CHAPTER 02

1549 Words
"Bumili na tayo ng snack natin tapos doon tayo tumambay sa may paragola. Mukhang maganda dun at makulimlim," suhestiyon ni Elisha habang nakaakbay dito ang boyfriend na si Klint. Recess na namin at kasalukuyan kaming naghahanap ng pwesto. "Ano okay lang ba sayo Selena na doon tayo tumambay para mag-snack?" tanong sa akin ni Lucas. Tumango lang ako sa kanya. May hawak na itong mga chichirya at tatlong bote ng C2. Inilinga ko ang paningin sa paligid. Maraming estudyante ang nagkalat at may mga naglalaro pa ng basketball sa court malapit sa gym ng school. Napakalaki ng gym at kalahati lang nito ang gym ng eskwelahan namin sa Maverick Academy. Marami ding puno sa paligid at matataas ang building pero malalaki ang espasyo ng mga ito. Napakalawak ng lupain na kinatatayuan ng paaralan at siguro ay kulang ang isang araw kapag nilibot mo ito ng buo. Naglakad na kami papunta sa paragola at naupo sa paikot na upuan. "Nasaan si Stanley?" tanong ni Jackie. Wala si Stanley at hindi namin ito kasama. Nasaan nga ba ang isang 'yon? "Bumibili pa siguro sa canteen, nakapila kasi ang mga estudyante at masyadong maraming tao," sagot ni Trinity. Inabot sa akin ni Lucas ang isang C2 at binuksan nito ang piattos na hawak-hawak. Inalok nya ako kaya dumukot naman ako. "Ang lawak ng school na ito," sabi ko habang pinagmamasdan ang kabuuan ng paaralan. "Oo nga pero ang ganda at maraming chicks!" Nagtaas-baba ang kilay ni Lucas habang sinisipat ang ilang kababaihan na naglalakad. Pumito-pito si Lucas dahil kitang-kita ang makikinis na binti ng mga ito. Ganoon ba talaga kaiksi ang palda sa school na ito? Well hindi naman siguro dahil yung tatlong babae lang na iyon ang nakita kong ganoon kaiksi ang palda, kinapos yata sa tela. "Takpan mo nga ang mata mo Klint," nakangusong sabi ni Elisha sa kasintahan nang mahuli nito na nakatingin si Klint sa mga babae. "Huli ka gago!" tatawa-tawang sabi ni Lucas at napailing naman si Klint habang hinihimas ang batok na kinurot ni Elisha. "Babe naman, ang papangit kaya nila. Ikaw lang ang maganda sa paningin ko ano ka ba?" Inirapan lang ni Elisha ang nobyo at napailing-iling naman si Jackie habang pinupunasan ang salamin nito sa mata. "Ang mga lalaki talaga kapag may nakita lang na chicks kahit pa kasama ang girlfriend eh humahaba ang leeg," anito. "Subukan nya pang tumingin ulit at ibibigay ko na lang sya sa mga mukhang clown na iyon," inis na sabi ni Elisha. "Napaka-selosa mo naman Elisha. Hindi ka naman ipagpapalit ni Klint sa mga 'yun. Hamak ganda mo kaya dun," sabi ni Trinity at binuksan din ang chichiryang inabot ni Lucas dito. Nasa kalagitnaan kami ng pagkukwentuhan nang mapansin ko na tila may babaeng nakatingin sa amin mula sa itaas ng Belmonte Hall. Iyon kasi ang nabasa kong nakasulat sa building na iyon na nasa tabi ng Science Garden. Nakaramdam ako ng kilabot lalo pa nang biglang umihip ang malakas na hangin at nawala sa paningin ko ang babae. Napakurap-kurap ako. Namamalikmata na naman ba ako? "Hey! Tulala ka na naman Selena, ano bang nangyayari sayo?" tanong sa akin ni Trinity. "M-may babae..." sabi ko at hindi