"Masyadong masukal ang daan papunta sa bahay-tuluyan ng eskwelahang ito, parang ayoko ng tumuloy kinikilabutan na ako," sabi ko habang nakakapit sa braso ni Lucas.
Kasalukuyan naming tinatahak ang daan patungo sa sinasabing bahay-panuluyan daw ng eskwelahan kung saan kami pwedeng magpalipas ng magdamag. Ayaw naming matulog sa eskwelahang iyon, mas lalo lang akong kikilabutan dahil kung ano-ano ang nakikita at nadidinig ko simula ng tumuntong ako dito.
"Sigurado ba yung nakausap mo kanina na dito ang daan? Bakit parang ang layo naman?" tanong ni Elisha na nakasiksik din sa nobyo nitong si Klint.
"Huwag na nga kayong maingay maglakad na lang tayo ng maglakad para makarating tayo agad," ani Stanley na nakasunod na rin sa amin. Siguro kahit papaano ay nawiwirdohan na din ito sa eskwelahang iyon pero ayaw pa rin nitong tanggapin na mayroong multo dahil hindi ito naniniwala 'dun.
"Aaaahhhhh!"
Sabay-sabay kaming napalingon kay Jackie nang sumigaw ito mula sa likuran. Ito ang nahuhuli sa amin sa paglalakad.
"What the? Anong nangyayari sayo?" tanong ni Stanley at binalikan ang nahuhuling si Jackie.
"M-may nararamdaman ako sa paanan ko!" diring-diri ang itsura ni Jackie at hindi maipinta ang mukha nito.
Natigilan kami at sinuri ang nasa paa ni Jackie na ayaw nitong tingnan dahil takot na takot ito.
"Jeez! It's just a frog Jackie ano ka ba?!" pahiyaw na sabi ni Stanley at umiling-iling.
Takot na takot pa rin si Jackie kaya nauna na ulit kaming maglakad ni Lucas, sumunod sa amin sila Trinity, Elisha at Klint.
"A-ayoko ng tumuloy!" sabi ni Jackie na natataranta pa din. Napailing naman si Stanley at pumalatak pero kapagkuwan ay mabilis na hinatak si Jackie.
"Pasan," anito at yumuko.
"H-ha? A-ano?"
"Are you fvcking deaf?! Ang sabi ko pumasan ka na sa likod ko nang maka-alis na tayo dito!" sigaw ni Stanley at wala namang nagawa si Jackie kundi ang pumasan sa likudan ni Stanley. Sigurado naman kasi na mas ayaw nitong maiwan mag-isa. Lahat kaming magkakaibigan ay desidido ng puntahan ang bahay-panuluyan na sinabi ng estudyante kanina.
Hindi ko rin alam kung bakit wala man lang kaming kasabayan na pupunta roon. Marami ding estudyante sa Sahara University pero bakit kami lang yata ang naglalakad ngayon para tunguin ang lugar?
6:30 PM na kaya madilim na ang paligid, nagtatalo-talo pa kasi kami kanina at naghihintay na baka sakaling makalabas kami ng eskwelahan pero nagawa na namin ang lahat ng pwede naming gawin at wala talagang malalabasan ang eskwelahang ito. Hindi kami makakaalis.
Kailangan naming makahanap ng tutuluyan para sa magdamag, at ayaw naming matulog sa loob ng classroom.
"Natatanaw ko na ang liwanag," sabi ni Klint nang bigla itong binatukan ni Lucas.
"What the f**k man?!" baling nito kay Lucas at hinawakan ang batok.
"Anong liwanag ang sinasabi mo? Hindi pa tayo mamamatay gago!" asik ni Lucas dito.
"I mean ayun oh, natatanaw ko na ang bahay-panuluyan,"
Tinuro ni Klint ang isang malaki ngunit tila lumang bahay, mataas iyon at napapaligiran ng mga naglalakihang punong kahoy. Nakasindi ang ilaw at natatanaw namin iyon. May mangilan-ngilan ding estudyante na natatanaw ko mula sa itaas. Nakasilip ang mga ito sa bintana. Ang bintana ay tulad ng mga nakikita sa sinaunang mga bahay noong araw.
"Napakaluma naman ng bahay na yan," ani Trinity habang pinagmamasdan ang kalakihan niyon. Malapit na kami at ilang hakbang na lang ay makakarating na kami roon.
"Haaay sa wakas!" sigaw ni Lucas pagkadating namin sa mismong bahay. Ilang saglit muna naming tiningala ang kataasan niyon. Nakangiti ang ibang mga estudyante sa amin mula sa itaas.
"Welcome guys!" sigaw ng isang babae.
"Hi babe, thank you!" nakangising sagot ni Stanley mula sa babaeng nasa itaas. Maganda iyon at morena.
Kahit kailan talaga si Stanley basta babae nagkakandarapa agad. Mabilis nitong ibinaba si Jackie at tinungo agad ang hagdanan ng bahay-tuluyan.
Nang lingunin nya si Jackie ay salubong ang kilay nito pero nawala din naman agad iyon.
"Tayo na," untag sa amin ni Lucas kaya sumunod na kami dito na pumanhik sa itaas.
Pagpasok namin sa loob ay maraming silid, sa tantiya ko ay nasa labing-dalawa na ang nadaanan kong silid. Iba pa ang nasa itaas.
May malawak na sala mula sa ibaba ng bahay. Kumpleto sa kagamitan kahit na mukhang luma na ang mga iyon. Ang mga upuan ay puro kahoy at mukhang noong araw pa.
Mayroong refrigerator sa isang silid na tinuluyan namin, may lutuan at mga gamit sa katawan tulad ng shampoo, toothpaste at mga sabon. Maraming stock at hindi ko alam kung saan nanggaling iyon.
"Dito na lang ba tayong lahat? Mukhang hindi tayo kakasya dito, doon na lang kami sa katabing silid," ani Klint.
"Sus! Gusto mo lang ma-solo si Elisha e," sagot naman ni Stanley.
"Bullshit ka! kasama namin kayo tanga, ang maiiwan dito ay sila Lucas, Selena at Trinity. Doon tayong apat nila Jackie sa katabing silid mukhang bakante pa naman iyon," sabi nito.
Ang mga nauna kasi naming dinaanan ay mga okupado na. Mukhang sakto talaga sa amin ang dalawang bakanteng silid na naiwan.
"Sige dito na lang kami," sagot ko naman kay Klint.
"Ilalagay lang namin ang mga gamit namin roon," ani Elisha at tumalikod na sa amin upang tunguin ang kabilang silid.
Ilang saglit kong nilinga ang paningin. Dalawa ang kama sa loob at malaki iyon.
Sino kaya ang nagmamay-ari ng bahay-tuluyan na ito?
Punong-puno ng katanungan ang isip ko nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun ang isang lalaking may bitbit na bag sa kaliwang braso.
"Ano 'yon may kailangan ka?" tanong ni Lucas. Nakilala ko agad ang lalaki, ito ang kaklase namin na na-late kanina.
Si Valorous Grant.
Nagtama ang paningin namin at nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga bago nagsalita.
"Makiki-share sana ako ng kwarto sa inyo. Wala na kasing bakante," anito sa malamig na tinig.
Ilang saglit na tiningnan kami ni Lucas, parang hinihingi nito ang permiso namin ni Trinity kung papayag ba kami. Nakakaawa naman ang kaklase naming ito kung hindi namin pasasamahin sa amon. Pumayag ako at ganoon din si Trinity tutal ay maluwag pa naman ang space ng kwarto dahil tatlo lang kami nila Lucas na naroon.
"Okay lang sa amin," sagot ko at tumango din si Trinity.
"Oo nga dito ka na lang Val," ani Trinity kaya nilingon ko ito.
"Why Selena?" nagtatakhang tanong nito sa akin nang mapansin nito na tila natigilan ako.
"Kilala mo siya?" balik na tanong ko kay Trinity.
"Kaklase natin sya hindi ba? Nabasa ko lang ang pangalan niya sa ID nya," sagot ni Trinity kaya napa-tango tango ako dito.
"Salamat!" sagot naman ni Val sa amin at inilapag na nito ang bag.
Naupo kami sa kama na nasa sahig at ilang saglit na tumahimik ang paligid. Paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa gwapong mukha ni Val. Seryoso lang ito habang nagbabasa ng libro. Hindi ko alam pero kusang napapako ang mga mata ko sa kanya.
"Gutom na ba kayo? Kumain muna tayo ang daming pagkain sa ref oh," ani Lucas at binuksan pa iyon at pinakita sa amin.
"Sino kaya ang may-ari nitong bahay na ito no? Libre kaya yan?" tanong ni Trinity pero nagkibit lang ng balikat si Lucas.
"Hindi ko din alam pero magpasalamat na lang tayo kung sino man siya," anito at kinuha ang spam na nasa ibabaw ng ref.
"Ito na lang muna ang i-ulam natin," nakangising sabi nito.
"May bigas ba?" tanong naman ni Trinity.
"Here," sagot ni Valorous na nasa tabi pala ang isang sako ng bigas
"Perfect!" pumalakpak si Trinity nang makita nito iyon.
"Sino ang magsasaing?" tanong ni Lucas, mukhang hindi ito marunong mag-saing kaya naman nagprisinta na ako pero sa di inaasahang pangyayari ay nagkasabay pa kami ni Valorous na magsalita.
"Ako na lang," sabay naming sabi ni Val.
Nagkatinginan kaming dalawa dahil doon at nagpapalit-palit ang tingin sa amin ni Lucas at Trinity.
"Ahm ako na lang tutal ay ako naman ang babae," sabi ko at hindi naman nagsalita si Val. Saglit itong sumulyap sa akin at tumango.
"Sige ikaw na lang Selena," ani Trinity kaya lumabas na ako ng silid upang humanap ng lababo na may gripo. Nasa loob ng silid namin ang lutuan, tubig lang ang hinahanap ko.
Ang cr ay nasa ibaba pala ng bahay, magkahiwalay ang sa lalaki at babae.
Nahihiwagaan talaga ako kung kaninong bahay itong tinutuluyan namin, pero sa ngayon ay hindi ko na muna pag-aaksayahan ng panahon iyon, kailangan ko ng magsaing.