MONIQUE WAS FAST asleep in the car. It was just Clip and Romano. Nagpapatugtog na lang si Clip dahil hindi niya alam kung paano sisimulan ang small talk dito. Hindi naman talaga sila close. Si Monique ang lagi nitong kasama. At dahil alam naman niyang may gusto ito sa kanya, hindi niya ito binibigyan ng rason para lumalim ang nararamdaman nito sa kanya.
“Are you okay?” sa gulat niya ay tanong ni Romano sa kanya. Nasa backseat silang dalawa ni Monique, walang gustong tumabi rito.
“Why’d you ask?” balik-tanong niya rito.
“School night. Tagaytay. Not up your alley,” anito.
Natawa siya. “Tama naman. ‘Yon nga lang, hindi ko na rin talaga alam. Hindi na rin kasi ako makahinga sa amin. Sa akin okay lang ‘to, pero ikaw, paano ‘yong mga klase mo bukas?”
“Iyon talaga ang concern mo?” anito na tinapunan siya ng tingin sa rearview mirror.
Tumango siya. “Oo. Kung kami lang ni Monique, okay lang. Mas okay na walang nadadamay na iba. Alam mo naman na siguro ‘yong mga s**t namin. Sanay na kami sa ganito. Pero ikaw, you got good juice on you. Huwag mong sinasayang sa pagsama sa amin.”
“You’re alright, most of the time. You don’t seek validation from unimportant people. You know, mga taong hindi naman kayo pinapalamon at walang say sa buhay niyo. It’s just that… these stories that you got people so invested with. Why bother with that?” tanong nito.
Sinapo niya ang noo. “Oh, Romano. I have always dressed so provocatively, as they call it, because it’s right there in my f*****g eyes. Every time I visit the mall, they have these beautiful peplum tops, crocheted bikinis, rompers, short shorts and what have you. Pinag-ipunan ko sa mga baong binigay nila Mommy sa’kin. Syempre, I have the liberty to flaunt them. Nando’n na kasi ako sa point na kumportable ako sa balat ako. You can never go back once you’re liberated from all them fuckwits. Kasalanan na ba ngayon na magsuot ng mga damit na tinitinda sa malls, ang magsuot ng uso ngayon?”
“And the boyfriends?”
Kinilabutan siya. “Ugh. Minsan lang akong nakitang may kasamang lalake, natsismis pa. Every time I go out with Monique’s friends na mga lalake, matsitsimis pa rin ako. Mga walang hobby ang mga tao rito sa’tin. Asa na lang sa nasasagap na kwento. Papalaki lang ng bayag, papauga lang ng pepe, tamang popcorn habang nakikinig sa mga kwentong barbero hanggang sa nagkandaleche-leche na ang buhay ko. Kinagat na nila ‘yong mga kwentong walang basehan. Bakit di ko pa lubusin? Lahat ng marinig nila tungkol sa akin, papatusin nila. Iba-ibang version pa nga ang nakararating sa akin. Akala mo may pa-contest ng fanfiction para gawan ako ng iba’t ibang version. Ah, good old Marites. ‘Di nawawalan ng masasabi sa akin.”
“Iyong kapitbahay niyo?”
“Sino pa ba? Nagmistulang CCTV na iyan ng kalye namin. Which is good. Pero pagdating sa buhay ko, kinamumuhian ko ang matandang iyon.”
“You’re so famous they made you a nickname based entirely on a lighter,” natatawang sambit nito.
Napahagalpak siya ng tawa. “Right on. That was the day I knew I was that famous.” She chuckled.
“And not many really know your real name,” he said.
“Yup. I don’t mind. Mas okay pa nga.” She clicked her tongue. “May inaalagaang imahe, eh.”
“Dominique,” tawag nito.
Napaupo siya ng maayos at agad na tumalima sa tawag nito. Tuwid na tuwid ang likod niya at nakatitig siya sa mga mata nito sa salamin. “What?” angil niya.
“Your name. It’s Dominique Luna, right?” anito sa mababang tono.
Nakatingin lamang siya rito.
“Is no one calling you that?”
“Only Sinatra Blue calls me by my second name.”
“Why is that?”
“I asked him to.”
Ginilid ni Romano ang kotse at nilagay iyon sa hazzard. Inilagay nito ang kanang kamay sa likod ng headrest ng passenger’s seat at nilingon siya. “Monique didn’t like it that you almost have the same name?” tanong nito.
Tumango siya.
He sighed. “Kukunin ko lang iyong pina-take out ko rito.” Lumabas na ito.
Sinilip niya ang hinintuan nilang pares house. Napahawak siya sa tiyan nang kumalam iyon. Akala niya ay hihintayin pa nilang makarating sila sa Tagaytay bago makakain. Buti na lang ay nagkusa si Romano. Kung hindi pa nito itinigil ang sasakyan ay hindi niya maaalala ang gutom niya.
“I’m sorry about the name,” bulong ng katabi niya.
“Jesus Christ!” sigaw niya nang magulat siya sa paggalaw ng katabi niya. Mulat na ang mga mata ni Monique at diretso lang ang tingin. Ang katawan nito’y basta na lang inihimlay, mahanap lang ang kumportableng pwesto. Para itong patay kung tingnan.
“Gising ka na pala, hindi ka man lang nagsasabi,” reklamo niya kay Monique.
“It was selfish of me to take the name Monique,” anito. “And forbade you to not use your first name. It’s my fault everyone had to call you Clipper. Damn that f*****g lighter. To think that you’re not much of a smoker. You just happened to have one for your dear friend,” she said, clicked her tongue, then pointed at herself. “Which is me. Monique. Ang pupwede lang tawaging ‘Monique’.”
“Selfish brat,” Clip declared.
“I am,” she whispered. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “You’re a good kid, Clip.”
“Yeah?” Hindi niya alam kung paano magre-react sa sinabi nito.
“Don’t die on me.”
“Morbid.” Kumawala siya sa hawak nito. Kinikilabutan siya sa sinabi nito.
“I meant,” said Monique as she sat straight.
Saktong dumating si Romano dala ang mga pagkaing nakalagay sa Styro. “There’s one for every one,” anito saka ipinasa isa-isa ang pagkain.
Lalo siyang nagutom nang maamoy ang pagkain. Nag-ingay ulit ang tiyan niya. Sa wakas ay masasayaran na ang sikmura niya ng pagkain.
“You were saying?” bulong niya kay Monique.
“Hmm?” anito habang inaamoy ang pares. “Nakalimutan ko na.”
“Pares hits different on a midnight stroll,” ani Romano habang unti-unting hinihigop ang sabaw.
“Midnight stroll?” angil ni Monique. “f**k that. We’re still going to Tagaytay, don’t forget that. I hired you to drive us all the way there.”
“Relax,” ani Romano. “Savor it. Lasapin mo. Take it all in.”
Tumawa siya. “Oh, god. You’re such a pares freak.”
“Thank god for pares!” wika ni Romano na itinaas pa ang libreng kamay nito.
Napapikit sa sarap si Clip nang maramdaman ang init sa lalamunan sa unang lunok niya ng pagkain. “Drugs can never with this pares,” aniya.
“What drugs are you taking, hun? You might wanna change your supplier,” ani Monique na nakatawa.
“I ain’t tellin’,” si Clip na sarap na sarap sa mainit na pares.