*VALOROUS POV* "Thank you love. The best ang luto mo," nakangiting sabi sakin ni Selena. Parang nasa alapaap naman ako matapos marinig ang mga katagang iyon sa kaniya. Wala lang. Ang sarap kasi sa feeling, hindi pa rin ako makapaniwala na okay na ulit kaming dalawa. Masayang-masaya ako. "You're welcome my love. Basta ikaw, lahat ng makapagpapasaya sayo ay gagawin ko," nakangiting sagot ko sa kaniya. Ngumiti lang din ito at humilig ang ulo sakin. Si Bruno at Lucas ay umiinom ng alak. Yung dalawang babae naman na si Jackie at Xyla ay hindi na pwedeng uminom dahil buntis na ang mga ito. Kami kaya ni Selena? Kailan kaya kami magkaka-baby. Isa sa dahilan kung bakit gusto kong makasal na kami agad ay para magkaroon na rin kami ng baby. Mas maganda kung sabay-sabay sila nila Jackie na magkakaa