pa rin inaalis ang tingin sa taas ng Belmonte Hall hindi kalayuan sa pwesto namin. "Huh? Natural marami naman talagang babae dito ano ka ba?" sagot ni Trinity sa akin. "Palagi ko syang nakikita, marami syang dugo sa katawan at pati sa mukha." Napatitig sa akin si Lucas maging ang iba pa naming mga kasama. "Huwag ka nga magbiro ng ganyan Selena ang aga-aga ay nananakot ka," sabi pa sa akin ni Elisha at yumakap sa nobyo nito. "Hindi ako nagbibiro nagsasabi ako ng totoo." Bakas ang takot sa tinig ko dahil totoo naman na may nakikita talaga ako. Sino ba kasi ang babaeng iyon at bakit ito nagpapakita sa akin? Wala akong ideya at hindi ko gusto iyon dahil natatakot na ako. "Guni-guni mo lang yan Selena, huwag kang masyadong nagbabasa ng mga horror books." Tinapik-tapik ni Lucas ang balikat ko. Natanaw namin si Stanley na humahangos palapit sa amin. "Oh, Stanley saan ka ba nagpunta? Ano nangyari sayo?" tanong ni Lucas dito. Butil-butil ang pawis sa noo ni Stanley. "Pinuntahan ko lang si Ma'am Klarissa Barromeo," anito na ang tinutukoy ay yung magandang teacher namin kanina. "Pambihira ka talaga Stanley, huwag mo sabihing popormahan mo 'yun? Mapapatalsik ka dito tanga! Alam naman nating bawal 'yon," sabi ni Lucas. "Hindi naman, nakipagkwentuhan lang naman ako sa kanya eh. Ang ganda kasi ng mukha nya nakakahumaling," nakangising sabi nito. "Sus! 'Yang mga galawan mo talaga Stan, tsk tsk!" si Jackie habang kumakain ng cookies. "Teka pahingi nga nyan." Nilapitan nito si Jackie at akmang kukuha ng cookies pero mabilis na inilayo iyon ni Jackie. "Wala ka bang pambili? Ang yaman-yaman mo tapos makiki-share ka pa sakin," ani Jackie at tila biglang nagbago ang mood nito. Anong nangyari? "Sus! Ang sungit mo naman parang hihingi lang eh, ang damot mo!" Pinilit pa rin dumukot ni Stanley sa cookies na hawak ni Jackie pero binaluktot nito ang daliri ni Stanley. "Ouch! What the?!" "Ano? Sige subukan mong magmura!" Inambaan ito ni Jackie ng kamao at naiiling na naupo si Stanley malayo kay Jackie. Tumabi ito sa amin ni Lucas at nakidukot sa piattos na hawak ko. "Ang hirap kaya pumila sa canteen, tinatamad akong bumili kapag ganoon," reklamo nito. "Kaya ka mangbuburaot samin ngayon? Nagpakahirap din kaya kami pumila sa canteen," sabi ko naman at nginitian lang ako ni Stanley. Ang totoo hindi naman ako pumila. Sinabi ko lang iyon para makunsensya ito, si Lucas talaga ang bumili ng pagkain ko. "Pati ikaw susungitan mo din ako? Hindi bagay sa'yo Selena, wag ka na tumulad sa isang 'yon!" Inginuso nito si Jackie na umirap lang kay Stanley. Hindi na ako nagsalita. Maya-maya ay binulabog kami ng nakabibinging mga sigawan. "Anong nangyayari?" tanong ko sa mga kasama ko at napatayo ako kaagad sa kinauupuan ko. Nagkukumpulan ang mga estudyante sa ibaba ng Belmonte Hall, tila nagkakagulo na roon kaya naman mabilis kaming nagpuntahan upang usyosohin kung ano man ang nangyayari. "Galing pa sya sa fourth floor, hindi talaga mabubuhay yan." "Grabe ang bata pa niya bakit nya kaya naisip magpakamatay?" "Sigurado ba na tumalon yan?" "Baka depression?" Rinig ko ang mga bulungan ng estudyante habang nakikisingit ako sa mga ito upang tingnan kung ano ang nangyari. Nang makasingit ako ay mabilis na napatakip ako sa sariling bibig. Nakahandusay ang isang lalaki mula sa ibaba at tumutulo ang dugo sa gawing ulo nito. "Patay na sya," sabi ng isang guro na lumapit dito at ipinikit pa nito ang mga mata ng lalaking nakadilat pa. "Hindi sya mabubuhay dahil sa taas ng pinanggalingan nya upang tumalon. Kawawang bata sinayang lang niya ang buhay niya, mamamatay din naman tayong lahat sana ay lumaban muna sya," iiling-iling na sabi ng isang estudyante. "Manahimik ka Lance!" galit na wika ng guro sa estudyanteng nagsalita kanina. "Ma'am wag na ho tayong maglokohan, lahat naman tayo ay nakatakda ng mamatay sa punyetang eskwelahan na 'to!" galit na sabi ng estudyante at kinaladkad lang ito ng guro palayo sa mga taong nagkakagulo upang mag-usyoso. "Maiuuwi kaya sya? Bawal lumabas ang kahit sino sa paaralang ito," anang isang babae na nakatingin pa din sa bangkay. Maliit lamang ito at mahaba ang itim na buhok, mayroon din itong bangs at masasabi kong maganda ito. Pero anong ibig nitong sabihin na bawal lumabas sa paaralang ito? "Miss, anong ibig mong sabihin na bawal lumabas sa paaralang ito?" tanong ko sa babae. Halatang nagtataka ito sa akin, hindi ko ito kilala at matinding kuryosidad ang pumasok sa akin kaya lakas-loob ko itong tinanong. "Hindi mo alam?" tanong nito sa akin. "Ano bang ibig sabihin mo Miss? Wala talaga kaming alam lahat dito dahil bago lang kami sa Sahara," singit ni Lucas na nasa likod ko pala. Narinig din nito ang sinabi ng babae kanina. "Hindi pwedeng lumabas ang mga estudyante sa eskwelahang ito. May sariling tuluyan ang paaralang ito para sa mga estudyante at nasa likod iyon ng school," paliwanag nito na ikinagulat naman naming pareho. "A-ano?" naguguluhang tanong ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito. Bakit hindi kami pwedeng lumabas sa paaralang ito? "Eh paano kung lumabas kami?" tanong ni Lucas sa babae. Ilang saglit itong natigilan bago sumagot. "Itataya ko ang buhay ko, pero kahit anong gawin mo ay hindi ka makakalabas sa eskwelahang ito. Naghihintay na lang kami sa kamatayan namin. Hindi nag-eexist ang paaralang ito at kahit saan ka pa magsumbong ay wala silang matatagpuan na Unibersidad sa Nueva Ecija na ang pangalan ay Sahara. May sa demonyo ang paaralang ito." Kinilabutan ako sa sinabi ng babae. "Tulad ngayon may kinuha na naman siya, hindi ako naniniwalang nagpakamatay ang lalaking iyon." Nakatingin ito sa bangkay ng lalaki na bitbit na ng guwardiya at ng isa pang lalaki sa guard-house. "A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa babae. Ngumisi lang ito, ngising nakakatakot dahilan para magtaasan ang mga balahibo ko. "Hindi yan nagpakamatay kundi pinatay." Yun lang at tumalikod na ang babae. Bakas sa mukha ko ang matinding takot ganoon din si Lucas na tila naestatwa sa kinatatayuan nito. Nagkatinginan kaming dalawa. "Kailangan na nating makaalis dito hangga't maaga," ani Lucas at daling hinawakan ang kamay ko paalis sa pwestong kinatatayuan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD