*SELENA's POV* "Surprise!" Nagulantang ako sa tinig na iyon nila Lucas at Xyla. Kasama ng mga ito si Bruno at Jackie. Pati si Mommy na kasalukuyang naglalabas ng mga pinggan ay nagulat dahil sa biglaang pagsulpot ng mga ito, pero kapagkuwan ay mabilis din namang ngumiti. Val is preparing dinner. Siya ang nagprisinta na magluluto. Hindi ko nga akalain na marunong pala siyang magluto. "Nasorpresa ka ba namin?" tanong ni Lucas habang nakangisi. Actually hindi pa rin ako nakakapagsalita sa pagdating nila bigla. Anong ginagawa ng mga ito dito at bigla na lamang sumusulpot? "T-teka, bakit kayo nandito? Hindi ko naman birthday ah," nagtatakang sabi ko sa kanila. Hindi ko pa naman kasi birthday kaya nagtataka talaga ako sa biglang pagsulpot nila with surprise pang nalalaman. "Actually I was

