CHAPTER 05

1239 Words
Kakatapos lang namin kumain ng hapunan at nasa loob ng silid namin sila Elisha at Klint kasama na rin sila Stanley at Jackie, walang naiwan sa silid ng mga ito at nangapit-bahay muna dito sa silid namin. "So anong plano natin ngayon?" tanong ni Klint. Naka indian sit kaming lahat habang nakapaikot. "Maging dito sa bahay-panuluyan ay matataas ang pader. Tila wala talaga tayong pag-asang makatakas. Pinagplanuhan yata ang lugar na to," sabi ni Jackie. "Oo napansin ko na din yan, kanina pa ako naghahanap ng pwedeng malusutan pero mukhang mahihirapan tayo. Walang ibang daan, bukod sa matatayog ang pader ay nagkalat pa ang mga alambre sa tuktok niyon," ani Trinity. "So kung ganun enjoyin na lang natin tutal mamamatay din naman pala tayong lahat dito," sabi ni Stanley na ikinasama naman ng tingin ni Jackie. "Alam mo ikaw wala kang naitutulong eh, bakit ka pa sumama dito?" pagtataray nito. "Wala naman akong choice kung hindi ang sumama sa inyo, kung ito na talaga ang tadhana nating lahat at mamamatay rin tayo ay bakit hindi na lang natin enjoyin ang natitirang mga sandali natin sa mundo? Act like normal, maging masaya tayo baka sakaling mabuwisit pa natin yung multo," sarkastikong sabi ni Stanley dahil hindi talaga ito naniniwala sa multo. "Ikaw Selena may nararamdaman ka ba ulit dito?" tanong sa kanya ni Lucas. Sa ngayon ay wala akong nararamdaman na kakaiba at sana ay tuluyan na akong walang maramdaman o makita na makapagbibigay ng takot sa akin. "Sa ngayon wala," sambit ko. "Eh kasi guni-guni mo lang talaga 'yun," sabi ni Stanley at dumukot ng chips na nakalagay sa maliit na lamesang nasa harap namin. Alas-otso pa lang ng gabi. "Ano kaya talaga ang mayroon dito no? Ang weird eh," sabi ni Trinity. Napatingin ako kay Valorous na tahimik lang habang nagbabasa ng libro. Nakaharap din ito sa amin ngayon ngunit tila wala naman ang isip sa mga pinag-uusapan ng iba pa naming kasama. "Hey man, ikaw may alam ka ba kung bakit hindi tayo makaalis dito?" tanong ni Stanley kay Val. Nagbigay lang ng blangkong ekspresyon si Val pero ilang saglit lang ay nagsalita din ito. "Sa tingin ko isang tao lang ang umiipit satin sa lugar na ito at yun ang kailangan nating alamin kung sino," anito at muling binalingan ng tingin ang librong hawak nito. "So sa tingin nyo ay may isang tao sa likod nito? What about the girl na nakikita ni Selena multo ba yun? May kinalaman kaya iyon?" si Trinity. "Maaaring oo at maaaring konektado," sagot ni Val. Lahat kami ay napatingin ngayon dito, parang may alam ito sa mga nangyayari na hindi namin maintindihan lahat. "What? Pati ikaw naniniwala ka sa multo? Hindi nga totoo ang multo ang kulit nyo tsk tsk!" umiling-iling si Stanley at tumayo. "Bahala kayo dyan matutulog na ako," anito at tumalikod na sa amin. Nagtungo na ito sa kabilang silid at iniwan sila Elisha. "Napakasama talaga ng ugali ng tao na yun!" iritang sabi ni Jackie. "Hayaan mo na lang siya," sabi naman ni Klint. "Ang mabuti pa nga ay magpahinga na rin tayo dahil maaga pa ang klase natin bukas at bawal umabsent, iyon ang kabilin-bilinan ni Mrs. Elizcupidez," seryoso ang mukha ni Lucas habang sinasabi iyon. Kung ano man ang parusang sinasabi ni Mrs.Elizcupidez ay wala akong planong maranasan iyon, papasok na lang ako lagi kung iyon ang kailangan. Nagtayuan na ang mga kaibigan ko na sa kabilang silid ang tutulugan, naiwan kaming apat nila Trinity, Lucas at Val. Magkatabi kami ni Trinity sa isang kutson at sa kabilang kutson naman si Val at Lucas. Nahiga na si Lucas at kinuha ni Trinity ang isang kumot na nakapatong sa mga unan na naroon. Nahiga na rin ito. Si Val ay nagbabasa pa rin ng libro. Hindi kaya lumalabo ang mata nito? Kahit madilim na ay nakatutok pa rin ang mga mata nito roon. Nahiga ako at tumabi kay Trinity. "Ikaw na lang ang magpatay ng ilaw," ani Lucas kay Val. Ipinikit ko ang mga mata at pinilit na makatulog. Pero biling-baliktad ako at pagkalipas ng dalawangpung minuto ay nananatili pa rin na gising ang diwa ko. Idinilat ko ang mga mata at nakapatay na ang ilaw pero nababanaag ko si Val habang iniilawan nito ang librong hawak. Nagbabasa pa rin ito ng libro. Bumangon ako. "Hindi ka makatulog?" tanong nito sa akin dahilan para mapalingon ako dito. Hindi ito nakatingin sa akin at naroon pa rin sa librong hawak ang mga mata nito. "I-ikaw bakit nagbabasa ka pa ang dilim dilim na," imbes na sumagot ay iyon ang nasabi ko. "Mamaya pang madaling-araw ang tulog ko," anito. "Huh? Bakit naman? May insomnia ka ba?" Kinapa-kapa ko ang switch ng ilaw at isinindi iyon. Bahagya nitong iniharang ang kamay sa mga mata ng biglang sumindi ang ilaw. Nasilaw siguro ito. "Wala nakasanayan ko lang, hindi kasi ako nakakatulog hangga't hindi pagod ang mga mata ko," sagot nito kaya muling napako ang mga mata ko sa librong hawak nito. Kaya ba ito laging nagbabasa ay para mapagod ito at makatulog? Pero bakit naman kaya hindi ito makatulog? "Bakit naman hindi ka makatulog?" tanong ko. Namalayan ko ang sarili na nagtitimpla ng kape. Mabuti na lang at may mainit na tubig sa thermos. "Binabangungot kasi ako," sagot nito na ikinatigil ko naman. Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Tulog na si Trinity at naririnig ko na din ang mahihinang hilik ni Lucas, mukhang malalim na rin ang tulog nito. "Gusto mo ng kape?" alok ko kay Val. "Baka mas lalo akong hindi makatulog pero sige salamat," anito, ngumiti naman ako at kumuha ng isa pang tasa upang ipagtimpla din ito ng kape. Maluwang ang silid namin, siguro ay bawat silid ng bahay na ito ay maluwag dahil sa sobrang laki at taas nito. Tumayo ito at naglakad patungo sa bintana, naupo ito roon. Ayaw ko sanang tumambay doon dahil natatakot ako sa naglalakihang mga puno na matatanaw ko kapag naupo rin ako doon. Pero namalayan ko na lang ang sarili na nasa kabilang gilid ng bintana at nakaupo katapat ni Val. Nasa kamay na nito ang tasa ng kape at parehas kaming sumisimsim niyon Tahimik na ang paligid at mukhang tulog na rin ang iba pang mga estudyante, kami na lang yata ang gising kahit maaga pa naman. Pinagmasdan ko ang langit, madilim iyon ngunit nagkalat naman ang mga bituin na tila isinabog sa kalangitan. Ang ganda niyon habang nagkikislapan. "Nakikita mo sya?" bigla ay tanong sa akin ni Val. Kumunot naman ang noo ko, hindi ko kasi maintindihan kung ano ang tinutukoy nito. "Ang alin?" tanong ko. "Y-yung babae," anito kaya bigla akong kinilabutan. May alam din ba ito tungkol sa babaeng nakikita ko? "Kilala mo sya?" "Hindi, pero nakikita ko din sya," Bigla akong natigilan sa sinabi nito, kung ganoon ay hindi lang pala ako nag-iisa? At ibig sabihin ay totoo ang lahat ng nakikita ko at hindi guni-guni lang. "Bakit sya nagpapakita? Natatakot ako sa kanya," sagot ko kay Val. Totoo naman na nakakatakot ang itsura ng babaeng nakikita ko. "Huwag kang matakot may misyon tayo kaya natin sya nakikita," "Misyon? Tayo? A-anong ibig mong sabihin?" Tiningnan lang ako ni Val at ilang saglit na nagtama ang mga mata namin bago ito nagsalita, "Kailangan natin syang bigyan ng hustisya," anito na ikinatindig ng balahibo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD