CHAPTER 06

1290 Words
Kinabukasan ay maaga akong gumising, tulog pa ang mga kaibigan ko kaya naman tinapik-tapik ko ang mga ito. Kailangan naming pumasok ngayon at bawal kaming umabsent. 6:00 AM pa lang at malamig ang dapyo ng hangin ng umagang iyon. Tiningnan ko ang pwesto ni Val pero wala na ito roon. Siguro ay nauna pa itong nagising sa akin, matapos kaming mag-kape kagabi ay nakatulog naman ito agad. Nagtataka ako dahil ang sabi nito ay hindi ito agad nakakatulog at kailangan pang pagurin ang mga mata, ngunit kagabi naman ay tila panatag na panatag ito. Rinig ko pa ang mahihinang hilik nito katulad ni Lucas. Nakasabit ang tuwalya sa balikat ko at kumain lang ako ng tinapay na nakalapag sa lamesa. Bumaba ako upang tunguin ang banyo at maligo, si Lucas ay nakita kong pupungas-pungas na kanina, gising na ito. Habang pababa ako sa hagdanan ay nasalubong ko si Valorous. Bagong paligo ito at nagkukuskos ng basang buhok gamit ang tuwalya. Nakasuot na ito ng uniporme at nalanghap ko ang sabon nito. "Good morning!" nakangiting bati ko rito. "Good morning!" bati rin nito sa akin at lumagpas na rin agad. Nang makababa ako ay nasalubong ko ang ilang estudyante na nakapila. Tatlo lang ang cubicle para sa cr ng mga babae. Ganoon din sa mga lalaki. "H-hi, kanina pa ba may tao sa loob?" tanong ko sa isang babae. "Ahm oo pero siguro naman ay matatapos na rin sila, 5 minutes lang pwede mag-stay sa cr at pagkatapos nun kailangan ay tapos ka na dahil marami pa ang gagamit," sabi ng babae at tumango-tango na lang ako dito. So may oras pala ang paggamit ng cr? Well tama lang din naman iyon dahil marami-rami din ang estudyante na narito sa bahay-panuluyan. Kailangan talagang magmadali upang maka-gamit din ang iba lalo na at pare-parehas kaming papasok sa eskwela. Ilang minuto din akong nakatayo bago bumukas ang isang cubicle. Pumasok ako roon at pumasok na rin ang isang babae na kausap ko kanina. Minadali ko ang pag-ligo at nang matapos ako ay naabutan ko ang iba pang mga babae na naghihintay rin sa amin. Nilagpasan ko ang mga ito at muling nagtungo sa itaas. Minadali ko ang bawat paghakbang dahil nakatapi lang ako ng tuwalya. May mga lalaking estudyante na nakaupo sa mga upuan na nasa ibaba at doon nagkakape. Napapasong nag-iwas ako ng tingin sa mga ito. Sa susunod ay magbabaon na ako ng damit sa loob ng banyo upang doon na lang magbihis. Bigla akong natigilan. Wala nga pala kaming mga damit, paano kaya kami makakapagbihis? Iisa lang ang uniporme naming dala at hindi naman pwedeng iyon lang ang isuot namin palagi. Mas napabilis ang pag-akyat ko sa hagdan at muntik pa akong madulas mabuti na lang at naalalayan ako ni Valorous. Ilang saglit itong natigilan sa akin. "Oh ingat," anito sa seryosong tinig. "S-salamat," sambit ko at pumasok sa silid. Wala na roon si Lucas. Siguro ay nakapila na rin ang mga ito sa banyo. Naabutan kong kumakain ng tinapay si Trinity at nagkakape. "Marami pa bang pila sa ibaba?" tanong nito sa akin. "Kaunti na lang pero kailangan ay 5 minutes mo lang gagamitin ang cr," sagot ko. "What? May oras ang pagligo?" takhang tanong nito sa akin habang ngumunguya ng tinapay. "Oo kaya nagmadali lang din ako dahil iyon daw ang patakaran," Hindi na kumibo si Trinity. "Paano nga pala tayo magbibihis wala naman tayong mga damit?" sabi ko kay Trinity. Naglakbay ang mga mata nito sa isang lumang dresser at sinundan ko naman ng tingin iyon. "Huwag kang mag-alala, mayroong mga damit at mga uniporme sa loob ng dresser na yan, hindi ko alam pero ang weird dahil kumpleto ang mga gamit," ani Trinity. "Sigurado ka? You mean kahit para sa lalaki ay mayroon din?" tanong ko at tumango ito. "Oo, parang alam na alam nga ng may-ari kung sino ang mga titira dito. Ang weird no? Sino kaya sya?" Kumunot lang ang noo ko sa sinabi ni Trinity at nilapitan ang dresser. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang mga uniporme na nakaayos pa ang pagkakalagay. Kulay asul ang mga palda na naroon, ibig ba sabihin ay iyon na rin ang isusuot naming palda? Iyon naman kasi talaga ang kulay ng mga palda sa Sahara at kami lang ang naiiba kahapon. May mga tshirt din na nakasalansan at mga underwear. Tama si Trinity, ang weird nga talaga dahil tila pinaghandaan ang pagdating ng mga tutuloy sa bahay-panuluyan na ito. "Pipila na ako sa ibaba," paalam sa akin ni Trinity. Tumango lang ako dito at nagbihis na. Mga ilang minuto ang lumipas at may kumakatok sa pintuan, binuksan ko iyon at tumambad sa akin si Lucas. "Labas na muna ako," sabi ko upang hayaan itong makapagbihis tutal ay tapos naman na ako. Tumango lang si Lucas sa akin kaya tinungo ko na ang hagdanan upang bumaba. Nang makababa ako ay naroon sa maluwang na sala si Valorous, hindi nakatakas sa paningin ko ang tatlong lalaki na nakaupo rin doon at nag-uusap usap. Si Mike at ang dalawang kaibigan nito, ang pinagtataka ko ay kung bakit wala ang isang kasama ng mga ito. Kahapon pa hindi pumasok sa buong klase ang isang kasamahan ng mga ito na sa pagkakatanda ko ay Hunt ang pangalan. Ang lalaking puro marka sa katawan ay napatingin sa akin at kumaway ito. May hawak itong gitara habang tumitipa roon. Tila luma na rin ang gitara at hindi ko alam kung saan nito iyon nakuha. "Hi," sabi ni Bruno sa akin. Nagawa kong pagmasdan ang mukha nito. Singkit ito at kahit pa puro marka ang katawan ng lalaki at maraming hikaw sa tainga ay hindi maitatangging gwapo ito. May mangilan-ngilang babae na pinagbubulungan ang mga ito ngayon at nadidinig ko iyon dahil nasa gilid lang ako ng mga ito. Hindi ako kumibo nang mag-hi ito sa akim. Tinitingnan ako ni Mike at ng isa pang kasama nito. Biglang tumayo si Bruno at lumapit sa akin. "Hi my Treasure," anito at kumindat. Hindi naman ako natatakot kay Bruno, hindi lang talaga ako komportable kapag nakikita ang mga marka nito sa katawan. Napakadami kasi niyon. "Selena na lang ang itawag mo sakin pwede?" sabi ko. "Pero Selena Treasure naman ang buong pangalan mo right? That's why I'm calling you my Treasure, anyway papasok ka na?" tanong nito sa akin. Naka-suot na rin ng uniporme ang mga ito at siguro ay papasok na rin sa Sahara. "Yes hinihintay ko lang sila Lucas," "Oh Lucas, Mike's bestfriend," ngumisi ito at tumingin kay Mike na tila nang-iinsulto. Alam ko kung ano ang ibig sabihin ni Bruno, girlfriend ni Mike ang ex ni Lucas na si Xyla. "You dimwit! asik ni Mike dito at humalakhak lang si Bruno. "Bakit di ka na lang sumabay sakin? Tara pasok na tayo," biglang hinawakan ni Bruno ang kamay ko pero natigilan ako ng hawiin ni Valorous iyon na mabilis nakalapit sa amin at nakikinig lang. "Let her go," anito kay Bruno. Hindi ko alam kung bakit mabilis na nabitawan ni Bruno ang kamay ko matapos hawakan ni Val ang kamay ni Bruno at inilayo iyon sa akin. Ang huling nakita ko ay hawak-hawak ni Bruno ang sariling kamay at namimilipit ito sa sakit. "f**k! Uhh s**t!" daing ni Bruno at nang tumingin ako dito ay tinatawanan ito nila Mike. Hawak hawak nito ang sariling kamay at pinapagpag iyon. Kitang-kita sa mukha nito ang matinding sakit. Mabilis na hinila ako ni Valorous at inilayo sa mga lalaki. "Sabay na tayo," anito at nagpatianod na lang ako. Sigurado naman ako na magkikita-kita rin kami nila Lucas sa klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD