sa kanya kapag umakyat siya sa entamblado na may honor sa pangalan. Sisiw lang ang mga subject niya kung tutuusin. Kailangan lang mag-memorize at lakas ng loob para sa reportings.  Basta siya, kaya niyang pagsabayin ang good time at ang abilidad na masama sa president’s list.  “Can somebody turn off the AC and just open the f*****g windows?” ani Monique na nagtalukbong ng kumot.  Agad siyang tumalima at pinatay iyon. Siya na rin ang nagbukas ng bintana ng kwarto. Pagkatapos ay bumalik sa pagkakahiga at nag-e-mail sa ilang professor niya para humingi ng palugit sa na-miss na activities at quiz. “Gutom na ba kayo?” tanong ni Romano habang nakabaon ang mukha nito sa unan.  “Huh?” tanong niya habang busy sa pagkalikot sa phone. “Kung gutom na kayo kako,” ulit nito, mas malinaw na ngayong hindi na ito nakasubsob sa unan nito. “Bakit, bababa ka ba?” tanong niya rito. “Kung gutom nga kayo, ang kulit,” singhal nito. Tinawanan niya lang ito. “So, hindi kayo gutom?” si Romano. “Paulit-ulit!” si Monique. “Kung gutom ka, bumaba ka. Bumili ka. Bahala ka na kung mag-aakyat ka ng pagkain dito. Hayaan mo kaming matulog. Istorbo!” nanggagalaiti na sabi nito. Kakamot-kamot sa ulo si Romano. Naupo ito at pinagmasdan si Monique. “Sorry. Ang cute mo pala kapag bagong gising,” he teased. Napabalikwas ng bangon ang isa. “Yucks! Stop staring!” Binato ni Monique ang lalake ng unan. “Yucks daw?” ulit ni Romano. Kinuha nito ang unan. “Akin na ‘to, ah.” Bumalik ang lalake sa pagkakahiga. Napatigil si Monique. “Hindi ka bababa at bibili ng food?”  Romano murmured something. “Why did you ask then? Nanggising lang ang walangya.” Bumalik na si Monique sa pagkakatagilid nito. Tinalikuran na niya ang dalawa at nagmuni-muni. Walang silbi ang kurtina sa kwartong iyon. Pumapasok ang sikat ng araw at sakto iyon sa puwesto niya. Sabagay. Ano ba naman ang aasahan niya sa isang cheap motel? Isang araw lang naman sila rito kaya hindi na sila naghanap ng mamahaling pag-i-stay-an.  Pero sana ‘di ba, sana hindi matigas ang kutson. Sana hindi amoy moth balls ang punda ng unan. Sana rin ay kinapalan ang kurtina para hindi ganitong nakikita niya kung gaano na kataas ang sikat ng araw. Pati ang banyo, paubos na ang tissue. Konsolasyon na lang na kumpleto ang toiletries do’n. Buti siya ay dala niya ang buong buhay niya sa bag niya. Paano ang dalawa? Ni toothbrush nga ay wala ang dalawa. Buti na lang ay may malapit na convenience store.  “Alam niyo,” sabi niya. Nakarinig siya ng mahinang paggalaw mula sa mga kasama na katulad niya ay walang ibang gustong gawin kundi ang mahiga lamang. “Wala pa akong balak umuwi.” Doon lang niya nilingon ang dalawa. Katulad ng inaasahan niya ay nakatingin sina Monique at Romano sa kanya. Naupo na si Monique at tinitigan siya. “Okay lang sa akin,” ang naging tugon nito. “Hindi siya imbitasyon para samahan ka namin dito, I know. All I’m saying is, just like you, I’m not ready to face the world we left in Bulacan. Messy ang buhay ro’n. Unlike dito, we can stay up late, drink energy drinks to our heart’s content, ako lang pala ang mahilig sa energy drink. Uhm, what else? Umaktong walang responsibilidad, even in a short amount of time.” “A breather,” sang-ayon ni Romano. “We all need that. I just can't afford it every now and then because I’m not like, you, guys. Wala sa’kin iyong pagrerebelde, kumbaga. But I can say this. Handa akong damayan kayo kung kinakailangan.”  “Ayoko pang bumalik kasi wala naman akong babalikan.” Naupo na rin si Clip at hinarap ang dalawa. “‘Yong pag-aaral ko? Madali na lang ‘yon. Outside of that scope, wala na talaga.” “We only have a year left. Easy peasy na lang, right?” si Monique. Kumukuha ito ng kursong Business Ad habang si Romano ay isang Journalism student. “Para sa akin, oo. Nandito na tayo, eh. Ngayon pa ba tayo panghihinaan ng loob?” aniya. “Riiight. Heads up na lang sa susunod, ha, guys? I have responsibilities din kasi,” si Romano. “Uuwi ka?” tanong ni Monique kay Romano. “Not right now. Mamayang gabi siguro. We still have classes, you know.” “Let’s go back this weekend,” aniya sa dalawa. “This Friday night,” si Monique. They all agreed and went back to bed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD