CHAPTER 03

1462 Words
"Dalian mo tumakbo!" sigaw ni Lucas sa akin habang kinakaladkad ako nito palayo sa mga estudyanteng nagkukumpulan kanina. "Teka lang sila Elisha naiwan pa sila," nag-aalalang sabi ko kay Lucas at lumingon sa pwesto nila Elisha na naroon pa din sa pinanggalingan namin kanina. Nagmamadaling binalikan ito ni Lucas. Kitang kita ko ang takot at pag-aalala sa mga mata nito, noon ko lang nakita na ganoon si Lucas. "Guys halina kayo, kailangan na nating makaalis dito!" tarantang sabi ni Lucas sa mga kaibigan namin dahilan para magtaka ang mga ito. "Anong nangyayari sayo Lucas? Anong aalis ang sinasabi mo dyan?" walang alam na sabi ni Stanley. "May sa demonyo daw ang eskwelahang ito, kailangan nating maka-alis dahil mamamatay din tayo kapag nanatili pa tayo dito!" Mas lalo akong nilukob ng takot dahil sa sinabi ni Lucas. "Naguguluhan ako, ano bang nangyayari?!" sabi ni Jackie at tila frustrate na frustrate ito habang nagpapalipat-lipat ng tingin kay Lucas at Stanley. "Saka na kayo magtanong, ang kailangan natin ngayon ay tumakas sumunod na kayo sakin!" sabi ni Lucas at kinalakadkad ulit ako. Hinila ko na rin sa kamay si Jackie para mapasama ito sa amin. Sumunod naman sila Elisha at Klint na halatang nagtataka pa rin. Naiwan si Stanley na iiling-iling. "Alam nyo napapraning lang kayo, unang araw pa lang ng klase, tsk tsk!" sabi pa nito at nanatiling nakatayo. "Kung ayaw mong sumama huwag, maiwan ka dyan!" inis na sabi ni Jackie. "Go on sige umalis kayo, bahala kayo sa buhay niyo," tatawa-tawa pa ito na akala mo ay biro lang para dito ang mga sinasabi ni Lucas. Sabagay wala naman kasi itong alam dahil hindi naman nito narinig ang usapan namin nung babae kanina. Patakbo naming tinungo ang kinaroroonan ng gate na syang pinasukan namin kanina pero wala kaming makita. Matataas ang pader ng building. Hinanap namin ang gate pero wala ito doon. Nasaan ang gate? Tandang-tanda ko na dito sa pwestong kinatatayuan namin ngayon ang mismong gate ng paaralan na siyang pinasukan namin kanina. "Tangina naloko na!" sigaw ni Lucas at napasabunot ito sa sariling buhok. "Nawawala yung gate!" ani Trinity na nanlalaki ang mga mata. Ganoon din si Jackie. "Tandang tanda ko na dito ako pumasok kanina pero bakit wala na ang gate?!" halos pasigaw na iyon ng sabihin ni Klint. Nagkatinginan kaming lahat. "Takbo!" sigaw ni Lucas at muli ay kinaladkad ako nito kasama na ang iba pa naming mga kaibigan. "Saan tayo pupunta?" kinakabahan at hinihingal na sabi ko. Nasalubong namin ang isang estudyanteng lalaki at huminto ito sa amin. "Huwag nyo ng tangkain tumakas dahil kung may choice man kaming gawin iyon matagal na rin sana kaming wala rito," anito at napailing. Nabigla naman ako dahil sa mga binitawan nito. Alam ba nito ang tungkol sa sinasabi ng babae kanina? Kung ganoon ay totoo ang lahat ng iyon? Muli akong binalot ng takot. Naramdaman ko ang pag-angat ng mga balahibo ko. "Anong nangyayari anong meron sa eskwelahan na ito?" tanong ni Elisha sa lalaki. "Ang alam ko lang may isang taong punong-puno ng poot kaya hindi matahimik ang kaluluwa niya. Naghihiganti sya sa pamamagitan ng pagpatay sa mga estudyante dito." Biglang tumawa ng malakas si Stanley, pumapalakpak pa ito habang naglalakad palapit sa amin. "Sinong gago naman ang maniniwala sayo? Ang multo hindi nyan kaya pumatay dahil hindi naman sila totoo. Huwag kayo magpapaniwala sa lalaking yan, tinatakot lang kayo nyan," sabi ni Stanley. "Paano kung nagsasabi sya ng totoo?" tanong ni Jackie. "Wala naman syang patunay sa mga sinasabi nya, yung pagkamatay ng estudyante kanina ay depress lang yon kaya tumalon," Napatingin ako sa lalaking kausap namin, umiling-iling lang ito. "Wala akong magagawa kung hindi kayo maniniwala aalis na ako," "Mas mabuti pa nga," sabi ni Stanley at sinundan na lang namin ng tingin ang lalaking lumayo. Nataranta ako nang biglang kuwelyuhan ni Lucas si Stanley. "Tangina ka magseryoso ka naman kahit minsan!" galit na asik ni Lucas bago binitawan si Stanley. Nabigla naman si Stanley dahil sa ginawa ni Lucas. "Anong problema mo? Naniniwala ka sa lalaking iyon?" "Bakit hindi? Ipaliwanag mo nga kung bakit hindi tayo pwedeng maka-alis dito? Nawawala yung gate ng school na 'to!" ani Lucas. Hindi nagsalita si Stanley at inilinga ang paningin. "Kanina pa namin hinahanap ang gate ng school pero hindi namin makita," sabi ni Jackie. "Tulungan mo ako..." Tila may narinig akong boses pero agad din iyong naglaho. "Selena anong nangyayari sayo?" tanong ni Klint nang mapansin na tila may iniisip ako. Napahawak ako sa magkabilang tainga ko at pilit inaalala ang tinig na narinig. Parang may narinig talaga ako kanina na humihingi ng tulong. "W-wala may narinig lang ako," "Anong narinig mo?" tanong ni Elisha. Tiningnan ko isa-isa ang mga kaibigan ko at naghihintay ang mga ito sa sasabihin ko. "Parang dumadaing at humihingi ng tulong..." "S-sigurado ka ba?" tanong ni Klint. "Narinig ko na ang boses na iyon," sabi ko at pilit pa rin inaalala ang boses ng babae. "Saan mo narinig?" tanong din ni Elisha. "H-hindi ko maalala," sagot ko. "Bumalik na lang tayo sa classroom, walang mangyayari satin dito," sabi ni Stanley. "Eh di ikaw ang bumalik doon mag-isa mo!" galit na sabi ni Jackie. Nasa kalagitnaan ng pagtatalo ang mga ito nang dumaan ang isang guro. "Section Sampaguita kayo hindi ba?" tanong nito sa amin. "Opo bakit po?" tanong ni Lucas, nakatingin lang kami sa gurong babae at sinisipat kami nito isa-isa. "Ako ang magtuturo sa third subject niyo bakit nandito pa kayo sa labas?" tanong nito. "H-hindi na po kami papasok, aalis na ho kami rito," nanginginig na sabi ni Elisha. Ilang saglit na tinitigan kami ng guro bago ngumiti at nagsalita. "First day of school pa lang aabsent na kayo? Hindi pa nga tayo magkakakilala," anito sa amin at ngumiti. Hindi ko alam pero nagbibigay ng kilabot sa akin ang ngiti nito. "Ma'am kailangan po naming malaman kung anong mayroon dito. Gusto na po naming umuwi pero hindi namin makita ang gate," sabi ni Jackie. "Mga hijo at hija ang mga estudyanteng hindi sumusunod sa mga guro nila ay pinaparusahan sa eskwelahang ito. Gusto nyo ba iyon? Bawal ang umabsent sa klase ko kaya umalis na kayo dito at pumunta sa classroom niyo," tila naging galit ang anyo nito kaya mabilis kaming nag-alisan at pumunta sa classroom namin. Natakot kami sa sinabi nitong may parusa ang bawat estudyanteng hindi sumusunod sa guro. Ano kaya ang sinasabi nito at ano ang ibig nitong ipabatid sa amin? Kinakabahan ako ngunit kailangan kong labanan iyon, nandito na kami, ang dapat naming gawin ay mag-isip ng paraan kung paano makakaalis sa eskwelahang ito. Maging ang mga guro dito ay wirdo, kami lang yata ang may hindi alam sa kung anong mayroon sa paaralan na pinasukan namin. Pumasok kami sa loob ng classroom kung saan nauna nang pumasok ang guro na kausap namin kanina. Bumalik kami sa kanya-kanya naming upuan at tumahimik. Bakante pa ang ibang upuan mula sa first row ibig sabihin ay wala pa sila Mike. "Nasaan ang mga naka-upo dito?" tanong ng guro namin. Binasa ko ang pangalan na nakalagay sa damit nito. "Gracia Elizcupidez." Napa-hikab ako sa isang gilid, nagsisimula na akong antukin at maboring. Pinagpasa kami ng 1/2 na papel ni Mrs. Elizcupidez kung saan nakasulat ang mga pangalan namin. "Ang boring sana hindi na lang tayo pumasok sa subject na to," bulong ni Elisha mula sa likod. "Shh, baka mamaya ay madinig ka ni Ma'am, 'di ba ang sabi nya kapag umabsent mayroong parusa. Tingin mo anong klaseng parusa kaya iyon?" ani Jackie. "Kung ano man 'yon ay hindi ko gustong alamin ikaw na lang kaya ang umalam," sabat ni Stanley na naririnig pala kami. Mukhang magtatalo na naman ang dalawang ito. "Hindi kita kinakausap kaya mahimik kang gago ka!" pagsusuplada ni Jackie. Akala mo talaga laging may LQ ang dalawang ito. Natahimik kami nang maglakad si Mrs.Eliscupidez palapit sa puwesto namin. "Tapos na ba kayo?" anito na ang tinutukoy ay ang pagsusulat namin ng mga numerong nasa pisara. "H-hindi pa po Ma'am," halos sabay-sabay naming sabi. "Madaliin nyo," may riin na sabi nito kaya napayuko kaming lahat at tinuloy ang pagsusulat. Napatingin ako sa pintuan nang pumasok sila Mike ngunit tatlo lang ang mga ito. Si Mike, Bruno, at Jerron lang ang pumasok, nawawala ang isang kasama ng mga ito. "Good morning Ma'am sorry we're late," ani Bruno. Tumango lang ang guro namin. "Maupo na kayo at magpasa ng pangalan nyo pakisulat sa papel at ibigay ninyo sakin," sabi nito at hindi na inalintana kung bakante man ang isang upuan sa harapan. Nang matapos ang oras nito sa klase namin ay humakbang na ito palabas. Pero nag-iwan muna ito ng nakakatakot na tingin sa amin. "Pumasok kayo palagi." Iyon ang huling salita na binitawan nito bago nawala sa paningin namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD